Chapter 61

1741 Words

Hindi ako umimik nang makasakay na siya. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa headrest ng upuan saka pumikit nang magsimula na kaming bumyahe. Naramdaman ko ang pagkuha niya sa isang kamay ko kaya nagmulat ako ng mga mata at tumingin sa kaniya. Napangiti ako nang halikan niya ang likod ng palad ko kahit na abala ang mga mata niya na nakatingin sa kalsada. Sa mga ganitong simpleng gesture niya ay lalo kong napapatunayan sa sarili ko na sobrang mahal ako ng lalaking ito. Gano'n din naman 'yong nararamdaman ko para sa kaniya. Para bang lumulundag ang puso ko sa loob ng dibdib ko kapag ganito siya sa akin. Well, lagi naman siyang ganito, eh. Lagi niyang ipinaparamdam sa akin na mahal niya ako kahit pa na may mga kasalanan akong nagawa sa kaniya noon. "Mas gusto pa yata kita kapag hindi ka na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD