Chapter 53

3003 Words

Papalubog na ang haring araw nang mapagpasyahan naming tumungo sa dagat. Mas pinili naming mamasyal na muna sa buong lugar at bumili ng kung anu-ano dahil hindi kami puwedeng maglibot dito bukas. Kahit naman kasi pareho naming gusto ang manatili dito, may mga pamilya pa din kaming kailangan balikan. At mas gusto ni Mishari ang ayusin muna ang lahat na sana nga ay maayos na. Gusto ko din naman iyon para maging panatag na ang kaisipan naming dalawa. Para na din wala na kaming masagasaan sa relasyon namin. Gagawin namin ang lahat para matanggap kami ng mga pamilya namin. Pero sa ngayon, susulitin muna naming dalawa ang pagkatataon na ito dahil alam ko na sa pag-alis naming dalawa dito, babalik na kami sa totoo naming mundo. Aaminin ko naman ang lahat sa mga magulang ko pag-uwi ko sa amin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD