C H A P T E R 1 9 : P H O T O A L B U M S P T . 1 HUGO: I'll get mad if you are going to get home now, Heather. Rest, and relax, okay? Iyon lang ang message na ini-reply ng lalaki sa ilang ulit na voice call niya, na ni isang beses ay hindi man lang nito sinagot. Marahil ay busy talaga si Hugo. At mukhang ayaw talaga siyang pauwiin. Well, kapag umuwi nga naman si Heather ay haharapin lamang din niya sa bahay ang trabaho sa opisinang hindi niya natapos. Sa huli, sinunod na lang din niya ang asawa. Alas otso ng umaga ay naroroon na siya sa labas ng mansyon. Sa patio ay doon siya kumain. Dumating din kanina ang hindi katandaang caretaker ng bahay --- si Luisa. Ito ngayon ang nagsisilbi sa kanya, bilin daw ni Hugo. Bagaman tapos na siyang kumain at natulungan na rin si Luisa na mag

