"Sabrina's POV" Inis akong sinulyapan ng leader nila habang nakatingin sa babaeng nasa harapan namin. "Kapag hindi pa umalis ang babaeng yan diyan, hindi ako magdadalawang isip na sagasaan yan." - galit na usal nito pero wala sa kanya ang atensyon ko. Ni nakalimutan ko nga na nasa panganib pala ang buhay ko. Masyadong inokupa ng misteryosang babae ang isip ko. "Sabihin mo na lang kasi na kasama mo ang babaeng yan." Kanina pa niya ako pinipilit na paaminin. Pero ano namang aaminin ko? Hindi ko nga kilala ang babaeng yan. Hindi ko magawang ibigay sa kanya ang lahat ng aking tiwala dahil baka mas malala pa pala siya kesa kay Queen Reign. "Bababa ako at dito ka lang. Wag na wag kang tatakas kundi malilintikan ka talaga sakin." Hindi ko siya pinansin at hinintay na lang na makalabas na

