"Bridget's POV" Ilang buwan na ang nakakalipas magmula nang bawiin namin si daddy kay auntie. "Malapit na pala ang graduation no?." - nakangiting tanong ni Lisa. Kasalukuyan kaming nasa klase ngayon. Wala pa ang professor kaya malaya kaming nakakapag usap. Ilang buwan na lang at gagraduate na din kami sa fourth year college. "Ano nang plano ninyo pagkagraduate natin?." - tanong naman ni Axel. "Ako, baka pumunta ako nang ibang bansa." - sagot ni Rafael at nilingon si Lisa. "Ikaw sweetheart?." "Pupunta din ako ng ibang bansa. Baka magsama na naman tayo niyan." - sagot naman nito. "Sus. Baka naman dahil mangingibang bansa din si Rafael." - pang aasar ni Agatha. Walo na kami ang palaging magkakasama ngayon. Ang dating lima, ngayon ay walo na. "Ano nang plano ninyong tatlo pagkagradu

