"Allison's POV."
Martes.
Wala akong ginawa buong umaga. Nagdesisyon akong bukas na lang papasok. Alas dose na nang mapagdesisyunan kong bumaba na lang.
Buti naman hindi na ako ginising nung dalawa. Alam naman nila na ayaw na ayaw ko ang nagpapagising. Dito na kasi sila natulog sa apartment ko.
"Buti naman at gumising ka na rin. Wala ka bang pasok ngayon?." - kuya.
"Absent." - maikling tugon ko at agad nakisalo sa kanila. Nabilaukan pa si kuya nang marinig ang sagot ko. Psh.
"Hahaha. Akalain mo yun. Umaabsent ka din pala." - Hexter. Pero sinamaan ko lang siya ng tinging. Mukhang nasindak naman.
Ilang minuto lang ay tapos na din kami sa pagkain.
*** *** ***
Nasa hidden stead na ako ngayon dito sa kwarto ko. Naglilibang lang sa pag eensayo hanggang sa hindi ko namalayan ang oras.
Time check: 8:50 pm.
Agad kong dinial ang numero at may kinontact na tao.
"Prepare. It's time."
Yun lang ang sinabi ko at agad ibinaba ang tawag.
Wala pang limang minuto ay natapos na din ako.
Isang black crop top na may Queen na nakasulat at simpleng pang ibaba lang din ang isinuot ko.
Agad kong sinulyapan si Miracle.
"Ready, Miracle?."
Tanong ko at agad nang pinaharurot ang motor. In just one swift move, agad kong narating ang pupuntahan ko.
*** *** ***
"Third Person's POV."
Sa isang hideout ay lulan ang miyembro ng Alpha Mega Unit. Nag uusap usap lamang silang pito nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang maganda at nakakatakot na aura ng isang babae.
"Queen."
Pagbibigay galang ng mga ito kasabay ng pagyuko.
Sumenyas lamang ang tinawag nilang Queen at agad na silang nagsipag upo.
"How's your tasks?."
Malamig at nakakakilabot na tanong nito. Lahat sila ay napulunok at nagkatinginan.
"Are you just going to look at each other?."
Dahil sa nakakatakot nitong tono ay bigla silang napaayos at kulang na lang ay mag unahan sa pagrereport sa kanilang amo.
"H-here's what I've found out, Queen."
Sandaling klinaro ni Alpha Centauri ang kanyang lalamunan bago muling nagpatuloy.
"You are right. She's the one who send the guy to threat you yesterday. She's also the one who send you the first guy to watch your every step, Queen." - paliwanag nito at laking pasasalamat nito nang hindi na siya muling nautal pa.
(A/N: Remember the Chapter 3: She's Back? Yun yung time na nahuli ni Allison ang nagmamanman sa kanya.)
"Good. How about the other?."
Tanong nito at sinulyapan ang iba pa.
Lahat kasi sila ay binigyan ng tasks.
"Here's what I've found out, Queen." - Alpha Aurigae at agad iniabot ang isang pink folder.
Tinignan naman sandali ito ng kanilang Reyna.
"So, ito pala ang pinagkakaabalahan nila ah?." - saad ng kanilang Reyna sabay ngisi ng nakakaloko.
'I know that look. She's now planning to do that strategy, hmm.' - excited na saad ni Alpha Bootis sa kanyang isipan.
Ganun din ang nasa isip ng kanyang mga kasamahan. Lahat sila ay pawang excited na.
Agad may dinial na numero ang kanilang Reyna at ilang saglit lang ay may kausap na siya.
"Remember when I told you to change the plans?." - sabay ngisi ng nakakatakot.
(Yes, Queen. Are we on move now?.") - saad ng nasa kabilang linya.
"Well, guess what? It's about time. I'll text you all the details. For now, I'm having a meeting with Alpha Mega Unit."
("What? And you didn't even bother to inform me?.")
"Haha. Stop being childish. We don't have that in our blood." - makahulugang saad nito.
("Yeah. Yeah. Fine. Fine. Whatever. Just text me all the details.")
"Au revoir." - then, she ended the call.
(Translation: Bye.)
Agad niyang hinarap ang AMU.
"You want to have some fun?." - nakangising tanong niya dito at bigla namang nagkikislap ang mata ng mga AMU.
"Sure, Queen."
"Of couse, Queen."
"That would be so exciting, Queen."
Sagot nila.
"Then, prepare yourself. I already have a plan." (Smirk.)
Bigla namang naexcite ang pitong miyembro ng Alpha Mega Unit.
*** *** ***
Wednesday.
"Third Person's POV."
"Ito ba yung sinasabing fun ni Queen?." - nakabusangot na saad ng isang babae sabay sulyap sa kanyang mukha at pananamit.
"Well, we know for sure Queen has a plan. Sakyan na lang natin ang palabas niyang ito."
Saad naman ng isang lalaki sabay suot ng kanyang salamin.
Wala na rin silang nagawa dahil yun ang utos ng kanilang Reyna.
*** *** ***
"Lisa's POV."
7 am pa lang. May 30 minutes pa kami kaya naisipan na lang muna naming tumambay sa Hills Garden. Kaming apat lang ang nandito ngayon. Maya maya lang ay dumating na din si Allison. Ba't kaya nakangisi ang isang to?
"Hoy. Nginingiti ngiti mo diyan?." - tanong ko.
Kinabahan pa nga ako dahil nakalimutan kong Reyna pala itong kaibigan ko. Tssh.
Akala ko gagamitan na naman niya ako ng malamig pa sa yelo niyang tingin pero himala ata at good mood ang isang to. Nagkibit balikat lang siya at nginisihan ako pagkatapos ay tumabi kay Akiro.
*** *** ***
"Akiro's POV."
Kasalukuyan pa rin kaming nasa Hills Garden na lima. Napatitig lang ako sa katabi ko at hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala yung naging usapan namin kagabi.
******* FLASHBACK *******
"Baby." - malumanay na banggit ko.
("Oh?.") - parang nanghahamon naman to.
"Hindi ko nakakalimutan na Reyna ka kaya wag mo din sanang kalimutan kung ano mo ako."
Hindi ko na naiwasan na maging seryoso. Alalang alala ako e. Kahapon ko pa siya kinocontact tapos wala man lang paliwanag kung ano nang nangyari sa kanya matapos ang insidenteng yun. Tinatawagan mo busy yung line, sinagot nga para namang nanghahamon ng away.
(Baby. Sorry. Sinagot ko lang kasi yung tawag nang hindi tinitignan yung caller dala na rin ng antok. Sorry talaga.") - malumanay na saad niya.
Agad naman akong nakonsensya.
Tinignan ko yung orasan. Ala una ng umaga.
Hindi kasi ako nakatiis e. Tinawagan ko na ng madaling araw.
"Okay lang baby. Sorry mukhang naistorbo ko pa ata ang pagtulog mo. Sige ibababa ko na lang to."
Akmang ibababa ko na pero natigilan ako sa sunod niyang sinabi.
("Hindi ako galit baby and sorry din. Mahal na mahal kita.")
Para akong nabingi.
"Anong sabi mo?."
Baka kasi nabingi lang talaga ako e.
("Ang sabi ko Je t'aime, Te amo, Ich liebe dich, Wo ai ni, Aisheteru, Saranghae, Ana bahebak, Main tumse pyar kartha hoon, Se agapo, Ti amo, Ya tebya liubliu, Ani ohev otakh, Nemehotatse, Nagligivaget.") - sagot niya na halos ikadugo ng ilong ko.
("Uy. Okay ka lang ba diyan?.")
"Uh. Yeah. Hehe. I love you too baby."
Sandali siyang natigilan. Kinikilig din siguro to e.
("Je t'aime de plus en plus, baby.") - sagot niya na mas lalong nagpangiti sa akin.
(Translation: I love you more and most, baby.)
Ang sweet niya noh? Pero sa dalawang buwan naming magkarelasyon, ngayon lang niya ako sinabihan ng ganyan. Tsk. Naipaparamdan naman e.
Saglit pa kaming nag usap.
******* END OF FLASHBACK *******
"HOY."
.
.
.
.
"Huh?." - takang tanong ko nang yugyugin ako ng dalawa. Sino pa ba? Edi yung dalawang loko.
.
"Kanina ka pa namin tinatawag. Tulala ka diyan." - Axel.
"Nauna na yung dalawa. May pasok pa tayo. Kung ano anong iniisip mo diyan." - Rafael.
Kaya naglakad na kami papunta sa classroom.
Naabutan naming nagdidiscuss na si Miss.
"The three of you, your late."
"Sorry Miss." - sabay naming saad na tatlo.
"Okay. You may take your seat."
Agad naman kaming nagsiupo.
"Busy ka kasi kakaisip sakin e." - saad ng katabi ko. Tsk. Kung di ko lang mahal to.
Nasa kalagitnaan ng pagdidiscuss si Miss nang may kumatok at may pumasok na pitong estudyante.
Apat na lalaki at tatlong babae.
Ang nakakapagtaka, lahat sila ay mga nerds.
"Bakit kaya uso ang mga nerds dito?."
"Oo nga. Talagang dito pa sa seksyon natin."
"Ang papangit naman nila."
Mga bulong bulongan ng mga kaklase namin.
"Quiet class."
Agad naman silang nagsitahimikan.
"You have your new classmates here." Hinarap niya ang pito. "Kindly introduce yourself."
"Rigel Cellis." - pagpapakilala ng isang nerd na lalaki sa isang malamig na tono.
"Vega Mandaque." - sunod na pagpapakilala ng isang nerd na babae na sa tingin ko ay ang pinakamahiyain sa kanilang lahat.
"Arcturus San Miguel. Gwapo." - pagpapakilala naman ng isang nerd na lalaki na sa tingin ko ay pinakamahangin sa kanilang lahat. Tsk.
"Capella Venice. Don't flirt with me. Ain't interested." - masungit na saad ng isang nerd na babae.
"Regiline Buenaveste. Let's play guys. Hehe." - saad naman ng isa ding nerd na babae. Childish. Tsk.
"Sirus Canopin." - cold na sambit ng isang nerd na lalaki.
"Canopy Milster. Gwapo din. Kayo ba, gwapo din?." - huling nagpakilala ang isang makulit na nerd na lalaki. Agad siyang sinamaan ng tingin ng kanyang mga kasama. Nagpeace sign lang siya. Tsk.
"Pwede niyo kaming iwasan. Wag niyo lang kaming tangkaing lapitan. You can insult us, but never dare to touch us. You don't know us, yet and you don't know what we can do." - malamig na saad nung Vega at agad nakaramdam ng takot ang buong klase maliban na lang syempre saming lima. Mga nerd ba talaga to? Tsk. Para din silang si Allison. May pa nerd nerd pa, Reyna naman pala.
"O-okay. You can now find your seat." - saad ni Miss na nabakasan ng takot. Agad namang tumalima yung pito.
Dumaan pa sila sa side namin at nangilabot ako nang biglang ngumisi ng nakakaloko si Allison matapos dumaan sa banda namin yung pito.
May binulong pa siya pero hindi ko na narinig.
'I wonder what's playing on your mind now, baby.'