Pagpasok palang sa kwarto ay sinalubong ka agad ako ni Niu-niu, agad akong lumuhod para mabuhat siya. Kakauwi lang namin dito sa Academy, madaling araw na nang makabalik kami. Kaya dumiretso sila sa kani-kanilang kwarto. Ni lock ko ang pintuan at nilagay ang mga gamit sa kama, agad ding sumampa ang pusa sa mga gamit ko at ginulo 'yon. Napairap nalang ako, dumako ang tingin ko bigla sa salamin at napatitig sa sariling mata. "Huwag na huwag mo nang tatanggalin 'yan, me and my wife made that for you. And also, your bident.. huwag mo na ring tatanggalin 'yan. Kapag nawala 'yan, hindi ko na problema 'yan." Yun ang pagkakasabi sa akin ng Ama ko, normal na tignan ang mata ko at hindi na halata ang pagka pula. Hindi nila sinabi sa akin ang rason kung bakit gano'n pero, alam kong may mali. M

