"Does it mean... WAH!" They are all look terrified. Pilit nilang iniiwas ang paningin nila sa amin. "Akira! Akina! Kanina pa namin kayo hinahanap!" dinamba kami ng yakap nina Trina at Yuna. "Sorry! Ang dami kasing ganap!" paumanhin ni Akina. "Oh siya halika na! Kumain na tayo!" pag-aaya ni Yuna, akmang lalakad na ako kasabay nila nang bigla akong mapahinto. Napansin ko ang isang simbolo sa may batok ni Yuna. "Is that a symbol?" isang simbolong kulay itim, para itong makulimlim na kalangitan. "Ah oo, lahat naman tayong mga Elementum, merong ganiyan." nginitian niya ako. Nagsisimula na akong magulumihanan sa mga bagay. May nagtutulak sa akin na humagilap ng mga sagot. Ang simbolo sa tiyan halimaw kanina... Kaya uminom ako ng tubig at huminga ng malalim, parang sinasaksak ang puso k

