Ang tindi naman ata ng sinag ng araw? Iniharang ko ang braso ko sa aking mukha para hindi ako masilaw, mula sa pagkakahiga ay naupo ako sa aking kama "O-ouch" napadaing ako dahil biglang sumakit ang ulo ko. Hindi naman ako umiinom ng alak kaya imposibleng hang over toh. Nagtaka ako kasi hindi man lang tumunog yung alarm clock ko, saktong paglingon ko dito ay siyang pagtunog nito "Geez. . . late nako sa first subject ko!" alas-nuwebe na pala! Bakit hindi man lang ako ginising ni Akina?! Nagmamadaling isinuot ko ang aking tsinelas at binuksan ang pinto, saktong pagbukas ko nito ay siyang isa-isa ring pagbukas ng ibang pinto "Anong oras na?" Akina yawned "9 o'clock!" sagot ko at nagtatakbo na pababa, rinig ko naman ang pagsinghap nila at ang mga lagabog na para bang nagpapaunahan pa sila

