"So obviously, this will be Akina Versus Treyton since kayo na lang ang natitira?" masungit na sabi ni Miss. Nagkusa ng tumayo ang dalawa. Walang karea-reaksyon si Treyton habang si Akina ay kamuntikan nang maglupasay sa semento dahil sa kaba. "Fight~" Miss said lazily. Akina and Trey started to summon their weapon. Hindi magkadaugaga si kambal kung sa kaliwa ba o sa kanang kamay niya ilalagay ang bow. She's really-Nevermind. Hawak hawak na ni Treyton ang kaniyang minotaur's axe, mayroon itong kulay kayumanggi na hawakan. Hindi na nakapaghintay pa si Akina at sunod na sunod na tinira si Treyton ng mga nagbabagang palaso. Nasalag ito ni Treyton habang iwinawasiwas ang kanyang axe. Kada dikit ng palaso sa kanyang weapon ay unti-unti itong tumitigas at nagiging bato. Ito siguro ang espes

