CHAPTER 2

837 Words
But the approval that I badly want to hear never happened. Dalawang linggo mula nang magising si dad ay nasa bahay lang ito kasama si mom habang ako ang nag aasikaso sa company. "because this happened I think we need a doctor in our family.."sabi ni dad isang umaga habang nag aalmusal kami. Araw iyon ng linggo at wala akong pasok kaya nakasabay ko sila sa pag aalmusal, kadalasan kasi ay sa office na ako nag brebreakfast. "so you want me to take med? Dad naman I am old enough for a change of career, business management ang course ko at tapos na ako it will take decades kung gagawin ko 'yan."natatawang sabi ko. He cleared his throat at nagpunas ng napkin sa bibig sign na tapos na siya kumain. "don't worry hindi kita pipilitin kung ayaw mo.."he said. "thank God.."natatawang anas ko nang lingunin si mom but her face is firm na para bang may deal meeting ito. "as what I've said, you don't need to be a doctor, you just have to marry one though.." Maingay ang pagbagsak ng kubyertos na nabitiwan ko sa sinabi ni dad. "b-but dad I know you know I have a boyfriend.."nanlalamig na anas ko. "your boyfriend Gregory isn't good enough, lalo na ngayon na may problema ang business nito, mabuti at hindi ka nito kinulit na makipag merge para maisalba ang yaman nito."sa sinabi ni dad ay napailing ako. I was like dad years ago, matapobre, laitera, spoiled and mean but I changed because someone changed me. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa alaalang 'yon. "you're just saying that para pumayag ako sa gusto mo dad.."naiiyak na sambit ko. Oo, alam ko na nagduda ako dahil kinukulit ako ni Greg sa isang kasal but I won't admit it to dad. "sooner or later ay malalaman mo din, at ayokong sa oras na malaman mo ay nagamit ka na niya at wala ka nang kawala, I am doing you a favor.." "favor?!you think--" "Emma come with me.."pinutol ni mom ang sana ay himutok ko sa nais ni dad. Tumayo na ito sa hapag at naunang naglakad. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod dito. Sa likod kami ng bahay pumunta kung nasaan ang grotto. "mom help me with dad ayokong maikasal sa hindi ko kilala at mahal!"naiiyak na sambit ko pero nang humarap ito sa akin ay natahimik ako. Namumula ang ilong nito at mga mata. Halata ang pinipigilang pag iyak. I heard her took a deep sigh. "do you love him?" I was taken a back sa tanong ni mom at hindi nakasagot. "I don't want to give you away, no man is good enough for my daughter kilala mo man o hindi but Emma, Greg is using you and your dad just wanted to make sure that you'll be in good hands kapag nawala kami.." "but mom.. Hindi ko gusto ang ganito alam mong ayoko sa fixed marriage.."nasa boses ko na ang frustration. "I know, but I don't want you to upset him, kakalabas niya lang sa hospital, we still don't know if he'll recover his 100 percent, would you like to take the risk and go against him? I don't want to lose him anak but I also don't want to lose you kung mag aaway kayo I might lose both of you kaya please Emma don't go against him.."hindi ako nakasagot. Hindi ko inakala na ang mahinahon na mga salita ni mom ang tutunaw sa kaninang nag uumapaw na determinasyon ko para tumanggi sa gusto ni daddy. Hinayaan ko si dad sa hiling nito. Ang hindi ko nga lang inaasahan ay hindi naman mayaman ang lalaking gusto nitong ipakasal sa akin, he's just average hindi mayaman hindi din mahirap. Sinusuklay ko ang mahabang buhok ko habang nakatingin sa bilugan kong salamin. Mababakas sa mga mata ko ang lungkot. Even mom questioned my feelings for Greg, bagay na pinagtatakpan ko sa buong taon ng relasyon namin. Mabait ito sa akin at iyon ang naiwala ko noon kaya siguro sinagot ko ito. I know I sounded unfair but I can't lie to myself. Pinahaba ko ang buhok ko because someone likes it that way. Naiiyak na binaba ko ang suklay. Niyuko ko ang record files na binigay sa akin ni mom. "get to know him.."nakangiting wika ni mom bago lumabas ng kwarto ko. He's a neurosurgeon in his early thirties. I'm just 24 for godsake! He's 31, 7 years ang tanda nito sa akin. Nang tignan ko ang picture nito ay natigilan ako. "no way.. It can't be you.." Sa nanginginig na kamay ay nilipat ko ang ilang page ng papel bago ako napunta kung nasaan ang pangalan nito. Blaze Silverio. Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga. Naiiyak na hinawakan ko ang litrato nito. Hindi ko inakala na sila mom and dad pa mismo ang magiging dahilan para makita kita uli. Galit ka parin kaya sa akin? Ano kayang sasabihin mo kung malaman mo na ikaw ang napili ng mga magulang ko para ipakasal sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD