chapter 1 Anatella

735 Words
Narito kami ng aking ina sa pinakagitna ng kagubatan, sinenyasan nya ako para umikot manghuhuli kami ng baboy ramo ngayon, nakatutok na ang aking pana sa target, walang mintis ko itong pinatamaan sa katawan. "napagaling mo na talaga Anatella sa paghuli g baboy ramo, may kakainin na tayo at panghanda sa ika labingwalong taon mong kaarawan" "ano ang pinagkaiba non sa iba kong kaarawan ina bakit kailangan ng baboy ramo? "Ang ibig sabihin noon nasa tamang edad ka na" Nakakunot ang noo ko na hindi maintidihan ang kanyang winika. Maintindihan naman nya ang ikinilos ko at pinaliwanag sa akin, ito ang panahon na pwede na akong magdesisyon para sa aking sarili. "Ina ibebenta mo ba ang ibang bahagi ng baboy ramo sa bayan? "oo anak hindi natin yan kayang ubusin siguradong masisira pag tumagal" wika ni ina. Napanguso ako paborito ko iyon mahirap manghuli ng baboy ramo, pero kailangan din namin ng ibang magagamit sa bahay namin napakalayo namin sa bayan, inaabot si ina ng hapon bago makabalik sakay pa sya ng kabayo ng lagay na iyon. Kinabukasan ang aking kaarawan inaghanda ako ni ina, nagluto sya ng pagkain na mahaba at kulay pula, spaghetti daw ang tawag doon, Inihaw ni ina ang ibang bahaging baboy ramo, ang iba ay ibinabad nya sa asin, ito ang dadalhin nya sa bayan bukas, Madaling araw pa lang ay umalis na si ina, inabala ko ang aking sarili sa pagbabasa hindi na ako nakapag aral si ina ang nagturo sa akin pagbasa at pagsulat, Naglinis din ako ng aming kubo sa ilalim nito ay may lihim na lagusan doon kami nagtatago kapag may bandido na naliligaw sa gubat, Pagkatapos kong maglinis ay bumaba ba ako sa lihim na lagusan upan makaiwas sa mga maliligaw na bandido na puro raw mga lalaki Ang sabi ni ina ingatan ko ang aking katawan hindi daw dapat iyon pinapahawakan sa iba lalo na sa lalaki, kuryoso ako hindi pa ako nakakakita ng lalaki na tinutukoy ni ina. Ang sabi nya lang maigsi ang buhok ng mga lalaki at walang dibdib kagaya namin. Nilinis ko ang lihim na lagusan, doon ay may papag na aming hinihigaan isang maliit na lamesa na pinaglalagyan ng pagkain, isang lampara na tinatawag na solar lamp ang aking gamit upang magbigay liwanag, bihira kaming umakyat sa itaas sabi ni ina ito ay para sa pag iingat, Dahil sa pagod ako ay nakatulog hindi ko alam kung anong oras na, pinakiramdaman ang ibabaw ng bahay namin ng masigurong walang naliligaw ako ay lumabas na, Bumalatay sa aking mukha ang pag-aalala, madilim na pero wala pa rin si ina, pinakalma ko ang aking sarili baka bukas bumalik na si ina. maaga akong gumising, wala pa ring bakas ni Ina, nanalangin ako na sana ay nasa ayos lang syang kalagayan, pag hindi pa sya bumalik mapipilitan akong sundan sya, pero atubili pa rin ako sa aking gagawin ni minsan hindi pa ako nakarating sa kapatagan, pero kailangan kong gumawa ng hakbang si ina na lang ang natitira sa akin wala ng iba kahit si ama ay hindi ko kilala, dala ang aking pana ay naglakbay ako pababa sa kabundukan, nilagang saging at kamote lang ang aking dala may naiwan ding salapi si Ina pero hindi ko alam kung paano gamitin, sabi sa nabasa ko ito ay ginagamit pamalit sa maraming bagay bayad ang tawag doon, Mahaba ang aking nilakad natigil ako kapag sumapit na ang dilim, sa itaas ako ng puno natutulog isa din ito sa itinuro ni Ina sa akin, may tali akong dala ito ang ginagamit ko para hindi ako mag alala na mahulog habang mahimbing na natutulog, Inabot ako ng halos dalawang araw bago ko natagpuan ang aspaltong kalsada palatandaan na nasa bayan na ako, ngunit wala akong makitang mga bahay at sasakyan kagaya ng nababasa ko, tanghali na at naubos na ang dala kong pagkain at tubig, matindi rin ang sikat ng araw, tumingin ako sa kaliwa at kanan ko hindi ko alam kung saan ako pupunta ang aspaltong daan ay dalawa ang tinutumbok, pumunta ako sa gitna para tanawin kung makikita ko ang dulo, May narinig akong tunog at ang paglitaw ng isang kulay itim na bagay, mabilis ang takbo nito at ako ang tinutumbok sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakaiwas. Mariin akong napapikit sobrang bilis ng t***k ng puso, kasabay ng pagkaskas ng isang bagay sa kalsada ay ang pagdilim ng aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD