Chapter 5 Someone's Pov (Alyssa)

1015 Words
Nagising akong nakaposas sa kama, pilit kong inaalala ang nangyari, masakit pa ang aking ulo dulot ng pinaamoy nilang kemikal na naging dahilan ng pagkawala ng aking malay, s**t natagpuan na nya ako almost 19 years akong nagtago sa kanya, dahil hindi ko kinaya ang natuklasan ko sa kanya. Ang aking dating boyfriend ay isang anak ng Mafia lord at bilang panganay ay sya ang magmamana ng trono ng kanyang ama, minsan kong nasaksihan ang kanyang kalupitan ng patayin nya ang isang tauhan dahil sa pagtataksil sa kanilang grupo, hindi ko ito kinaya, Ako ay laki sa ampunan at nakagisnan ko ang pangaral ng mga madre sa amin, ang pagkuha ng buhay ng iba ay dapat ang Maykapal lang ang nararapat na gumawa nito. Mahal ko sya, sya ang aking first love, pero hindi ko kayang sikmurain ang aking nakita lalo na ng mga panahon na yun ay natuklasan ko rin ang aking pagbubuntis kay Anatella. Hindi ko kayang lumaki ang aming anak sa magulong mundo ng kanyang ama, kaya tumakas ako at namundok dun ko din pinalaki sa Anatella sa loob ng 18 years. Hindi ko maiwasang mag alala sa aking anak alam ko na nag aalala sya sa akin, alam kong kaya nyang mabuhay kahit wala ako ngunit sumagi din sa isip ko na baka sundan ako ng aking anak hindi sya sanay na mawalay sa akin. Naputol ang pagmumuni ko ng bumukas ang pinto ng tinutuluyan kong kwarto, malaki ito at kokonti lang ang muwebles, minimalist ang design ika nga. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ng ama ni Anatella. " pakawalan mo ako ha*** ka" "No! mananatili ka sa kamang iyan hangang hindi mo sinasabi sa akin kung nasaan ang ating anak". Nakaramdam ako ng takot hindi pa nya ako napag taasan ng boses, palagi syang malumanay at puno ng lambing pero ang nakikita ko ngayon ay puno ng galit at hinanakit. "nineteen years kang nawala, nineteen years akong nangulila sa inyo, ni hindi ko man lang nahawakan ang anak ko, hindi ko man lang sya nakitang lumaki, sana pinagpaliwanag mo muna ako bago mo ako iniwan. Kaya ko namang iwan ang lahat ng meron ako basta alam ko lang na andyan kayo ng anak natin". Nakaramdam ako ng awa at pagsisisi sa aking nagawa mahal na mahal ko sya nadala lang ako ng takot, takot para sa aming dalawa ng anak namin. Hindi ko sinabi sa kanya na buntis ako ng umalis ako siguro ay nakita nya ang pregnancy test na naiwan ko sa banyo ng araw na tumakas ako, I was 2 months pregnant that time. Lumapit sya sa kama at pinakawalan ang isang kamay ko dalawang kamay ko kasi ang naka handcuffs sa magkabilang headboard ng kama. Naupo ako at tumitig sa kanya. "I want you back kayo ng anak ko, kaya sabihin mo sa akin kung nasaan sya. Iniwan ko na ang posisyon ko at ipinasa ito kay Mark" wika ni Marco. Si Mark ang pangalawa niyang kapatid. "Please babe gusto kong mabuo tayo". eighteen lang ako ng makilala ko sya I'm 36 now he's 38. "Mahal na mahal pa rin kita at sa loob ng humigit 18 years ay walang pumalit sayo sa puso ko" Pumatak ang luha ko sa narinig ko. Ako din mahal ko pa rin sya at wala ring pumalit sa kanya sa puso ko. "I'm sorry natakot ako sa mga kaya mong gawin, alam mo kung saan ako lumaki at para sa akin ay isang malaking kasalanan sa Diyos ang ginagawa mo. Hindi man lang kita binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Nasayang ang labing walong taon na sana ay magkasama tayo at pati ang anak natin, sana mapatawad mo ako". Hinaplos ko ang mukha nya, hinuli nya ang kamay ko at masuyong hinalikan, "Mahal na mahal kita hindi mo naman iyun sinasadya ako ang dapat humingi sayo ng tawad sana mapatawad mo ako. Hindi pa huli para mag umpisa tayong muli ikaw ako at ang ating anak, bubuuin natin ang ating pamilya. Ang kanyang kamay ay humaplos sa mukha ko kasabay ng pagkabig nya sa batok ko upang halikan sa labi na akin namang tinugunanan. "Damn I missed you so much babe" ngayon ay magkalapat ang aming nuo. Ngumiti ako sa kanya. " Na miss din kita pero pwede bang tanggalin mo ang posas sa kamay ko hindi naman ako tatakas" "Oh God I'm sorry babe I forgot " natataranta nyang sabi. Gusto kong matawa sa ikinikilos nya he's always like that, pagdating sa akin ay napaka lambot nya hindi mo maiisip na isa siyang Mafia lord na kinatatakutan ng iba. Hinimas nya ang kamay ko, bumakat na doon ang posas. " Masakit ba? gusto mo bang tumawag ako ng doctor para macheck yan"? Gusto kong matawa sa ikinikilos nya. "Ano ka ba wag ka ngang O.A dyan wala naman sugat ok lang ako. Pwede ba akong makigamit ng shower nanlalagkit na kasi ako parang araw ata ang itinagal ng pampatulog na ginamit sa akin kaya malagkit na ang pakiramdam ko" I'm sorry I just wanna make sure na hindi mo na ako matatakasan kaya ko nagawa yun, maligo ka na, kukuha lang ako ng pagkain alam kong gutom ka na" Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa walk-in closet nya naghanap ako ng maisusuot ko, nagulat ako dahil naandun pa rin ang aking mga damit dati. Maliit na ang mga ito sa akin marahil nagkaron na ako ng anak mas lalong lumaki ang aking dibdib, alam ko na biniyayaan ako ng malaking dibdib at malaking balakang dati pa ngunit mas lalo silang lumaki ng manganak ako kay Anatella, Wala akong makitang kasya sa akin, natawag ng pansin ko ang isang lingerie dress na gawa sa silk, hindi ko ito isinusuot dati dahil malaki ito sa akin at mababa din ang cut sa may bandang dibdib sa tingin ko ngayon ay kasya na sa akin. Parang lalabas na inaakit ko sya pero who cares we both love each other walang masama kung may mangyayari ulit sa amin. __________________________________________ Hello pls comment po para alam ko kung magugustuhan nyo ang sinusulat ko ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD