Kahit mahirap ako sa buhay kailangan kong buhayin ang sarili.Wala akong maasahan sa mga kamag anak ko pinagtabuyan nila ako na parang basura. Simula ng naulila ako sa magulang ako nalang bumubuhay sa sarili. Pumapasok ako kahit anong trabaho basta makakain ako sa tatlong beses isang araw.
Nag apply ako bilang waitress sa isang restaurant,nakatungtong naman ako ng kolehiyo ngunit di ko lang natapos dahil maaga nawala ang magulang ko.
Pinangarap ko maging isang sikat na chef., kaso nag iba ang buhay ko kaya parang na rin nawala ang hilig ko maging chef, Para sa akin kailangan ko maging masipag sa paghahanap ng ibang trabaho dahil di pa sapat ang pangangailangan ko sa sahod isang restau.Marami akong dapat bayaran, kuryente,tubig at may utang akong binabayaran dahil sa pagkamatay ng magulang ko.
Minsan gusto ko ng sumuko dahil ni wala akong malalapitan na puwedeng kong kapitan lalo na sa panahon na gipit ako at nagka abot abot pa ang babayarin.
"Hoy Thesa ano naman ipinag muni muni mo diyan bilisan mo sa pagpupunas dahil malapit na tayo magbubukas. Saka si Chef Mel ang nandito ngayon dahil wala si Chef Carl. Baka makita ka jan naka tulala tatanggalin kana. Napaka istrikto nun sa trabaho.
" Ito na po bibilisan ko., Alas diyes ang opening nila sa restau., Opener siya ngayon kaya marami silang dapat e prepare dahil pagsapit ng lunch marami silang customer na kumakain dahil sa luto ng Chef nila na masasarap at di kamahalan ang presyo ng pagkain nila.
" Thesa dun ka muna sa counter,marami pa pagkain naka pending na dapat e prepare baka makita yun ni Chef Mel, pagagalitan tayo..Ako nalang bahala dito mag take ng order sa mga dumating..
"Sige iwan na kita...
"Ano to dito...turo sa mga pagkain na hindi pa nahahatid sa customer..Bakit nandito pa ito ang hina naman ng kilos niyo bilis, sigurado akong gutom na mga customer natin dapat hindi ito m delay sa kanila...