Liezel's POV "Mommy... are we gonna visit to daddy pogi in his office? " tanong sa akin ni Miah. Nagluluto ako ngayon para tanghalian ni Warren at sa amin narin. Naglambing kasi ang gurang na iyon na hatiran daw namin siya ng pagkain ni Miah. " Yes,baby...doon ka muna sa sala.Watch ka muna movies. Malapit na matapos si mommy." nakangiti kong sabi sa kanya.Tumango lang ito at mabilis na lumabas ng kusina. " Careful..." habol ko pa na sabi kay Miah. " Wow naman...feel na feel ang pagiging mommy at asawa kuno ni sir Warren." kahit hindi ko pa lingunin ito.Alam ko ng si Anna ang nagsasalita. Wala na nga sa buhay namin si ma'am Shane na maldita. Pumalit naman itong si Anna. Hindi ko alam kung sino ang pinagmamalaki nito. Kung makaasta akala mo kung sino.Mabuti nga may awa pa ako sa kanya.

