Liezel's POV Nakangiti ako na pabalik na si sir Warren sa sasakyan. Pero ganun nalang ang panlumo ko. Hindi parin niya ako pinansin at tahimik lang siya sa buong biyahe. Kinuha ko ang cellphone ko para itext sila mama na papunta na kami ng Quezon City sa bahay ng amo ko.Si Grace din ay kinumusta ko. Napahigit nalang ako ng buntong-hininga mukhang mapapanis pa yata ang laway namin ngayon. Tiningnan ko si manong driver sa rear mirror seryoso din itong nagmamaneho. Kaysa mag-isip kung anong nagawa kong mali dito sa amo kong pogi pero tupakin naman pala ay pinikit ko na lamang ang aking mga mata. " Pretty ate...wake up, we are here." yugyog sa balikat ko ang nakapagpagising sa akin. Ginising ako ni Miah. Nandito na daw kami sa bahay nila sir Warren. Ngitian ko ang alaga ko. " Thank you,

