Liezel's POV MABILIS LUMIPAS ang mga araw. Simula ng namasyal kami sa park. Hindi na kami masyadong nagkikita ni sir Warren at nagkausap. Umaga siyang aalis sa mansiyon at gabi naman darating. Wala na din nangyaring kakaan sa amin.Nagpapasalamat ako sa isipin na kaya niya pala na walang mangyari sa amin tuwing gabi. Naisip ko na hindi naman pala katawan ko lang ang habol niya. Pero hindi ko maiwasan na mamiss ang kanyang presensiya.Mas lalo na kapag matapos ng kakaan namin ay magkayakap muna kami bago siya lalabas sa aking kwarto. Tulad nalang ngayon, birthday ni sir Warren. Hindi ko pa siya nabati simula kanina. Dahil busy siya sa mga bisita niya dito sa mansiyon. Mga kaibigan niya,nakita ko pa nga kanina si sir Jovan at ang girlfriend nito na kapit-tuko rin sa kanya. Nakita ko din

