Liezel's POV Warning‼️SPG Alert‼️ Hanggang ngayon hindi parin maalis sa isipan ko ang narinig ko mula kay ma'am Shane. Ang tapang niyang magbitaw ng mga salita. Ganun ba siya kabaliw sa amo ko na magagawa niyang pumatay ng tao. Hindi tuloy ako makatulog. Mahimbing na ang tulog ni Miah. Pwede ko na siyang iwan muna para puntahan ko ang aking cellphone na naiwan sa aking kwarto. " Hi..." ito agad ang bumungad sa akin sa pagpasok ko sa aking kwarto. " Sir Warren...nakakagulat naman po kayo." sabi ko na hinawakan ko pa ang aking dibdib. " Nagulat ka o natuwa ka? Saan sa dalawa,sweetie?" nakangisi na naman niyang tanong sa akin na akala mo parang asong nauulol. " Pinauwi ko na si, Shane." agad niyang sabi. " Wala naman po akong pakialam,sir. Girlfriend mo naman po iyon." sabi ko na k

