Liezel's POV Nandito lang kami ngayon sa loob ng kwarto. Mas lalong lumakas ang ulan. Kaya nakasuot kami ng jacket ngayon. Daig pa namin ang nasa ibang bansa. Nagkukulitan ang mag-ama. Ang sarap nilang pagmasdan na ganun sila kasaya. Naalala ko pa ang sinabi ni manang Neri sa akin. Ngayon lang daw niya ulit nakikita ang mag-ama na masaya. Pagkatapos silang iniwan ng asawa ni Warren at ang mommy ni Miah. Nakita ko si Warren na may binulong siya may Miah. Ngumiti ang alaga ko na nakatingin sa akin. " Mommy..." bigkas niya.Bigla akong kinabahan sa binigkas nito. " Mommy..." ulit niya pang tawag sa akin.Nalintikan na kung ano na naman ang sinabi ni Warren sa alaga ko. " Are you calling me mommy,baby?" paninigurado ko pang tanong sa kanya. " You're my new mommy... pretty ate." bigkas ni

