Liezel's POV Natulog na si Miah sa sasakyan. Pinahiga ko ang ulo niya sa hita ko. Tabi ulit kami ni sir Warren ng upo. " Daan tayo sa jollibee,manong." agad na sabi niya. Lumingon ako sa kanya. " I know,hindi ka nabusog sa kinain natin kanina. Mag-order nalang tayo ng paborito mo. Para hindi kana rin magluto mamayang hapunan natin." sabi niya sa malumanay na boses. " Okay lang po,sir.Magluto nalang po ako." mabilis ko na tanggi. Nakakahiya naman na bibili pa talaga ito mg jollibee. Dahil lang sa hindi ako nabusog kanina sa kinain namin. " Tss...huwag ng matigas ang ulo, Liezel. Ang ulo ko lang sa baba dapat ang titigas." bulong niyang sabi sa akin sa paos ang boses. Nandiyan na naman siya nilalandi na naman niya ako. Para sa thirty-thousand kaya kong magtiis sa paglalandi ng amo ko

