Liezel's POV Warning ‼️ SPG Alert ‼️ Maaga palang ay tulog na ang alaga ko. Sino ba naman ang hindi mapagod sa araw na ito. Puro pamamasyal ang ginawa namin. Partida lagi pang nakakarga si Miah sa daddy pogi niya. So, ibig sabihin nun si sir Warren ang mas napagod sa araw na ito. Tapos ang lakas pang bumulong sa akin kanina. Kapag tulog na daw si Miah. Puntahan ko na daw siya sa kwarto niya. Lalabas muna ako pero hindi papunta sa kwarto ng boss-boyfriend ko. Iinom lang muna ako ng gatas para masarap ang tulog ko ngayon gabi. Mas lalo ngang lumamig ang temperatura dito. Gawa ng umuulan ngayon. Mabuti nalang matapos na kaming mamasyal bago umuulan.Bahala na si Warren kung magtampo siya sa akin ngayon. " Ayy..." tili ko pero mabilis na natakpan ni Warren ang bibig ko. Bwesit...sino ba

