Liezel's POV Mukhang nakaalis na yata si sir Warren dahil hindi na namin siya nakasabay sa hapunan. Subrang busy naman ang schedule nito kahit gabi na ay umaalis parin. Tapos ko nang pinakain ang alaga ko.Mabilisan din ang ginawa kong pagkain dahil manonood pa ako ng palabas na sinubaybayan pa namin ito ni Grace nung nandun pa ako sa Cebu. " Manang,maraming salamat po. Aakyat na po kami ng alaga ko sa kwarto niya." paalam ko kay manang Neri. Sa ngayon, siya palang ang nakilala ko dahil hindi ko malapitan ang ibang kasamahan ko dito sa mansiyon. Hindi ko susundin ang utos ni sir Warren sa akin na hindi ko kailangan magpakilala sa ibang katulong dito. Nagampanan ko naman ng maayos ang trabaho ko bilang yaya ni Miah.Kaya hindi niya ako pwedeng pagbawalan dahil hindi naman siya ang nasa s

