Chapter 83 Tachi’s POV “Yeah, umuwi lang kami para kumain, magpaganda, kumuha ng mga damit at magpaalam sa mga magulang namin,” mataray kong sinabi sa lalaking ito. Humalukipkip ako at nagtaas ng mukha para salubungin ang mga mata niyang kung makatingin ay parang makikidigma sa world war. Hindi man lang natapyasan ang tapang nito. Naipakilala na kami ni Ma’am Cassandra dito pero ang lakas pa rin ng loob na harangan kami ng kambal ko rito sa gate. “Hindi ko talaga alam kung ano ang problema mo sa amin, Manong. Lagi ka na lang galit diyan kahit wala namang gumagalit sa iyo. May attitude problem ka, girl?” Isinalubong ko pa lalo ang mukha ko sa mukha nito nang makita niya kung gaano ako kaganda at hindi dapat binabasta-basta! Nakaiinis siya, eh. Parang wala na naman siyang balak papasuk

