Chapter 81 Aki’s POV Kahit maluwang at medyo makalat ang linilinisan mo kung patuloy ka sa paggalaw ay may matatapos ka. Binabagalan ko ang pagkilos pero natapos pa rin ako. Palibhasa ay alikabok lang ang kalat dito. Pagod kong itinigil ang pagpupunas ng center table rito sa living room. Ito ang huli kong trinabaho. Sumilip ako sa kuwarto at nang hindi matanaw si Audrei ay mabilis akong naghubad ng damit at nagpalit. I sat on the sofa and then picked up the handkerchief on top of it. I stroked it from my sweaty face to my neck. I repeated this until my skin was dry around here. Anong sarap sa pakiramdam nang umihip ang hangin at malasap ng balat ko ang lamig na dala nito. Napapikit ako at napangiti. Humina ang hanging tila napadaan lang. Wala sa loob na napatingin sa kurtinang tinatang

