• Chapter 72

3215 Words

Chapter 72 Aki’s POV Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga dadalhin kong gamit sa condo nang mahagip ng mga mata ko ang paglakad ni Manong Harry nang diretso. Nakaawang ang pinto ng kuwarto ko kaya malaya kong nakikita ang mga bagay-bagay sa may living room sa ibaba. Ang totoo’y gusto ko lang namang masulyap-sulyapan ang asawa ko roon. Naging hinay-hinay ang ginagawa kong pagtutupi hanggang sa tuluyan ko na siyang hindi makita. Tinigil ko ang ginagawa at lumabas nang hindi ako makatiis. Patungo siya sa hideout ni Audrei sa ground floor. Tumayo ako at mahinahong bumaba ng hagdanan. Sarado na ang dinaanan nito pababa roon nang makita ko. Nais ko siyang sundan pero ewan at naririto pa rin ako sa kinatatayuan. Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa makarating sa harapan ng dulo ng pasilyo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD