Chapter 87 Aki’s POV Kasalukuyang kaming naglalakad ni Audrei dito sa street patungong Condo building. Ewan kung bakit biglang gusto niyang maglakad-lakad. Bumaba kami malapit sa isang boutique. Ipinasa niya ang sasakyan nito sa nakasunod niyang tauhan. Mula sa pagkakatitig sa naka-side niyang mukha ay bumaba ang mga mata ko sa magkahawak naming mga kamay. Mahigpit siyang nakahawak sa akin. Sa paglipas nang matagal na oras hindi kailanman nabawasan ang higpit nito. Mabilis bumalik tingin ko sa kaniya nang bigla na lang siyang tumigil sa paglalakad. The busy street is full of walking people. May mga bata, matanda, dalaga, binata. Halos mga estudyante ang mga nasa stores and restaurants. Scooters, bikes, and cars are smoothly passing by. Ang naghalong-halong ingay sa paligid ay nagpapasa

