Hindi inaalis ni Aubree ang tingin niya kay Lucian. Kaya nang mapansin niyang tumingin ito kay Roxanne tungkol sa tanong sa kasal, nagsimula siyang mag-init sa selos. **“There’s no need to rush the wedding,”** sagot ni Lucian, habang nakatitig pa rin kay Roxanne. *Ha! Tignan natin kung kalmado pa rin siya pagkatapos nito!* Medyo nagulat si Roxanne sa sagot ni Lucian, pero mabilis din niyang nabawi ang kanyang composure. *So what if they aren’t married yet? Konting oras na lang, mangyayari rin iyon. Bakit naman ako magugulat?* Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin at bumalik sa pagkain, parang wala siyang pakialam sa naging usapan kanina. Pero si Aubree, medyo nagulat sa naging tugon ni Lucian. *How weird. Nung huli ko siyang kinausap tungkol sa kasal, parang nagpapahiwatig na siya na

