"Inspector Red/Kalamansi At Asin P2"
Ang nakaraan..
napadpad ako sa isang bayan na medyo tahimik pero mukhang masisiyahin ang mga tao. Kahit malayo ito sa syudad marami akong nakikitang mga banyagang bumibisita. At dito ko nakilala ang antipatikong si Zanjo na Isa din syang Bellator.
"Mabuti pa umalis kana dito sa bayan nato kapag nalaman nila ang ginawa ko. Baka madamay kapa. Bahala na ako. Kaya kung ipagtatangol Ang sarili ko dahil Isa akong Bellator. "
Sa pagpapatuloy..
"Alam mo? Hindi ko alam yang sinasabi mo. Yes, sabihin nalang nating aswang nga ang mga nasa kainan na yun. Lahat ng crew, pero hindi kanaman sure kung masasama sila o mababait. " Sabi ko sakanya.
"Miss for your information, matagal ko na silang binabantayan. Ilang bayan na ang kanilang nilipatan at dito sa bayan na ito ko lang sila nakita ulit. Hindi mo Kasi alam kung bakit ko sila hinahanting!" Sabi ni Zanjo sakin.
"Okay fine duh? Aalis na." Sabi ko at nagmamadali akong nagtungo sa aking sasakyan at pinaharurut ito upang maghanap ng mga ibang kainan.
Hanggang sa mapadpad ako sa isang coffee shop, medyo sosyal nga Kasi nakaka LL or nakaka Luwag Luwag ang bayang ito. Napaisip din ako sa sinabi ni Zanjo sakin. Kung matagal na nyang hinahanap ang sinasabi nyang aswang. I'm sure may malalim na rason iyon. Habang nasakalagitnaan ako ng aking pagmumuni-muni, biglang sumulpot saaking harapan si Zanjo at pawis na pawis ito. Sabay sabing..
"Teka bat nandito ka pa?"
"Anong paki mo? Bayan mo ba to? Aalis ko kung kelan ko gusto." Sabi ko sakanya.
"Alam mo, delikado ka nga dito Kasi na mukhaan ka nila. " Sabi ni Zanjo habang nakatingin sa aking likuran. Nang lingunin ko naman ay hinawakan nya aking mukha pabalik sa kanya. At nilapit din nya Ang kanyang mukha saaking mukha.
"Wag Kang lilingon, narinig kung ililigpit ka nila dahil nawalan sila ng customer dahil sa eskandalo kaninang umaga." Sabi nya. Dahil sa pangyayaring iyon ay mas natitigan ko pa ang kanyang mukha. Ang Ganda pala ng mga mata nya, kulay asul halatang may lahi ang mokong. Tsaka jusko, yung ilong nya papasa sa nose to nose challenge.
"Ililigpit, you mean papatayin?" Sabi ko.
"Oo miss, kaya Kargo de Konsensya pa Kita ngayon kapag may nangyari Sayo. Teka ihahatid kita sainyo. Saan ba sainyo? Taga kabilang bayan kaba?" tanong nya.
"Ah Jo? Hindi ako nakapagsalita ng maayus pwde bang tanggalin mo yung kamay mo. Kasi okay na eh.?" Sabi ko sakanya.
Agad naman nyang kinuha ang kamay nya sa mukha ko at nag usap kami ng maayus.
"Taga maynila ako. Pupuntahan ko ang kaibigan kung madre sa susunod na bayan sa Santa Fe. Kaya lang Naman ako nandito dahil gusto kung magpahinga dahil napapagud ako sa byahe." Paliwanag ko.
"Madre? So Madre ka din? Pasensya na Sister Cristine, hindi ko po alam. Ano ba tung nagawa ko. Pero maganda ka pa naman sana Sister. Kaso masunget. Sguro sa orphanage kung saan ka naka destino, Ikaw yung miss minchin nila. I'm sure. Sa sunget mong yan takot lahat ng mga bata sayo. " Sabi nya sakin.
"Excuse me, Hindi ako ~ " Hindi natapos ang sasabihin ko nang biglang tumayo si Zanjo at mabilis akong hinila papunta sakanya.
"Subukan mong saktan ang babaeng ito, Hindi ako magdadalawang isip na ibulgar ang katauhan ninyo." Sabi ni Zanjo.
Nagsalita naman ang lalaki na tinutukoy ni Zanjo sakin kanina.
"Hindi kaba nagsasawang sundan kami!" Sabi ng lalaki.
"Hindi, dahil sisingilin ko kayo sa ginawa nyo sa pamilya ko. Magbabayad ang buo mong angkan. " Sabi ni Zanjo at mahinahon namang lumabas ng coffee shop Ang lalaki.
Nang makaalis na ang lalaki ay tinanong ako ni Zanjo kung ayus lang ba ako. Syempre ayus lang ako. Kayo ba naman ma dikit sa matigas nyang dibdib. Bat ang halay pakinggan.
"Oo ayus lang ako. Isa pa Hindi ako Madre, kaya wag mo akong tawaging sister. Bakit kapatid ba Kita? Galing akong kumbento pero Hindi ako Madre." Sabi ko sakanya.
"Mabuti, sayang maganda ka pa naman." Sabi nya saakin sabay kindat. At nagmamadali itong lumabas ng coffee shop.
Ang sunod kung ginawa ay pagkatapos kung maglibang sa Coffee shop. Nakakatuwa nga Kasi, kahit may sagutan kanina between the aswang guy and the feeling guy Zanjo. Deadma lang. So pagkatapos kung mag libang sa cofee shop. Naghanap ako ng motel, at Meron din sila.
Habang nakatingin ako sa wrist watch ko. At nakitang kung mag-aalas seite na nang Gabi. Agad akong pumasok sa Motel at kinausap ang nasa front desk.
"Hi Miss, kukuha ako ng room Meron pa ba?" Tanong ko sa babae.
"Yes, ma'am meron pa po. Single bed lang po ba or dalawa?" Tanong ng receptionist saakin. Sasagot na sana ako ng single bed nang dumating nanaman ang mokong.
"Single bed Miss para saamin ng missis ko. Honeymoon Kasi namin diba. Da?" Ngiting Sabi ng halimaw saakin.
"Ang sweet naman po ng call sign ninyo. Da short for Darling yan I'm sure. Tama ba sir?" Tanong ng Receptionist.
"Kapag natutulog kana papatayin Kita. Bakit Moko sinusudan? Aso kaba? Sunod ka nang sunod!" Sabi ko sa kanya nang may pabulong.
"Tama ka Miss," ngiting Sabi nya sa babae.
"Ito na po ang susi ng room ninyo sir and ma'am. Enjoy staying. " Sabi ng receptionist at iniabot sakin ng babae ang susi pero ang halimaw pa din ang kumuha.
"Ako dapat ang hahawak ng susi Kasi ako ang nagbayad." Bulong nya. Wala akong magawa kundi sumunod sa halimaw.
Nang nasa loob na kami ng kwarto...
"Malaki yung room nila infairness." Sabi ko.
"Miss, pasensya kana kung sinusundan Kita. Ayuko lang na mapahamak ka sa mga aswang na yun. Wag Kang mag aalala, Hindi ako matutulog babantayan Kita." Sabi nya saakin at dumuretcho ito ng banyo.
"Sandali saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Mag sa-shower? Bakit sasama ka?" Ngiting Sabi nya, at yung ngiti nya ay may kahulugan.
"Mukha mo! Bilisan mo dahil ako ang susunod." Sabi ko sakanya.
"Yes da!" Sagot nya saakin.
Habang nag aantay akong matapos si Zanjo, binuksan ko ang aking cellphone upang tingnan kung may update na sa kaso kina mama at papa. Pero Wala pa din Sabi ng kapatid ko sa text. Palagi itong nagbibigay ng update kahit anong nangyari.
Ilang sandali pa ay narinig kung tumigil na ang lagaslas ng tubig sa banyo at nagbukas na din ang pintuan ng banyo. At dito tuluyan kung nakita ang mala Adonis na katawan ni Zanjo, tanging tuwalya lang ang nakatakip sa kanyang pang-ibabang bahagi ng katawan.
Hindi ko namalayan na natulala na pala ako habang nakatingin sa kanya.
"Hoy, baka matunaw ako nyan. Sguro napopogian ka sakin no? " Sabi nya.
"Hindi ah. Nag hahanap ako ng signal" Sabi ko at agad akong tumayo at umaarte akong nag hahanap ng signal.
"Sandali lumayo ka sa bintana. Nararamdam ko sila!" Sabi ni Zanjo at agad itong nag bihis.
"Sinong sila?" Tanong ko.
"Naamoy mo ba yung malansa. Nandito na sila." Sabi ni Zanjo at kinuha nya ang kanyang dala-dalang Katana.
Itutuloy ang part 3....