"Rizah Gem's Ability"
Rizah's P.O.V.
Hindi alam ng ate na may ganito akong kakayahan, kakayahang makita ang mga nangyari na at mangyayari pa, kumbaga visions. Alam ko na din na isang Bellator sina inay at itay. Maging si Ate Cristine at sa palagay ko naging ganap na Bellator na si Ate sa mga oras na ito.
Pero, Sabi ng mga nakilala kung Bellator ang kakayahang ito ay galing sa kadiliman kaya nga binigyan nila ako ng pangontra upang Hindi ko magamit ito. Ngunit isang araw, nawala ang ibinigay nilang singsing. Kaya ngayon...
Naputol ang pagsasalita ko nang biglang nag ring aking cellphone. At nakita ko sa screen ng aking cellphone ang pangalan ni Ate Cristine. Agad ko naman itong sinagot.
"Hello Rizah, kamusta kana Dyan?" Tanong ni Ate saakin sa kabilang linya.
Sinagot ko naman sya ng maayus lang ako, at dito ikinuwento ni ate ang kanyang pagbibinyag bilang isang ganap na Bellator.
"Rizah, pupuntahan namin ang isang skwelahan na katabi lang ng school nyo. May nakitang lead si Ricky tungkol sa mga dumukot kina mama at papa." Sabi ni Ate. Ang katotohanan, nakita at narinig ko ang buong pangyayari ginamit ko ang aking kakayahan para malaman ang katotohanan at ganito ang nangyari..
Flashback>>>
Nagbukas ang pintuan at dito pumasok ang malakas na hangin at kasabay din non ang pagpasok nang babaeng naka long dress at kulay itim pa ito.
Agad nag wika ang babaeng nakaitim..
"Susunduin ko na aking anak! Nasaan na sya?" Tanong ng estranghera saaking inay. Agad tumayo si inay at sinambit nya ang ngalan ng babae.
"Lilith?"
"Ako nga, oras na para bawiin ang dapat na para saakin. Alam kung hindi pa patay ang aking anak, dahil nararamdaman ko sya." Sabi ng babaeng naka itim. Nagsalita na din si itay sa mga oras na iyon.
"Hindi mo sya anak, anak namin sya. Umalis kana, baka nakakalimutan mong mga Bellator kami. Hindi uubra ang kapangyarihang itim mo."
"Hindi ko nakakalimutan yan" ngiting Sabi ng babae at tumingin ito saakin.
"Malamang sya ang anak ninyo? Kawawang bata, alam mo ba na humingi sila nang tulong saakin para ipanganak kayong dalawa. Pero tapos na, nangyari na aalis nalang ako pero bago yan. " Sabi ng babae at ikinumpas nya ang kanyang mga kamay isa-isang nagsilutangan sa ire sina inay at itay. Hanggang sa nag-apoy ang kanilang mga katawan.
"Anak iligtas mo ang sarili mo, at sabihin mo ang katotohanan Kay ate mo na...." Hindi na natapos ang sasabihin ni inay nang bigla silang naglaho.
Hanggang ngayon parang kahapon lang nangyari ang mga yun.
Samantala sa Bahay ni Sister Stella..
"Nako itong si Cristine Hindi pa natutulog." Sabi ni Sister Stella nang Makita nyang may kausap pa sa cellphone si Cristine. At nakita nya ang isang marka sa batok ni Cristine biglang umilaw ito.
Hindi nya alam na nakita ni Zanjo ang pag-ilaw ng batok ni Cristine.
"Kelangan kung tuparin ang utos ng mga magulang nya." Sabi ni Zanjo. Napatingin lang si Sister Stella sa binata at saka nag wika.
"Nasa kanya pa din ang sagot kung anong landas ang tatahakin nya. Kung pipiliin ba nya ang kadiliman o Ang liwanag." At pumasok ito ng kwarto.
Kinabukasan nagtungo na sina Cristine, Zanjo at Ricky sa nasabing Skwelahan.
Sinalubong sila ni Rizah.
"Ate I miss you!" Sambit ni Rizah at agad naman syang niyakap ng nakakatandang kapatid.
"Sya nga pala Rizah, sila yung mga kasama ko. Si Ricky, at si Zanjo." Pakilala ni Cristine.
"Ay siya ba si Zanjo, yung si Mr. Antipatiko pero cute dahil sa dimple. Yung crush mo?" Bulgar ni Rizah.
"Hoi ano kaba rizah, Wala akong sinabing ganyan." Namumulang Sabi ni Cristine habang pinipigilan ang kapatid. Natatawa lang si Zanjo sa kanyang narinig ng biglang nagkagulo ang mga studyante. Lahat sila tumatakbo papunta sa Open area.
Hinarangan ni Rizah ang Isang studyante upang tanungin kung anong nangyayari.
"May tatalon na studyante sa school natin." Sabi ng studyante at nagmamadali itong umalis.
Sumunod naman ang kaklase ni Rizah na si Clarissa.
"Si Madison tatalon sya nang building. Hali kana, subukan natin syang kausapin nakakaloka." Sabay hila sakanya. At nagmamadali silang nagtungo sa open ground. Doon nakita nila ang kaklase ni Rizah na nakatayo sa tuktok ng building. Nakatingala pa ito sa langit hanggang sa tumingin ito sa ibaba kung saan maraming studyante ang nakatingala sakanya.
"Nandito lamg yung mangkukulam nararamdaman ko sya." Sabi ni Zanjo.
"Oo pero bakit nya ginagawa ito?" Tanong ni Cristine.
"Ayun nakita ko na sya.." Sabi ni Ricky sabay turo sa isang studyanteng babae.
Agad nilang nilapitan ang babaeng studyante at kinausap nang pabulong.
"Itigil mo yan!" Sabi ni Cristine lumingon ang babae at inuntog nya ang ulo nya sa Ulo ni Cristine.
Napaatras si Cristine dahil dun, ngunit mabilis naman syang inalalayan ni Rizah at dinampot nina Ricky at Zanjo ang studyante. Ligtas namang nakababa ang studyante galing sa tuktok ng building.
Dahil sa ginawa nina Cristine ay nawalan ng bisa ang hypnotismo na inilagay ng babaeng studyante sa tatalon na sana.
"Sino Ang amo mo?" Tanong Nila sa babae.
"Hindi nyo malalaman dahil papatayin ko kayo." Sabi ng babae. Akmang susugurin sila nang babae ngunit hindi makagalaw Ang babae sa ginawa ni Zanjo.
"Kahit masira mo pa yang upuan. Hindi ka makatakas dito." Sabi ni Zanjo.
"Mga polpol na Bellator. Hindi ako natatakot sainyo. Ngunit para mas exciting may sasabihin ako." Ngiting Sabi ng babae.
"Ano?" Tanong ni Cristine.
"Naghahanda kami para sa pagbabalik ng kaisa-isang anak ni Lilith." Mabilis ang mga pangyayari, nakita nalang Nila na nakahandusay na ang babaeng studyante.
"Naloko na, si Lilith nga talaga." Sambit ni Ricky.
"Kelangan nating mapigilan sila." Dagdag ni Zanjo.
"Kelangang mahanap ang anak ni Lilith, narinig ko kanina bago sya mag left the group." Sabi ni Cristine at nagkatinginan sina ricky, Zanjo at Rizah.
Itutuloy...