"Ang pamaypay ni Archangel Gabriel Part 2"
Sa pagpapatuloy nang ating kwento,
Nagtungo ang grupo nila Cristine sa kapatid ni Zanjo upang alamin ang mga lenguahe na Hindi nila maintindihan.
"Tanging si Ate Val nalang ang nag iisang nakakaalam kung papano basahin at intindihin ang mga nakasulat." Wika ni Zanjo.
Sa Bahay nang kapatid ni Zanjo na si Valerie.
"Masaya ako at sa wakas nakilala na din Kita Cristine. At Tama si Jojo na maganda ka nga." Sambit ni Valerie saakin habang inaasikaso kami.
"Nako nakakahiya naman po. Maraming salamat din po sa pagkain." Sabi ko naman.
"Anyway, Tama na yang papuri mo sa kanya ate, madami kanang sinasabi." Saway Naman ni Zanjo sakanyang kapatid.
"Kahit kelan Hindi ka padin nagbabago Jo, Teka ano bang kelan mo saakin?" Sabi ni Valerie at tinaasan nang kilay si Zanjo.
"Ah, Miss Val may hihingin sana kaming pabor. Kung nababasa at naiintindihan nyo po ba ang ibig sabihin nito?" Sabi ko at pinakita ko ang isang pahina kung saan nakasulat ang binasa ni Zanjo.
"Diba, kung Hindi ako nagkakamali ate sa pagbasa nyan ay "Pamaypay ari kun de Gabriel uis lez ma kel ezu shii ari byan ariwa. Kun sirawa awe." Tama diba?" Wika ni Zanjo.
"Pamaypay ari kun ka Dyan! Kahit kelan puro ka kalokohan. Ang mga nakasulat ay nakasulat sa baybayin na pinabaliktad. So kung aayusin mo sa ang mga letra ay makakabuo ka nang isang salita." Sabi ni Valerie at bigla ko namang napansin na may dumaan na bata sa likuran ni valerie kung saan papunta ito nang Sala.
"Ate ayus ka lang ba?" Tanong ni Rizah Saakin. Tumango lang ako at muling ibinaling ang mga mata sa isinulat ni Valerie.
"So ito yun, Ang pamaypay de Gabriel ay makikita saakin." Natigilan si Valerie at muli nyang binasa.
"Saakin? Basahin mo nga Jo?" Sabi ni Valerie at binasa naman nang kapatid nya.
"Ang pamaypay ay pagmamay-ari nang kapatid ko." Sambit ni Zanjo. Lumapit na kami ni Rizah ngunit ang aming nabasa ay iba.
"Ang pamaypay ay pagmamay-ari ni Valerie." Basa namin ni Rizah.
Nang biglang may dumating na isang bata.
"Jade?" Wika ni Cristine nang mamukhaan nya ang bata.
"Tama kayo at Hindi na kayo iniwan nang inyong bait. Totoong Ikaw ang nagbabantay nang Ikalawang banal na Sandata." Wika ni Jade at hinawakan si Valerie sa kamay at bigla nalang itong nawalan nang Malay.
"Miss Val, naku po! Anong ginawa mo Jade?" Wika ni Cristine nang lingunin nya ay Wala na Ang bata.
Biglang lumutang sa ire ang wala pa ding Malay na si Valerie at isang kulay gintong pakpak ang lumabas sakanyang likuran at dito itinago sya nang pakpak.
"Ang tagapangalaga nang pamaypay" Sabi ni Ricky. Napatingin naman si Rizah sakanya.
Pagkatapos nang ilang sandali ay ipinakita nang gintong pakpak ni Valerie ang kanyang bagong anyo.
"Ako si Valeria tagapag bantay nang pamaypay na hinahanap nyo." Sambit ni Valerie na may nakakasilaw na liwanag sakanyang buong katawan.
"Char! Valeria talaga? Anong trip yan ate!" Sigaw ni Zanjo. Tinasaan sya nang kilay ni Valeria at lumapit Kay Cristine habang nakatingin Kay Ricky.
"Ikaw na siguro si Cristine ang itinakda?" Tanong ni Valeria saakin.
"Ako nga po." Sagot ko at sabay yuko.
"Gustuhin ko Mang ibigay sayo ang pamaypay ngunit ang pamaypay ay magdedesisyun kung karapat dapat kaba sakanya. Wag Kang mag-aalala magiging patas ako sa paghuhukom.
Unang misyon, ang elemento nang hangin..." Sabi ni Valeria at biglang lumutang ang mga gamit sa paligid.
"Hangin, tanggalan sila nang hininga!" Wika ni Valeria at tumawa nang malakas.
Agad nakaramdam kami nang pagkasakal at unti-unti kaming naaubusan nang hangin sa hininga namin.
"Ate Hindi ako makahinga!" Sambit ni Rizah Saakin.
Lumapit naman sina Zanjo at Ricky.
"May naiisip nako tine, labanan mo ang tagapangalaga nang pamaypay." Sabi ni Ricky.
"Ha?" Sambit ko habang nararamdaman kung nanghihina na ang buong katawan ko. Tuluyan na ding bumagsak si Rizah at Ricky.
"Ricky! Rizah! Gu-gumising kayo!" Nanghihina kung wika.
"Tama si Ricky lumaban ka upang maging karapat-dapat. May naiisip ako!" Pautal-utal na wika ni Zanjo saakin.
"Pa-pano?" Tanong ko sabay hawak sa Kwentas.
"Bibigyan Kita nang Oxygen.!" Nanghihinang Sabi ni Zanjo at inilapit nya ang kanyang mukha saaking mukha. Hinawakan nya ito at mabilis nyang inilapat ang kanyang mga labi saaking mga labi. Dahil sa ginawa ni Zanjo ay Unti-unting nagbalik ang aking lakas. Nakakahinga nako nang maayus.
"Teka anong ginagawa mo!" Wika ko at sinusubukan kung itulak sya. Mas humigpit pa ang yakap ni Zanjo saakin sabay turo saaking dibdib.
"Kahit kelan Wala Kang naiisip na matino. Nagte-take advantage ka sa mga panahong ganito!" Wika ni Cristine kahit nakalapat padin ang labi ni Zanjo sakanya. Biglang kinuha ni Zanjo ang Kwentas nya at nilagay nya sa kamay nang dalaga pagkatapos ay bumitaw na ito. At nawalan na din nang Malay.
"Jo!" Sambit ni Cristine at bigla namang umilaw ang Kwentas at nagpalit anyo bilang isang espada.
Samantala sa di kalayuan nakatingin ang batang babae at isang pang babae na may kulay gintong buhok.
"Kahit kelan Valeria, Hindi ka nagiging patas sa pagbibigay nang pagsubok." Sabi nang babaeng kulay ginto ang buhok.
"Hindi na masama dahil nakikita kung mas nagiging handa si Cristine. At Isa pa pipiliin ba sya kung Hindi sya karapat-dapat. Mag handa ka dahil makakaharap mo na sila." Sabi ni Jade.
Tumawa lang Ang babaeng may gintong buhok at kinuha nya Mula sakanyang bulsa ang isang panulat.
"Nakahanda nako Jade." Sabi nang babae at pinagmasdan ang hawak nyang panulat.
"Palagi ka namang handa Ilvic." Sabi ni Jade at biglang nagbago nang anyo ang babae. Naging kulay itim ang buhok nito.
"Anong ginagawa ko dito?" Wika ni Ilvic.
"Teacher diba Sabi nyo maghahanap Tayo nang flowers dito? Saan na?" Sabi ni Jade.
"Ay oo nga pala, mukhang napapalayo na Tayo sa campsite. Sige na bumalik na Tayo. Ayus ka lang ba?" Tanong ng guro kay Jade at Ngumiti lang ang bata.
Balik kina Cristine...
"Inuutusan Kita aking espada, ibalik ang init nang kanilang hininga at pahintuin ang sumpang iginawad nang tagapangalaga." Sabi ni Cristine at walang nangyayari. Nakaramdam muli nang pagkaubos nang hangin si Cristine. Nilingun Niya sina Rizah, Ricky at Zanjo na hanggang sa mga oras na yun ay Wala pa ding Malay.
"Hindi ka susundin nang espada, dahil ibinigay lang ni Jade ang espada Sayo. Kawawa ka Naman!" Sabi ni Valeria.
"Magbalik ka sa dati mong anyo!" Utos ni Cristine sa espada at nagbalik ito sa anyo bilang isang Kwentas.
Kinuha naman nya ang kanyang b***l at nag wika.
"Liksi wag mo akong bibiguin ngayon!" At agad nyang binaril si Valeria.
"Banal na bala nang araw? " Sabi ni Valeria habang papalapit sakanya ang bala mabilis nya naman itong ipinabalik kay Cristine gamit ang hawak nyang mapaypay.
Nakailag naman si Cristine sa bala na ibinalik ni Valeria sakanya.
Sunod namang kinuha ni Cristine ang kampilan nang kanyang amang si Alcazar.
"Ama wag nyo po akong pababayaan!" Sabi ni Cristine at itinaas ang kampilan. Biglang lumiwanag ang kanyang hawak at laking gulat nya ay tila hinihigop nang kampilan ang mga puting usok na nakapaligid sakanila.
"Hindi maari ang kampilan nang~ " Hindi na natapos ang sasabihin ni Valeria nang biglang nag bago nang anyo ang kampilang hawak ni Cristine naging mapaypay din ito. Maging si Cristine ay nagulat sa nangyari.
"Oras na para tawagin mo ang mapaypay." Sabi ni Ricky.
Paglingun ni Cristine nakita nyang nagbalik na sa kanilang Malay.
"Papano?" Tanong ni Cristine.
"Ang kampilan ni Manong alcazar ay may kakayahang kopyahin ang mga Sandata Lalo na kung ito ay naging kalaban nang kanyang amo.
Ang unang anyo na ipinakita nya Sayo noon ay kanyang Ginaya lamang sa nakalaban ni Manong Alcazar ngunit ang mga nagagaya nyang Sandata ay maglalaho kapag natalo nya ang kalaban." Sabi ni Ricky.
"Ibig sabihin magiging Kaisa nang kampilan ang pamaypay.?" Sabi ni Zanjo.
"Oo pero maaring mamatay ang unang tagapangalaga. Tawagin mo na ang pamaypay Cristine bago pa maglaho ang kapatid ni Zanjo." Sabi ni Ricky.
Habang si Valeria naman ay Unti-unting nagbalik sa kanyang anyo bilang so Valerie.
"Inuutusan kita pamaypay nang archangel Gabriel, bumalik at iligtas mo ang iyong tagapangalaga." Sabi ni Cristine.
Nagulat si Ricky sakanyang narinig sa babae. Ngunit laking gulat ni Valeria nang lumipad ito palapit kay Cristine.
"Karapat-dapat ka!" Sabi ni Valeria at nagbalik ito sa kanyang anyo bilang si Valerie.
"Ate Val!" Sigaw ni Zanjo at mabilis namang sumaklolo sina Ricky at Rizah.
"Wag Kang mag aalala Kuya, kayo ko syang pagalingin." Sabi ni Rizah at inilapat nya ang kanyang kamay sa Ulo ni Valerie na nawalan nang Malay.
"May maalala ba si Ate Val sa mga nangyari?" Tanong ni Cristine at unti-unti itong nawalan nang Malay.
"Da!" Wika ni Zanjo at mabuti nalamang ay mabilis syang nasalo ni Zanjo.
Samantala sa kabilang dako nang ating kwento.
May isang beauty Clinic.
"Goodmorning Doc Lily, your patient is ready na po." Sabi ng nurse assistant.
"Thank you Amanda, nakahanda na ba ang lahat?" Tanong ni Doc Lily. Tumango lang ang nurse assistant.
"Susunod nako." Wika nang doctora at may kinuha sya sakanyang drawer. Isang kakaibang sing sing. Na may malaking bato nang emerald sa gitna.
"Nararamdaman kung nalalapit na ang paghaharap natin. Inspector Cristine." Sabi nya at muli nyang ibinalik ang sing sing sa drawer.
Itutuloy.....