"Ang paghaharap-Part 2"
Sa pagpapatuloy nang ating kwento, is very late update. Kaya sorry na po. Anyways let's continue..
Sinalag ni Cristine ang mga atake na pinakawalan ni Sister Mariella laban Kay Ilvic, Valerie at Jade.
"Natuto kanang gamitin ang aking panangga. Magaling ngunit bakit ka bumalik?" Sabi ni Ilvic sakanya.
"Alangan namang iwan ko kayo, ako ang kelangan nila.." Sagot ni Cristine at gumuhit sa hangin nang Isang hugis at nag wika nang. "Transfera!"
"Lokong bata!" Huling naisambit ni Ilvic at bigla silang naglaho.
At hinarap ni Cristine Sina Sister Mariella.
"Pakawalan mo si Mary. Ako diba ang kelangan ninyo.?" Sambit ni Cristine.
"Tama ka itinakda, ngunit ibaba mo muna ang sandata." Sambit ni Sister Mariella habang hawak nya si Mary.
"Ate Cristine wag! Wag Kang makikinig sa kanya. Isang buhay kapalit nang milyong buhay na maililigtas mo. Piliin mo ang kapakanan nang nakakarami. " Sambit ni Mary nang biglang sinabunutan sya ni Sister Mariella.
"Kay dami mong alam! Tahimik!"
Ibinaba naman ni Cristine ang kanyang mga sandata.
"As you wish, Wala na akong hawak na kahit Anong sandata. Kahit Ang kabilan na iniwan sakin nang aking ama. Nandyan na lahat." Wika ni Cristine.
"Magaling ngayon. Kunin mo na ang mga sandata na yan Gabriel at umalis na kayo nang kakambal mo!" Sambit ni Sister Mariella at Sabay Hila sa likod ni Mary. Doon lumabas si Gabriel sabay tulak sa dalawa.
"Hawakan ninyo si Cristine at magtutungo Tayo sa Ilog Euphrates. May mga kapanalig pa tayong papakawalan!" Sabi ni Sister Mariella.
Walang nagawa ang dalawa kundi tingnan si Cristine na kinukuha nang mga kasamang Madre ni Sister Mariella.
Dumating naman si Zanjo ngunit huli na ito dahil nakaalis na si Cristine.
"Da! Nasaan kana?" Nilingon nang lalaki ang buong paligid ngunit Wala na syang nakitang Cristine. Nilapitan naman sya nina Mary at Gabriel.
"May paraan pa hindi tuluyang isinuko ni Cristine ang sandata nang apoy ng tagabantay na si Jade. Mahahanap sila nang mga sandatang naiwan ni Cristine." Sabi ni Mary.
"Papano? Ang mga katulad nating gabay ay Hindi makakapasok Doon sa lagusan papunta Ilog Euphrates." Sambit ni Gabriel.
"Hindi tayo, kundi si Zanjo." Wika ni Mary.
Dumating naman Sina Rizah at Ricky.
"Mabuti at dumating na kayo. Kelangan ko kayong dalawa." Wika ni Mary.
"Ang Bellator nang liwanag at Takipsilim." Sambit ni Gabriel.
Samantala sa Kuta ni Lilith.
"Itim na panginoon, Anong dahilan bakit kayo naparito?" Nauutal na wika ni Lilith.
"Bumisita ako dito upang kamustahin ang anak mo." Sambit ng lalaking naka roba na itim.
"Siya po ay maayus at sinasanay ni Ricky." Sagot nya habang Hindi maka titig sa lalaking naka robang itim.
"Sinungaling! Kasalukuyang nasa Ilog Euphrates na ang iyong anak hawak na sya nang huwad na alagad nang liwanag." Sabi nang lalaking naka itim na roba.
"Hindi ako papayag na gagamitin ninyo pati ang aking anak sa kasamaan ninyo Tama nang pinatay ninyo si Adam. Patayin nyo muna ako bago nyo saktan si Cristine!" Sambit ni Lilith at naging kulay pula ang kanyang buhok.
"Wag Kang magaalala. Hindi makikialam ang mga taga ibaba sa sigalot na ito. Ngunit sa takdang panahon. Wala Kang magagawa na pigilan akong gamitin si Cristine." Sabi ng lalaking naka itim na roba.
"Hindi ka din ba natatakot kapag nakawala ang mga anghel na kinulong sa ilog. Pagkatapos nyang linisin ang mga mortal Tayo namang mga taga ibaba ang susunod." Sabi ni Lilith.
"Hindi ako nababahala. Kapag dumating na ang panahon na Yan. Handa na Ang aking alagad para putulan sila nang mga pakpak katulad nang mga ibon!" Wika nito at tumawa nang napakalakas sabay naglaho sa harapan ni Cristine.
Samantala sa ilog Euphrates..
"Ito na ba ang ilog Euphrates?" Wika ni Cristine.
"Oo, ito na kung saan sa pamamagitan nang iyong dugo. Makakatakas na ang mga kapanalig namin." Sabi ni Sister Mariella.
"Diba sila ang mga anghel na sumama kay Lucifer sa himagsikan. " Sabi ni Cristine.
"Tama ka Isa Kami dun, Ang ibang anghel na may masamang budhi ay inilagay sa impyerno ang iba na sumama lamang sa himagsikan ay napunta sa lupa ngunit naging kakaibang nilalang. Yun ay ang mga engkanto. Yung iba wala naakong alam." Sabi ni Sister Mariella
"Ikaw sino ka Dyan?" Tanong ni Cristine.
"Katulad mo, Isang nephilim. Na may dugo nang liwanag at Takipsilim." Sambit ni Sister Mariella.
"Sister oras na handa na ang lahat" wika nang Isang Madre na katabi ni Sister Mariella.
"Panira nang moment nag uusap pa nga kami. Atat ka? Girl ? Atat lang? Kontrabida talaga?" Bulyaw ni Cristine.
"Ihiga ninyo sya sa malapad na bato. At simulan na ang orasyon." Wika ni Sister Mariella.
Mag pupumiglas na sana si Cristine nang biglang nawalan syang bigla nang lakas. Itinali nila ang kanyang magkabilang paa at kamay.
Dinasalan na muna Nila si Cristine Hanggang sa dumating na ang oras na susugatan na nila at kukunan nang dugo ngunit Isang malakas na kidlat ang tumama sakanila.
"Pakawalan ninyo si Cristine.!" Sabi ng lalaking may hawak sa mga sandatang iniwan ni Cristine. Nang lingunin ni Cristine kung saan nangaling ang boses.
"Zanjo? Da Ikaw ba yan? Eminem yarn? Daming gold at borloloy ah!" Patawa ni Cristine.
"Hello ate Cristine.." sambit nang Isang maliit na boses na galing sa Isang paru-paru at alitatap.
"Ricky? Rizah?" Wika nang babae.
"Ito lang ang form na kayang makapasok sa lagusan. Pero wait papano ba Tayo babalik?" Wika ni Rizah.
"Ewan ko sayo. " Simangot ni Ricky.
"Sisters sugurin ang Bellator na Yan!" Wika ni Sister Mariella. Na agad namang sumugod ito kay Zanjo.
Habang Sina Rizah naman ay nakabalik na sa tunay na anyo at pinakawalan si Cristine ngunit nang mahawakan nya ang Kapatid. May nakita syang Isang babala.
"Nasugatan si Cristine sa pakikipag laban at tanging Isang butil nang kanyang dugo Ang kelangan upang matuyo Ang ilog at makatakas ang mga ikinulong na anghel.
Nang makabalik na si Rizah sa kanyang ulirat.
"Rizah ano?" Sambit ni Ricky.
"Kelangang makalabas si ate Cristine dito. Kelangang hindi mapatakan nang kanyang dugo ang lupa o kahit saan." Sabi ni Rizah.
Habang si Zanjo naman ay nanghihina na sa pakikipag laban kay sister Mariella.
"Kulang pa ang kaalaman ninyong mga Bellator saaming mga nephilim. Wag Kang hangal! Hindi rin sayo Ang mga sandatang iyan!" Wika ni Sister Mariella.
"Wala akong paki." Sambit ni Zanjo at akmang gagamitin Nya ang kabilan nang biglang nawalan sya nang lakas.
Tinamaan na Pala sya nang Isang palaso sa kanyang likuran at may kamandag ito nang Isang ahas.
"Hindi na magtatagal ang buhay mo, pakialamero!" Sambit ni Sister Mariella at malakas na binigyan nya nang suntok Ang lalaki.
Samantala Sina Mary Gabriel at Lilith Naman ay nasa Bahay ni Ilvic kasama ang mga nagabantay nang mga sagradong sandata. Nakikita nila kung Anong nangyayari kina Cristine.
"Delikado na si Cristine!" Sabi ni Jade.
"Maging si Zanjo. " Wika ni Valerie.
"Ipasok nyo ko Mary at Gabriel dyan!" Utos ni Lilith.
"Hindi pupwde Lilith maaring masira ang balanse nang panahon at oras. Tanging sina Zanjo lang ang pwde." Sagot ni Gabriel.
"Kahit kami Lilith Hindi kami pwde!" Dagdag ni Ilvic.
"Magtiwala ka sa anak mo!" Sambit ni Jade.
Itutuloy.....