Casandra Pov
"Anong ginagawa nila dito? " tanong ko kay Au, dahil ang mga kaibigan ni Marco andito!
"Ahm! Hi Miss Rodrigez Goodmorning! "
Bati saakin ni ni Jade
"Anong ginagawa niyo dito? Naligaw ba kayo? "
Tanong ko sa kanila habang palipat lipat ako nang tingin sa kanilang tatlo!
"Ehem!We are here to invest your small business,! " deretsong sagot ni Lexter
"Ano? " gulat kong tanong sa kanila, dahil ang pagkakaalam ko sa kanila, mga billonaryo ang mga eto!
"Miss Rodrigez, alam ko na naguguluhan ka, andito kami para tulungan ka, ayaw mo ba nun lalawak ang business mo, makikilala kapa nang ibang tao! " si Franco ang nagsalita
"Bakit ako? " takang tanong ko sa kanila, pero palipat lipat lang sila nang tingin sa isa't isa.
"Mga business man kami, miss Rodrigez, isa pa ok naman ang shop mo, well palawakin lang natin nang kunti... " si Jade ulit
"Ano ang kapalit? " tanong ko, dahil duda ako na walang kapalit ang gusto nila,
"Wala naman kaming kailangan makuha sayo miss Rodrigez, sabihin lang natin na maghanda ka sa isang bagyong paparating sa buhay mo! "
Makahulugan sagot ni Lexter saakin,
"Mag iinvest kami sayo nang tag 100k namin tatlo, nasayo na kung lumago o malugi, "
Sagot pa ni Jade,
"Here the cheque, bahala kana din mag labas nang pera, ikaw lang naman ang kailangan namin miss Rodrigez, sige alis na kami"paalam pa nila saakin, at nakatulala lang ako sa
kawalan,
"Hoy! Anong nangyari sayo tulala ka diyan, wala na sila? "
bumalik lang ako sa sarili ko nang pinalo ako sa balikat si Au,
"Wow, 300thousand bessy? " bulalas pa niya kasi nakita niya ang hawak hawak kong cheque,
"Oo, mag iinvest daw sila, pero ako daw bahala kung lumago o malugi! " pag uulit ko pa sa sinabi nila,
"So ibig sabihin.....?? " pagbibitin ni Au saakin
"Ibig sabihin ano?? " tanong ko
"Baka tulong nila niyan sayo bess! "Sagot niya
"Tulong? Bakit nila ako tutulungan for what? "
balik tanong ko sa kanya,
"Aba malay ko bessy, hindi ko sila kilala noh! baka ikaw kilala mo? Ang hot nila diba? "
tanong pa saakin,
Allangan naman na sabihin ko na kaibigan nila si Marco, di maslalo hindi ako titigilan nang babaetang to!
"Yun na nga eh, hindi ko sila kilala, " pagsisinungaling ko sa kaibigan ko
"Yaan mo na, mukhang mayayaman eh, kotse palang bess milliones na grabeeee! "
Halata sa boses niya nang excitement
Kung sabagay, mga bata pala sila pero mukhang mayayaman na! Hindi lang basta mayaman dahil mga billionaires sila,
"So anong gagawin natin dito? " tanong ko kay Au,
"Eh di idagdag natin sa puhunan bess! " suggest niya saakin,
Pero nagdadalawang isip naman ako kung
gagawin ko yun,
"Saka na natin galawin eto kapag wala na tayong pagkuhanan nang pera ok? "
Sagot ko sa kaibigan ko,
"Ikaw ang bahala bess! " sagot naman saakin
Kinakabahan kasi ako sa cheque na hawak ko parang may iba eh!
"Hello goodmorning ma'am! " bati ni Au sa kapapasok na customer,
"Hello!! " sagot naman nang babae, kaya naman nagtaka pa ako,
"Siya ulit?? " kausap ko sarili ko,
"Hoy! Kaw daw kakausapin nung kapapasok lang! "
kalabit ni Au saakin, kaya naman sinabihan ko siya na magbantay nang cashier.
"Yes ma'am, my I help you? " magalang kong tanong,
"Hi, I'm Betina, just call my name! Masyadong pormal kasi ang ma'am " nakangiti niyang sagot saakin,
"Alam mo, maganda ang mga quality nang paninda mo, you have a talented, ikaw ba mismo ang nag design sa mga damit? "
Mahaba haba niyang litanya saakin,
"Hindi lang po ako ma'am, I mean, Miss Betina, dalawa kami nang bestfren ko,yung kanina po nag assist sa inyo! " magalang kong sagot,
"And thanks for your completement Miss! " dagdag ko pa,
"Alam mo malayo ang mararating mo, ilan taon kanaba? Kung hindi mo mamasamahin pwedeng malaman? " tanong niya saakin
Dahil magaan naman ang luob ko sa kanya at mukha naman siyang mabait sinabi ko na,
"22 palang ako Miss Betina" nakangiti kong sagot sa kanya,
"Wow! Hindi ko akalain na bata ka pa! Pero kung titignan ka, parang matured kana, pero alam mo ang ganda mo! " sabi pa
Kaya naman napangiti pa ako mas lalo,
"Naku Miss Betina, thank you! " nasagot ko nalang na ikinatawa niya,
"Mahiyain kaba? " tanong pa saakin habang siya'y napapangiti
"Hindi naman po, hindi lang kasi ako siguro sanay na pinupuri nang ibang tao! "Pag aamin ko sa kanya
"Bakit hindi ka naniniwala na maganda ka? " tanong niya ulit saakin,
"Well, para saakin wala naman pangit sa mundo, dahil lahat tayo maganda,! " sagot ko sa kanya
"Yeah, your right! It's good to heard that from you Casandra! " sagot pa niya na ikinagulat ko
"Kilala mo ako miss? "Takang tanong ko sa kanya,
At bigla siya ata natauhan dahil hindi nakaligtas saakin ang pagkagulat nang kanyang mga mata,
"Ow! Narinig ko kasi kahapon ang pangalan mo, remember andito ako kahapon, " sagot niya
Pero duda ako,si mom and dad ko lang naman ang tumatawag sa buo kung pangalan,
"Ah, ganun ba Miss! " sagot ko nalang,
"Andito ako kasi gustong kong mag order nang mga dresses, would you mind? "sabi pa niya
"My pleasure Miss! " nakangiti kong sagot
"Here! " sabay bigay niya saakin ang mga gusto niyang design
"Limang dress niyan, ikaw na bahalang mag design, yung color lang ang bigay ko, I need as soon posible, kaya mo ba yun? "tanong niya
"Kailan niyo to kailangan Miss? "Tanong ko ulit at baka magipit kami sa oras,
"Kaya ba yan nang isang buwan, by nextmonth I think! " sagot niya saakin
At medyo nakahinga naman ako nang maluwag, mabuti nalang....
"Yes Miss, pwede naman!" Sagot ko
"Ok, this is my calling card and down payment"
sagot niya sabay lahad ang calling card at down payment daw niya at nabigla ako sa nakasulat sa cheque,
"Miss, bat ang laki nang down niyo? " takang tanong ko pa, kasi 200k lang naman ang nakasulat duon
"It's ok, gusto ko kasi hindi tayo magka problema sa materiales na kailanganin mo at kung kulang pa, just call me, "
Nakangiti niyang sagot,
"Ok miss,! " yun nalang ang nasagot ko
'By the way, I have to go! Thanks miss Cassy! " paalam niya saakin sabay ngiti,
At siya naman ang paglapit nang kaibigan ko,
"Hoy! Sino yun? " tanong saakin na parang nagulat pa,
"Customer daw? " sagot ko din sa kanya
"Daw? Hindi sure? " pag uulit niya saakin
"Ewan bessy, tignan mo to? " sabay abot ko sa kanya ang cheque na hawak ko,
"Wow bess!! Mukhang pinagpalala ka ngayon hah! " sagot pa saakin
"Sira ka talaga! Tayo kamo bat ako lang!" Reklamo ko, at tumawa lang namam siya
"Pero kaya natin nag isang bess? "tanong ko sa kanya,
"Oo naman noh, saakin na yang dalawa ikaw yang tatlo! " pabiro pa niya saakin
Babatukan ko sana siya kaya lang nakalayo na parang alam niya ang mangyayari,
"Sira ulo ka talaga noh! Matulog ako bukas sa bahay niyo, dun tayo magplano, " sabi ko
"Sa bahay niyo nalang bess para makita ko sa fafa dave! " sagot niya
"Wag na may problema sa bahay wag na tayong dumagdag! " biro ko sa kanya
"Ang sama mo talaga! Kapag ako talaga naging hipag mo humanda ka talaga saakin! " ganting biro din niya saakin,
"Asa kapa! Hindi ka type ni kuya noh! " pang aasar ko sa kanya,
"Ang shakit mo magbiro bessy, sagad sa buto ko hah! " kunwari siyang nasaktan,
"Sira ka talaga! Asan ba yung sinasabi mong boyfriend mo nuon hah! Sira ka talaga! " reklamo ko pa sa kanya,
Kasi naman nagsisinungaling talaga tong babaeng ti saakin eh, sabi may boyfriend wala naman kung sabagay parehas kami!
"Kapag nag asawa na si fafa Dave bessy, saka na ako mag boyfriend, sa ngayon waley muna! "
sagot pa saakin na akala mo nag day dreaming
"Ewan ko sayo, ang tanda kaya nang kuya ko sayo! " sagot ko pa
"Bakit matanda din naman si Marco hah! "Ang layo sa sagot niya,
"Shut up! Hindi naman yan nanligaw saakin noh, saka hindi ko siya gusto, babaero diba! " pagsasakay ko sa biro niya
"Sus!! Hindi mo namiss? " sagot niya
"Bat ko naman siya mamimis, hindi ko naman boyfriend! " sagot ko
"Totoo? Kahit pupuntahan ka niya dito? " patuloy pa niya saakin
Nakatalikud kasi ako sa kanya dahil inaayus ko ang mga paninda namin na naka display sa mga maniquin,
"Kahit pa puntahan niya ako dito, saka bakit nya naman ako pupuntahan dito, hindi ko nga siya boyfriend diba? " pag uulit ko pa
"Eh bess, paano nga kung puntahan ka niya ano gagawin mo? " kilig pa niyang sagot
Pero ako nakatalikud parin, at napailing lang ako sa kanya,
"Ewan ko sayo Au, pero para matahimik ka, sige ano ba gusto mo gawin ko kapag andito siya? "
Pagsasakay ko sa kagagahan nang kaibigan ko dahil mukhang nabo board ata!
"Sigurado ka, kahit ano gawin mo? " pag uulit pa niya saakin, pero ako nakatalikud parin
"Oo para matahimik kana gaga ka talaga! " sagot ko sa kanya,
"Halikan mo siya pwede ba bess? " sagot niya na gusto ata mangisay sa kilig
"Yun lang pala, simple as that, fine! " pagsakay ko sa biro niya,
At may narinig akong tikhim sa likud ko, at humarap na ako and OMG ang lapit niya saakin,
"Ehem!!! " boses niya
"Omg!!!!! " tili nang kaibigan ko