Casandra Pov
Isang buwan na rin ang nangyari, mula noon
Kaya naman medyo nakahinga na ako nang maluwang,
"Hoy bess! Tahimik natin hah? " pukaw saakin nang aking kaibigan na si Au,
"Kaw naman nanggugulat diyan! Nakakasira ka talaga nang eardrum bess! " reklamo ko
"Eh, bat kasi ano ba iniisip mo? " pag uulit niya
"Wala noh! " pagsisinungaling ko
"Asus! Fyi bessy, si Fafa Marco yan? "
pangbubuska pa nya saakin,
"Ewan ko sayo, magtrabaho na nga tayo! "
Pag iiba ko sa usapan,
At sya naman ang pagpasok nang tatlong babae sa luob nang Boutique namin,
Oo may boutique kami nang bessy ko, sharing sharing kami sa puhunan, dahil parehas kami na mahilig sa fassion nang damit,
"Are you sure girls, sa ganitong ka cheap pumapatol si Marco? "sabi nang isa
"Fyi hah! Ang cheap girls! " dagdag nang isa
Pero ang pinaka leader nila nakataas kilay, parang nakita ko nga siya, hindi ko lang matandaan kung saan,
"Bess, ako na mag aasikaso sa kanila at baka
masira pa araw mo nang tuluyan! "
bulong nang kaibigan ko saakin,
"Mabuti pa Au, at baka makalimutan kong customer sila! " sagot ko
At umalis na sa harap ko, at nakita ko siya na ang nag assist sa mga dumating,
"Hello mga madams! Goodmorning and welcome to CASSY Boutique! "
magalang na pagbati nang kaiibigan ko
'Ang cheap hah! " reklamo nang isa
"Monique sigurado kaba na hindi ka naaalibadbadaran sa ganitong cheap na lugar? "
pasuplada pa nang isa niyang kasama, pero wala naman sagot ang monique na tinawag niya.
"Excuse me ma'am! Kung hindi kayo bibili pwede na kayong umalis! "
Pagtataboy naman nang kaibigan ko
Pinagtitinginan narin kasi sila nang pumapasok sa luob, aldo meron naman kaming mga kasama pero hind ganun karami kasi maliit lang ang shop namin.
"I want to talk to the owner! " nakataas kilay nung monique na tinawag nila
Kaya naman lumapit na ako sa kanila,
"It's ok Au, I can handle this! " sabi ko pa ky Au dahil mukhang ayaw akong iwan,
Kaya naman umalis na siya, dahil sinabi ko,
"Sigurado ka, kapag hindi mo kaya tawagin mo lang ako! " bulong pa saakin
Kaya naman medyo natuwa ako sa reaction nang kaibigan ko kahit kailan talaga.
"Yes, my I help you ladies? " pagharap ko sa
kanila,
Tinignan niya ako mula ulo hangang paa,
nakasuot ako nang fifted longsleeve at maong pands, na naka pointed highheels ako, walang sinuman na mag aakala na 22 years/old lang ako dahil according to my mom, matured daw ako magdala,
At hindi naman sa pagyayabang, matangkad din ako at syempre maganda! Charot!
"So, you are the girl, na dumidikit sa boyfriend ko! " sigaw saakin,
"Excuse me miss? Sinong boyfriend mo? "
Takang tanong ko,
"Susugurin ba ako dahil lang sa boyfriend kuno nang imapktang to ni hindi ko nga to kilala! "
Bulong ko sa hangin.
"So, nag mamaang maangan kapa! Malandi! "
Sigaw saakin, na nagpaigting sa tainga ko,
"Sorry miss, baka nagkakamali ka nang pinuntahan, wala akong nilalandi dahil hindi yan uso saakin, so kung wala kanang sasabihin o bibilhin baka pwede umalis kana, nakaka istorbo kana sa mga customer ko! "
Pagsusuplada ko din sa kanya, total naman
hindi naman siya bibili!
"Siguraduhin mo lang na hindi mo nilalandi ang boyfriend ko, dahil may kalalagyan ka saakin! "
Pagbabanta pa niya, pero binaliwala ko dahil hindi ko naman siya kilala,
At umalis na nga sila, at tinaasan pa ako nang kilay nang mga gagirls!
"Tseee!! " sabi ko din pero hindi naman nila
nakita ang ginawa ko,
"Hoy! Sino sila? " tanong saakin nang kaibigan
ko na may pagtataka sa mukha
"Ewan ko bess, sabi layuan ko daw ang bf niya,
Ni hindi ko nga kilala yun sira ata utak"
Sagot ko sa kanya, kaya namannagtawanan pa kaming dalawa,
"Alam mo bess, ang tomal nang paninda natin
ngayon! " pansin nang kaibigan ko
"Oo nga eh! Dun din sa bahay mukhang may problema din sila dad sa companya! "
sagot ko sa kaibigan ko,
"Bat kaya ang hirap kasi yumaman no bess? "
tanong pa saakin na akala mo biro ang lahat
"Buti pa si Marco Billionaryo! " walang preno niyang sabi pa
"Bakit siya naman ang topics mo? " tanong ko
"Naku bessy, alam mo nabasa ko sa news, wala palang sinasanto yan, kahit maliit na negosyo kung nagkasala ka ay naku bess! Hindi ka daw papakawalan niyan! " sabi pa saakin
"Eh di wala palang silbi ang yaman niya, kasi wala siyang awa sa mababa sa kanya! "
Sagot ko din
"Kung sabagay may tama ka bess, pero bakit pala hindi na nagpakita sayo mula nang inuwi ka sa bahay niyo? "Tanong pa saakin
Pati ako din, hindi ko rin alam ang dahilan niya,
kahit si mama nuon, medyo nagulat pa,
Hindi na rin ako nagtanong noon sa kanila dahil wala naman silang sinabi saakin,
"Hoy! Tahimik ka na naman bess! " sundot niya sa tagiliran ko kaya napaigtad pa ako,
"Ano kaba, may iniisip lang ako noh! " sagot ko naman sa kanya,
"Si fafa Marco? " sagot agad saakin,
"Bakit ko naman siya iisipin noh! " pasuplada kong sagot sa kanya
" naku bessy hah! Halata kana masyado! "
pang aasar pa niya saakin,
"Bahala ka sa buhay mo, magtrabaho na nga
tayo! " sagot ko sa kanya
Baka kasi kung saan saan na naman mapunta ang usapan namin dalawa,
Hapon na pero wala parin bumibili sa paninda namin, kung ganitong ganito baka malugi na kami nang kaibigan ko,
Pero nabigla ako nang may mga custumer na pumasok sa boutique ko na nagsisikuha nang mga naka display sa luob,
"Excuse me miss, pwede kuhanin ko lahat to? "
Sabi niya saakin
Maganda ang babae at may class din naman at mukha naman siyang mabait,
"Yes ma'am, wait a minute po! " magalang kong sagot,
Dahil ako ang cashier, inasikaso ko na siya at pinaasikaso ko na sa iba ky Au,
"Kukunin nyo lahat to ma'am? " tanong ko ulit sa customer
"Yes miss, all of them... " sagot niya na nakangiti, kaya naman nakangiti din ako
"Thankyou ma'am, come again! " pasasalamat ko sa kanya sa pag alis niya,
Nginitian lang naman ako,
"Wow bess akala ko hindi na mababawasan ang shop natin hah, kakaloka kanina! "Si Au
"Oo nga eh, uwi na tayo bessy, pagabi na din! "
Sagot ko sa kanya
"9pm kasi ang sarado namin sa shop, yun ang normal time namin, minsan nag o over time kami kung kinakailangan,
Pero sa ngayon, hindi kasi halos naubos ang paninda sa luob nang boutique namin,
"Maaga ba tayo bukas bessy? " tanong ni Au saakin,
"Yes Au! Pero mauna kana hah, pupunta kasi ako sa divisoria tumingin nang mga tela na pwede natin ipatahe" sagot ko
Duon kasi kami kumukuha minsan nang mga tela at bahala na ang mga kasamahan namin na magtahi basta bibigyan mamin sila nang design.
Parehas kasi kami nang kaibigan ko na may talento sa pag dedesign nang mga damit,
"Ok bess, mag iingat ka bukas hah, sama kaya ako? " sabi pa niya saakin
"Naku, kung sasama ka sino naman ang ag bubukas dito? " turo ko samaliit na shop namin
"Oo na noh! Basta mag iingat ka hah! " paalala pa saakin,
"Opo ate! " biro ko naman sa kanya
At pinalo pa ako sa balikat ko,
"Ikaw hah! Mas matanda ka saakin, 21palang ako noh! " reklamo niya
Kaya naman natawa ako, oo nga 21at 22 palang kami pero sabi ko nga matured kami manamit at mag isip,
Si kuya ko naman 30years na siya, at si bunso 7years naman
Pagkaisip ko sa bunso namin parang gusto ko nang umuwi agad,
"Uwi na tayo sara na natin ang shop! " sabi ko sa kaibigan ko,
At tumango naman siya saakin, at sabay na kaming pumunta sa parking lot,
Pareho kami kasing may sasakyan, dahil ayaw namin na nag co commute,
"Bess matulog na kaya ako sa inyo! " sabi pa niya sabay simangot
"Wag ngayon bess, kukulitin mo lang ang kuya ko, alam mo naman yun laging may regla! "
sagot ko sa kanya, kaya mas lalo siyang nakasimangot,
"Sige na nga next time nalang bessy, bye! "
Paalam niya saakin sabay sakay na siya sa kotse niya,
"Bye bessy, ingats! " sabi ko din at sumakay na din ako sa kotse ko,
At sabay na kaming umalis sa parking lot,
Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko sila daddy at mama sa sala at pati kuya,
"Good evening everyone! " bati ko sa kanila at nabigla pa ata sila sa pagdating ko
"May problema ba dad, kuya? " tanong ko sa dalawa,
"Wala naman hija, kamusta ang shop mo? "
Tanong ni daddy saakin,
"Ok naman dad, madaming customer kanina, himala nga eh, bigla nalang nagsidatingan! "
sagot ko kay papa na bigla naman parang nagulat,
"Really anak? " sagot niya na may pagtataka,
Kung sabagay magtaka ka talaga kasi maliit lang naman ang shop namin ni Au,
"Yes dad! May isang babaeng pinakyaw lahat nang paninda namin ni Au!"
sagot ko kay daddy, at parang mas nagulat pa,
"Babae? " si kuya Dave ko
"Oo kuya bakit? " takang tanong ko kasi naman kung maka react sila wagas!
"Nothing... " maikli niyang sagot,
"Anyway anak kumain kanaba? " si mama
"Hindi pa nga ma eh, pagkasara kasi namin sa shop dumeretso na kami sa uwi ni Au"
Magalang kong sagot sa mama ko,
"Sige anak at ipaghahain kita" sagot pa saakin
"No need ma, kaya ko naman ang sarili ko, saka saan si bunso ma? " tanong ko pa
"Tulog na ang kapatid mo anak napagud ata kanina sa kakalaro! " sagot ni mama na sumama pa saakin sa kusina.
na mukhang problemado ang mukha,
"Ma, may problema ba? " hindi ko mapigilan na tanong,
"Anak wala naman, siya at kakain kana kasi maaga kapa bukas, " sagot saakin
Kaya naman hinayaan ko nalang, kung sabagay ganyan naman sila,
Kung maari ayaw nila ako idamay sa problema sa companya,
Kasi nga daw bata pa ako, kung sabagay kung ikompara ko naman ang shop ko sa company ni papa walang wala ako,
Kaya kumain nalang ako,
"Ma ok na ako akyat kana duon, ako na bahala mamaya dito! " sabi ko kay mama
Hindi kasi uso saamin na umaasa kami sa kasambahay, hangat kaya namin ang gawaing bahay kami na ang gumagawa,
Lalo sa ganitong oras, ayaw din namin abusuhin ang katawan nila, kaya kung rest day nila dapat rest day lang, walang trabaho.
Kaya siguro nagtatagal ang kasambahay namin at hindi din namin sila tinuturing na iba.