CHAPTER 4.5
Bridget’s POV
Yari ako nito. Hala. Ano na palang dapat gawin ko ngayon? s**t naman kasi! Unang klase pa lang, napagalitan na agad ako. Mukhang pangagalayin pa ang puwet ko nito nang wala sa oras.
“Go on, Miss de Guzman. I’m giving you a freedom to speak right now in front of the class.” Dagdag pa nito.
Nagsisimula ko na tuloy i-hate si Ma’am Cy. Aba siya na nga 'yung sinave ko sa pangjojoke niya eh. Kahit iilan lang ang nakagets nun isa naman ako sa mga tumawa ah! Ano pang gusto niya? Tahimik naman pati ako eh. Nakakainis naman kasi. Nangyayari ang lahat nang 'to dahil sa LUKE DEAN na 'yun!
Tumayo ako. Nag-pout ako kay Cayden. Siya naman napailing na lang at medyo natatawa. Tumingin naman ako sa direksyon nila Drew at Luce. Natatawa sila na napapakamot na lang ng ulo. Napatingin naman ako sa Luke na 'yun at…
TUMATAWA TALAGA SIYA! TUMATAWA RIN PALA SIYA I MEAN! Sino bang pinagtatawanan nito? Ako rin ba? Kung makatawa kasi parang sinasabi ng mukha niya ay in-da-peys-men! look. Mukhang ako nga ata ang pinagtatawanan nito ah. Mas lalong kumukulo ang dugo sa kanya. Bad trip, bad trip!
Napatingin din naman yata agad ang mga kaklase ko kung saan ang sama ng tingin ko sa Luke na 'yan. Kaya pati si Ma’am Cy ay nakitang tumatawa ito.
“Oh my gosh! Ang cute niyang tumawa! Hahaha!”
“Ang kulit ng tawa niya oh. Hahaha. Turn on, grabe!”
“Bakit siya tumatawa? Anong mayroon?”
“Hahahaha? Tawa na lang din kaya tayo?”
“Sige! Luke yan ihh. Hahahaha.”
“Huy! Tumingin kayo sa unahan! Nakatingin na sa atin si Ma’am oh!” Sabay ayos nila ng mga upo.
Ang mga babae talaga. Aish. Tumawa lang ang isang lalaki napakabig deal na para sa kanila. Anong cute ng tawa diyan? Parang batang bungisngis nga eh! Tatawa na lang labas na labas pa ang ngipin at gilagid! Malamang naman Bridget saan ka nakakita tumatawa ng hindi labas ang ngipin?
“Oh! Mukhang gusto ring sumama ni Mister Dean sa isa sa mga mapapatayo sa labas. Mister Dean!” Walang anu ano’y biglang napaayos siya ng upo. 'Yung kaninang tawa ng tawa ay biglang nagulat kaya umayos agad siya ng upo. Pfft! Hahaha. 'Yan ang mga mukhang katawa tawa!
“Hala. Kawawa naman si Luke.”
“Mas guwapo talaga siya pag tumatawa kaysa 'yung ganyan.”
“Nako naman. Pinagalitan na naman siya ni Ma’am Cy.”
Naaawa ba sila sa mukhang 'yan? Eh 'yang mga mukha nga ang katawa-tawa ngayon eh. Hahaha! Eh tignan niyo nga ang mukha niya ngayon… Parang umaamong tupa!
“WHAHAHA!” Sorry pero hindi sadyang tawa 'yun. Hindi ko na kasi talaga mapigilan pa ang tawa ko. Nakakatawang tunay kasi talaga ang mukha niya!
Napatingin na naman sila sa akin. Hala, agaw atensiyon na naman ako…
“Mukhang wala na akong ibang choice pa kundi palabasin na kayong dalawa. Tama bang magtawanan sa oras ng klase ko? Lalo pa’t nagtuturo ako dito sa harapan? Ha? Alam niyo ang tawag diyan? KABASTUSAN. Miss de Guzman and Mister Dean, GET OUT!” Sigaw sa amin ni Ma’am.
Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Nakakainis talaga!
Napakamot na lang ako sa ulo at saka lumabas.
Nasa labas na ako pero mukhang andun pa yata sa loob si Luke. Nakikipagsagutan pa yata kay Ma’am 'to? Kaya medyo lumapit lapit ako para marinig ko ang pinaguusapan nila dahil saktong nakasara rin naman ang pinto.
“Nakapag-explain naman ako kung bakit ako natawa palalabasin mo pa ako?” Rinig ko ang boses sa loob ni Luke na nage-explain pa.
“Your reason isn’t valid. Get out!” Sigaw pa rin Ma’am Cy.
Ah. Ang tigas talaga ng mukha ng lalaking 'to. Nag-explain nga kung bakit siya natawa? Pilosopo tasyo ang loko ah. Tsk. Tapos maraming matuturn on sa ugali ng lalaking 'to? Ayan. Sana mabuksan ang isipan ng mga babae diyan na nagkakagusto sa kanya na may ganyan siyang side!
“Miss, anong mayroon? Mukhang sumisigaw si Ma’am Cy ah. Napalabas ka ba? Nako naman.” Tanongnung isang estudiyante na napadaan sa harapan ko.
“Ah, oo eh.” Nahihiya kong sabi.
“Bakit? Sino ang napagalitan niya? Anong ginawa?” Sunod sunod na tanong naman nung isang babaeng kasama nung isa.
Makikichismis ba siya? Oh? Concern sa akin ang mga 'to kung bakit ako napalabas? “Tumatawa kasi ako. Kaya ayun. Si Luke…”
“WHUT?! S-si… Papa Luke ang pinapagalitan niya?! Owmaygash!”
“Girl! Tignan mo dito sa bintana oh! Sumisigaw si Papa Luke, sumasagot siya pabalik kay Ma’am Cy!” Tawag nung isang babae sa isang babae sa kasama niya at sabay silip sa bintana.
“Wow. Ang cool niya.”
“Sinabi mo pa! Kyaaaah! Sana napunta na lang din tayo sa section na 'to.”
Ang lalandi naman talaga ng mga babaeng 'to. Dapat lang talaga sa inyo ang mapahiwalay sa section namin! Mga chismosa pa. Dapat pala hindi ko na lang sinabi kung sino ang pinapagalitan diyan sa loob.
Bigla silang tumakbo paalis. Bakit? Natakot ba sila? Ano na bang mga nangyayari sa loob at bakit ang tagal lumabas ng lalaking 'yon? Dapat lang din na lumabas 'yun dahil napaka-unfair kung ako lang dito sa labas ang tatayo magisa! Siya rin naman ah! Tumawa rin naman siya. Ano pa ba kasing pinagrerereklamo niya diyan? Kanina pa siya diyan.
Itinapat ko uli ang tainga ko sa pinto…
Ano ba 'yan. Wala na akong marinig. 'Wag niyong sabihing nagpatalo si Ma’am Cy sa lokong 'to! 'Wag niyong sabihing nakaupo pa rin ang Luke na 'yun at ngumingiti ng tagumpay dahil ako lang ang nasa labas! Madaya 'to! Hindi ito puwede--- *creek* *thump*
Aray kupo! Ang ulo ko!
“Aba ayos ka, de Guzman ah. Anong ibig sabihin ng paglalagay ng tainga mo dito sa pinto? Diba pinalabas na kita? Tapos makikichismis ka pa sa mga nangyayari dito sa loob!” Pagpuputak na naman ni Ma’am Cy.
Lagi na lang... Lagi na lang ako! Nakakainis naman! Pa’no ba naman kasi biglang bumukas ang pinto. Palabas pa naman ang bukas ng pinto kaya tumama talaga ang ulo ko. s**t naman oh! Ang sakit sakit kaya.
At ayan, nakatingin na naman ang mga kaklase ko sa akin. At 'yung mga ibang estudiyanteng napapadaan sa room naming ay nakatingin na sa akin ngayon! Psh! Nakakainis talaga! Kasalanan talaga 'to ng pesteng Luke na 'yan.
Lumabas na rin si Luke ng nagdadabog pa, “Tumayo kayo diyan ngayon din sa hallway! Mga batang 'to. Tsk.”
*Blaag!* Ayan na. Tuluyan na talagang nagalit sa ‘min si Ma’am. Binagsak ba naman ang pinto. Hay nako. Unang pasok ko pa lang ngayon mukhang ang pangit na ng impresyon nila sa akin. Hay! Nakakainis naman talaga. First time mangyari sa akin 'to. Nasa A section pa naman ako. Ano na lang sasabihin sa akin ng iba?
No choice. Tatayo nalang talaga kami dito ng tuwid at nakaharap sa room namin. Psh! Nakakahiya talaga! Bakit ba ang sama ng tadhana sa ‘kin ngayon!? Haynako!
“Kasalanan mo ang lahat nang 'to…” Bulong ko sa sarili ko pero para sa lalaking 'to itong mga pinagsasabi ko.
Kaso hindi man lang siya nag-response sa sinabi ko. Hmp! Sinadya ko kayang iparinig 'yung bulong na 'yun sa kanya!
“Akala mo kasi kung sino. Transferee lang naman siya. Tss.” Dagdag ko pa... 'Di pa rin talaga siya namamansin. Nakayuko ako pero nakatayo pa rin naman siya diyan. Nakakabastos! Hehe.
“Sana hindi ka na lang sa section namin napunta!” Medyo nilakas-lakasan ko na ang boses ko. Aba, hindi talaga siya sumasagot. Tignan ko nga…
Aba’t PUUUUUU! Naka-ear phones pala ang gagu! Pero hindi halata kasi nasa likod ata ang wire nun at nakapasok sa loob ng uniform niya. Kaya naman pala hindi ako pinapansin nito dahil may nakasalpak sa tainga niya! Sinamaan ko nga siya ng tingin. Nakapikit lang kasi siya at halatang enjoy na enjoy ang music na nanggagaling sa ear phones niya.
At biglang bumukas ang mga mata niya...
( 0____0)……..(~___0++ ) Ganito ang itsura namin ngayon. Eh paano, nagulat ako dahil bumukas ang isa niyang mata. Nako! Nahuli yata niya ako sa aktong nakatingin ako sa kanya.
Tinanggal niya ang isa niyang ear phone sa kaliwang tainga, “May sinasabi ka?”
“W-wala! Psh!” Sabay tingin sa ibang direksyon. Nakakainis talaga ang attitude niya.
“Okay.” Ibabalik na sana niya ang isang ear phone sa tainga niya nang pinigilan ko siya at humarap ako sa kanya, “Hmm?” Dagdag pa niya.
“Alam mo bang kasalanan mo ang lahat nang 'to?”
“Ng?”
“Eto! LAHAT NANG 'TO! Kung bakit ako napagalitan, napahiya, at napalabas ngayon!”
“Kagagawan mo rin 'yan. Ikaw rin naman ang may kasalanan kung bakit din ako andito ngayon ah.”
AKO? AKO PA ANG MAY KASALANAN NGAYON? “Anong ako? EH IKAW NGA 'TO DIYANG NANGUNA EH! TATAWA TAWANAN MO PA AKO! HUH! BUTI NGA SA 'YO!”
“Eh kung sa natatawa ako sa 'yo eh. Ayan, lalayo layo ka pa kasi nahuli ka tuloy na nagdadaldal. Nasa unahan ka pa naman.”
“Eh paki mo? Che!”
He chuckled sabay alis. UMALIS TALAGA SIYA! EWAN KO KUNG SAAN PUPUNTA 'TO AT WALA RIN NAMAN AKONG PAKIELAM KUNG SAAN PA MAN 'YAN! Sana na lang talaga maabutan siya ni Ma’am Cy na wala dito para ma-double kill pa siya.
Nakakainis pa rin! Feeling ko, talo ako sa lalaking 'yun.