CHAPTER 37.5 Luke's POV Napatayo ako nung biglang lumabas si Bridge. Bakit siya lumabas? Nakita ko rin kasing may mga luha na sa mukha niya nun nung tinignan ko siya. Anong nangyari? Bakit kaya siya umiiyak? Haay. Susundan ko nalang siya... "Wait, babe! S-saan ka pupunta?" Pinigilan ako ni Michaela at hinawakan pa niya ang kamay ko para talaga mahinto ako sa paglalakad. "Wala ka na dun." Tinanggal ko na rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko... Pero, tang ina. Ang kulit! Tumayo pa siya para hawakan naman ang braso ko. Ano bang kailangan nito?! Tsk. "Babe naman! 'Wag mong sabihing susundan mo siya? Tsk! Hayaan mo na nga siya babe, kung saan siya pupunta. Wala ka namang karapatang malaman pa 'yun eh." Wala na. Namuno na ako. Nainis na ako ng sobra sa inakto niya. Akala niya kung sino si

