CHAPTER 28 Luke's POV "Luke, si Coach Vince. Coach Vince, si Luke po. Siya na ang bagong captain ball sa basketball team ng Kwon College ngayon. Kung makikipag-interact po kayo sa mga players, maaaring siya na lang po ang bilinan ninyo. Siya rin ang pag-assign-in ng mga ipapagawa kung sakaling hindi po kayo nakakapunta dito sa araw araw nilang practice." Pagpapakilala ng Principal namin. Inabot naman namin ang kamay ng isa't isa. "Malaki ang expectations ko sa 'yo... Bagong captain ball." Sabi ni Coach Vince sa pormal na boses. "Hindi ko po kayo bibiguin." Sabi ko naman habang nakangiti. "Ikaw Luke ha, 'pag sa kanya nanginginopo ka. Kapag sa 'min... Hmm." Biro sa 'kin ng Principal. Tsk. Manlalaglag pa eh. Siyempre naman. 'Pag usapang basketball yata 'to, lahat nirerespeto ko. Pati nga

