CHAPTER 30 Bridget's POV "Tara sa condo." Yaya sa akin ni Luke habang nakatayo kami dito sa labas ng bahay namin dahil hindi naman namin alam kung saan ba magandang puntahan namin, since wala namang pasok ngayon dahil meeting ng mga teachers para sa basketball na magaganap sa Friday. Wednesday pa lang din naman kasi ngayon. Tila nagulat ako sa pagyayayang ginawa sa akin ni Luke. Seryoso? Condo ba talaga kamo? May condo siya? Lol. Naalala ko tuloy 'yung issue tungkol kila Deniece Cornejo at Vhong Navarro. "Hahahaha. Dala ba ako puds? Hahaha!" Biro kong sabi habang tumatawa ako. Makikita sa mukha niya ang pagkalito. Teka, hindi ba niya nakuha ang sinabi ko? "Puds?" "Oo. Hahahaha. Pagkain! Hahaha." "Tss. Seryoso ako, tara dun na lang tayo." Nge. Seryoso rin ba talagang may condo 'to? 'W

