CHAPTER 33 Luke's POV "Ano oras daw ang laban, captain?" Tanong sa akin ni Cayden. "Mamayang 11am pa raw." "May dalawang oras pa pala tayo. Bakit hindi pa tayo magtraining nang magtraining?" "Ayaw niyo ba ng pahinga? 'Wag kayo masyadong mapressure. Bingu College lang naman 'yan. Kaya 'yan." "Nila-"lang" mo nalang 'yun ah? Alam mo ba na 'yan talaga ang school na medyo may laban laban sa 'tin?" May pangamba sa tono na sabi ni Luce. "Akong bahala. As long as ako ang captain ball ninyo, ako magdadala at magbubuhat sa inyo." Oo. Pagbubuhat ko ng sariling desk. "Ayan na naman ang mga wise words ni captain oh!" Carlo. "Malaki ang tiwala namin sa 'yo, captain!" Francis. "CAPTAIN FOR THREE!" Charles. Kani-kaniyang kanchaw nila sa akin. Aba, magtiwala sila... Talagang gagalingan ko ang pa

