CHAPTER 18 Bridget’s POV 'Eto na naman. Kakauwi ko lang ay bored na naman ako. Wala na namang assignments kasi. Quizes ang mayroon bukas pero nakalimutan ko naman kasing iuwi ang mga libro ko kaya bahala na bukas. Aagahan ko na lang ang pasok para makapag-review ng maayos. Itetext ko na nga lang si Drew at papupuntahin ko siya dito sa bahay namin. Siya lang din naman kasi ang may pinakamalapit na bahay dito sa ‘min kaya siya ang madalas kong kinokontak. Siya rin naman ang pinaka-close ko sa kanilang tatlo diba, you know the whole story guys. To, Drew: Drew! San ka? Punta ka dito. Kaboring eh. TT____TT Message sent! Sana na lang ay pumunta siya dito. Manghihiram na rin ako ng mga books niya para makapag-review ako sa mga quizzes namin. 10 minutes passed… Wala pa rin akong nare-receiv

