CHAPTER 26 Luke's POV "Good morning class!" Bati ni Ma'am Cy sa amin. "Good morning~ Ma'am Cyyy~" Bati naman nila. Tumayo lang naman ako, pero hindi ko siya binati. Suwerte nga niya dahil kahit hindi ako nagsasalita dito, ay tumayo na lang ako para masabing nirerespeto ko siya... Kahit light lang. "Have a seat, class." "Thank youu~ Ma'am Cyyyy!" Sabi nila at umupo na kami. Tumingin tingin sa paligid namin itong teacher na 'to, at saktong napako ang tingin niya sa akin, nagulat naman ako. Bakit nakatingin siya sa akin ngayon? Napatingin din tuloy sa 'kin ang mga kaklase ko dahil nakatingin nga kasi sa akin 'tong gurong 'to. Eh bakit ba kaya? Tsk. "Maaga ka yata ngayon, Luke ah." Nakangiting sabi sa akin ni Ma'am. Ngumiti ako inakbayan 'tong si Bridge, "Siyempre naman. Sinundo ko 'to

