KHEYIEN'S POV
Pagdilat na pagdilat ng mga mata ko, hindi ko napigilang mapa-groan dahil sa tindi ng hangover. Ito talaga ang ayaw ko sa pag-inom ng alak, eh. Grabe maningil kinaumagahan—isang malupit na sipa sa ulo. Well, kasalanan ko rin naman dahil sa dami ng nilaklak ko kagabi. Pero wait, kasalanan ’to ni Derrick! ...
Teka, paano nga ba ako nakauwi?
Biglang nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto, na sinundan ng sunod-sunod na yabag ng paa. My forehead crinkled as I forced my eyes open para tignan kung sino ’yun. Halos tumigil ang paghinga ko nang makita ko si Derrick.
Obvious na kakalabas lang niya ng shower. He was topless, at yung tuwalya lang na nakapulupot sa bewang niya ang tanging tumatakip sa pagkanaka-hubad niya.
Mabilis akong napaupo at kumurap-kurap nang ilang beses, umaasang imahinasyon ko lang ang lahat. But damn, he was still there.
"What the hell are you doing in here?!"
bulyaw ko sa takot.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid, iniisip kung paano siya nakapasok sa kwarto ko—pero laking gulat ko nang ma-realize na hindi ko pala ito kwarto.
"Good morning, mahal," bati niya sa isang suave na boses bago naupo sa gilid ng kama.
Kumaripas ng takbo ang t***k ng puso ko nang halikan niya ako sa pisngi. "There's an Advil here on top of the bedside table. You can take it. I know you have a hangover." Pagkatapos nun, kaswal siyang tumayo at binuksan ang closet para maghanap ng maisusuot.
Nalaglag ang panga ko at hindi ko alam kung paano magre-react. I swallowed hard at tinignan ang sarili ko sa ilalim ng kumot.
My eyes almost popped out of their sockets nang ma-realize kong wala pala akong suot na kahit ano. Napahawak ako sa ulo ko, pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi.
Then, everything came back to me. Kahit medyo blurry pa, natatandaan kong may lalaking nagdala sa akin kung saan, at pagkatapos...
"D-Did we... did we..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko pero alam ko na ang sagot. Nararamdaman ng katawan ko ang ebidensya ng nangyari sa amin kagabi!
"Yes, mahal. We did."
Nanginig ang buong katawan ko sa galit nang marinig ang kumpirmasyon niya. I raised my gaze, handa na sana siyang sigawan, pero napa-gasp ako sa gulat.
’Yung tuwalyang nakabalot sa bewang niya kanina, nasa couch na ngayon!
He was proudly displaying his body habang hawak-hawak ang t-shirt niya.
"Pervert!" sigaw ko sabay iwas ng tingin. I couldn't believe na tatayo siya nang hubo't hubad sa harap ko na parang wala lang!
What a jerk!
To my further annoyance, narinig ko siyang tumawa nang mahina. "Don't act like you haven't seen this before, mahal.” His voice was playful at lalong uminit ang ulo ko.
I huffed at bumaba ng kama habang nakabalot ang sheets sa katawan ko. Tama siya. Bakit ba ako mag-aastang scandalized kung ilang beses ko na rin namang nakita ’yan dati? I gritted my teeth habang lalong nagliliyab ang galit ko. Hindi ako makapaniwalang ginawa niya ito sa akin. He took advantage of me, and I felt disgusted.
Dahil sa sobrang emosyon, nilapitan ko siya at malakas na sinampal sa mukha.
Nawala ang mapaglarong ekspresyon sa mukha niya dahil sa ginawa ko.
"You're nothing but a pervert asshole! Hindi ako makapaniwalang kinuha mo ang pagkakataon habang lasing ako para gawin ’to! You only showed me what kind of person you really are!" I spat at him, punong-puno ng poot. Hinihingal na ako dahil sa hindi makontrol na galit.
How could I let this happen? Kahit lasing ako kagabi, hindi ko dapat hinayaang mangyari ’to!
Umiling ako habang tinititigan siya nang may pandidiri bago tumalikod para hanapin ang mga damit ko. Akala ko nakakalat lang sa sahig, pero nakita ko ang mga ito na maayos na nakatupi sa dulo ng kama.
Kinuha ko ang mga ito at isa-isang isinuot. Wala na akong pakialam kung pinapanood niya ako; ang gusto ko lang ay makalayas sa lugar na ’to as soon as possible.
"I’m sorry, mahal. Believe me, I tried to stop dahil ayaw kong pagsamantalahan ang pagkalasing mo... pero nung nakiusap ka na ituloy ko at hinalikan mo ako, I lost my control."
Napa-singhap ako sa narinig ko. I shook my head vigorously. "You're lying! Hindi ko hihilingin na gawin mo ’yun sa akin! Wag mo akong bolahin para magmukhang gusto ko rin ang nangyari!" sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. I just couldn't accept the possibility.
"Yes, you did, mahal. Alam mong ikaw ang weakness ko at ang pagmamahalan natin ang laging addiction ko. Nung pumunta ako sa The Elite Vanguard Club kagabi, ang gusto ko lang ay ilayo ka roon at dalhin sa ligtas na lugar. Believe it or not, pero hindi ko intensyong mangyari ’to habang pareho tayong nasa impluwensya ng alak."
Natigilan ang buong pagkatao ko nang maramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod.
Hindi ako agad nakagalaw. I felt like my tongue stiffened. Ramdam na ramdam ko ang init ng balat niya sa likod ko—underwear pa lang ang naisusuot ko.
"I'm sorry hindi ko nakontrol ang sarili ko kagabi, pero hindi ko pinagsisihan na minahal kita. Because of what happened, naranasan ko ulit kung paano ka yakapin. I missed my wife so much... tatlong taon kitang hinanap-hanap, Kheyien. It was hell, mahal."
Ang boses niya ay parang nahihirapan. My lips parted in shock. Hindi ako makapaniwalang humingi siya ng tawad! Inasahan kong magiging jerk na naman siya, pero hindi. His voice was mellow at ang mukha niya ay mukhang malambot—malayo sa rough at matigas na Derrick na nakilala ko.
I closed my eyes and cursed myself nang maramdaman kong tumutugon ang katawan ko sa haplos niya. Isang dampi lang ng balat niya, bumabalik ang mga nakalimutang damdamin at alaala. Pero kailangan kong magising sa realidad. I shouldn't let myself get affected like this.
Tapos na kami ni Derrick three years ago. Fact ’yun. Kahit pa may nangyari sa amin kagabi, hindi nun mababago ang sitwasyon.
I chuckled bitterly. "Really? C'mon, Derrick. Don't make me laugh. Huwag mong sabihing wala kang kinalamasang ibang babae nitong mga nakaraang taon dahil hindi ako maniniwala. Nakikipag-flirt ka pa nga kay dun sa babae mo kagabi, so don't give me this crap!"
Buong pwersa kong tinanggal ang mga braso niya sa akin at hinarap siya nang may nagniningas na mga mata.
"Nakuha mo na ang gusto mo, kaya lumayas ka na sa paningin ko at huwag ka nang magpapakita sa akin muli!"
Biglang naging somber ang mga mata niya.
"Do you really think that's the only thing I want from you? Of course not! Sa tingin mo ba kaya kong pumatol sa iba dahil lang iniwan mo ako? That's bullshit!"
I raised my chin defiantly, lito kung bakit siya umaasta nang ganito.
"Yes. That's what I think," diretsong sagot ko. Nakita ko ang sakit na rumehistro sa mukha niya. My heart tightened for an unknown reason, at nagmura ako sa isip ko. Imahinasyon ko lang ’yun! Hindi siya maaapektuhan ng mga salita ko!
"Mukhang bulag na ang isip mo sa galit, mi amor, kaya hindi mo na makita ang totoo. Hanggang ngayon, akala mo pa rin ba may relasyon kami? Never. Magkaibigan lang kami.
"Sa tingin mo ba magpapakita ako sa’yo nang ganito kung may affair ako sa kanya? Hindi ako ganoong tao. Kahit marami akong pagkakamali noon, hinding-hindi kita niloko at hinding-hindi ko gagawin ’yun sa’yo.
Alam mo ba kung ano ang na-realize ko pagkatapos ng nangyari sa atin kagabi? I've decided to be honest with myself and fight for what I want.
"At ikaw ’yun, mahal. Hindi ko na kayang magpatuloy nang ganito. I admit, nagtanim ako ng sama ng loob dahil iniwan mo ako nung pareho tayong wasak. Kaya nung nagkita tayo ulit, nag-astang jerk ako para lang itago ang nararamdaman ko. Gusto kong ipakita sa’yo na kaya ko kahit wala ka. Pero niloloko ko lang pala ang sarili ko.
"Ngayon, suko na ako. Gusto ko nang maging tapat. Napapagod na akong magtago dahil sa pride ko. Sabi ko pipirmahan ko ang divorce papers kung mapapatunayan mong mahalaga ’yun sa’yo, pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang ibigay ’yun. I'm sorry, mahal, pero hindi kita pakakawalan. I want you back. Please, let's fix this and start all over again."
I was stunned.
Hindi ako makapaniwalang sasabihin ni Derrick ang lahat ng ’to. Ang dating Derrick ay hinding-hindi aamin ng kahinaan, lalong hindi magsasabi ng "please."
Umiling ako. "So, ginawa mo ’to para i-trap ako? Ganun ba? Hindi mo ba nakikitang hindi na tayo pwede? Puro away at bangayan na lang tayo simula nung magkita tayo ulit, tapos ngayon sasabihin mong gusto mo akong bumalik? After everything, may kapal ka pa ng mukhang humingi ng second chance?"
He shook his head vigorously. "Sinabi ko na sa’yo, hindi ko intensyong may mangyari sa atin kagabi. Oo, nag-aaway tayo, pero para sa akin normal lang ’yun dahil hindi mo pa ako napapatawad. Hanggang ngayon, hindi mo pa alam ang buong katotohanan kaya sa akin mo isinisisi ang lahat. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi na tayo pwedeng magbalikan. I don't believe everything is over between us, mahal dahil nagsisimula pa lang tayo!"
He raked his fingers through his hair in frustration. Nabalot kami ng nakabibinging katahimikan.
"Para sa akin, wala nang dapat ayusin dahil hindi na natin maibabalik ang nakaraan," malamyos pero matigas kong sagot bago tinapos ang pagbibihis.
Ramdam ko na naman ang pamilyar na bigat sa dibdib ko.
Hindi siya sumagot at hinintay lang akong matapos. Mabilis kong isinuot ang stilettos ko at nagmamadaling lumabas. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang nanginginig kong mga kamay habang bumababa sa hagdan. Feeling ko bibigay na ang mga tuhod ko.
Halu-halo ang emosyon ko. Galit ako dahil pakiramdam ko ay tina-trap ako ni Derrick, pero lito rin at malungkot.
Pagdating ko sa baba, na-realize kong nasa The Elite Vanguard Club pa rin ako. Kaya pala pamilyar ang kwarto—VIP room pala ’yun na exclusive lang para sa mga miyembro.
Salamat na lang at walang tao kaya nakalabas ako nang walang nakakakita sa akin. Pumunta agad ako sa kalsada at nag-abang ng taxi. Hindi naman ako naghintay nang matagal.
Sumakay agad ako. Napatingin ako ulit sa club at nakita ko si Derrick sa entrance, nakatingin sa direksyon ko habang naka-flex ang panga.
Boxers lang ang suot niya. Standing there like a proud Greek god.
Bigla akong nag-panic.
Gusto ko lang makalayo. My eyes widened nang makita kong naglakad siya palapit, kaya mabilis kong sinabi sa driver ang address ko para makaalis na kami.
Huminga ako nang malalim nang makita ko sa side mirror na naiwan si Derrick sa pwesto niya, pinapanood ang taxi palayo.
I chuckled bitterly habang nagtutubig ang mga mata ko. Gulo-gulo na naman ang emosyon ko. I didn't want to break down in front of him anymore.
Habang nasa biyahe, mas lalong luminaw ang mga alaala kagabi. My heart thumped as my cheeks reddened. s**t! What have you done, Kheyien?! Hindi ako makapaniwalang hinayaan ko siyang makuha ako ulit!
Galit ako kay Derrick, pero mas galit ako sa sarili ko dahil naalala ko na ang lahat. Gusto kong maiyak.
Hindi ako makapaniwalang ako pa pala ang nakiusap na ituloy niya nung tumitigil na siya. Ano bang iniisip ko?! I groaned inwardly, gusto kong sapukin ang sarili ko.
Pagdating sa bahay, akala ko nandoon na ang pamilya ko na naghihintay, pero mukhang tulog pa sila.
Dumiretso ako sa kwarto at hinubad ang damit ko para maligo. Pero pagpasok ko sa banyo, halos malaglag ang puso ko nang makita ang repleksyon ko sa salamin.
May mga hickeys sa leeg at dibdib ko!
Biglang uminit ang katawan ko. Isang masarap pero nakakatakot na sensasyon ang gumapang sa likod ko nang maalala ko kung paano niya sinamba ang katawan ko kagabi. Umiling ako nang malakas. No! Hindi dapat ako maapektuhan! Ang nangyari kagabi ay s*x lang! Nothing more, nothing less!
"Damn you, Derrick!" I hissed at sumailalim sa shower para burahin ang bakas niya sa katawan ko. Pero habang naliligo, parang sirang plaka na nagre-replay sa utak ko ang mga nangyari kagabi kahit ayaw ko. I should do something to end this.
Pagkatapos kong magbihis, tatawagan ko sana ang lawyer ko pero hindi ko mahanap ang phone ko. s**t! Naiwan ko sa The Elite Vanguard Club!”
I groaned. Alas-nuwebe na ng umaga at nagugutom na ako. Pagbaba ko, nandoon na ang pamilya ko sa living room. Mukhang bumalik sina Margaux at Migz sa bahay dahil nag-aalala sila sa akin.
"Auntie Kheyien!" masayang tili ni Minji nang makita ako at tumakbo para yumakap.
"Hello, Minji boy. Good morning." Binuhat ko siya at hinalikan niya ako sa pisngi, na nakapagpa-ngiti sa akin nang bahagya. Naupo ako sa couch sa tabi ni Margaux habang nasa kandungan ko si Minji.
"Good morning, everyone," bati ko, hindi makatingin nang diretso sa kanila.
"Good morning, darling. Anong nangyari sa’yo? Ang init ng panahon pero naka-turtleneck shirt ka," tanong ni mommy habang nakakunot ang noo.
"I-Is it warm? Medyo nilalamig kasi ako." Pilit kong nag-aastang normal pero pumiyok pa ako.
"But it's hot today, Auntie," singit pa ni Minji. Tinignan ko si Margaux at nakita kong tinutukso niya ako gamit ang mga tingin niya. Siniko niya pa ako nang palihim.
"So, nasaan ka kagabi, darling? Tumawag si Derrick na lasing ka raw at hindi makauwi kaya..." sabi ni daddy sa kaswal na tono.
Napalunok ako. Daddy didn't look worried, pero si mommy, oo.
"He... called?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes, he did. Tell me, anong ginawa niya sa’yo kagabi?" Seryoso ang tanong ni daddy. Umiwas ako ng tingin at kinagat ang labi ko. Kahit anong mangyari, hindi ko pwedeng sabihin ang totoong ganap namin ni Derrick kagabi.
"Nothing, daddy." I cleared my throat. "Bakit ba ang seryoso niyo? Don't worry, walang masamang nangyari sa akin. C'mon, guys. Kain na tayo, gutom na ako."
"I'm hungry," sabi ni Minji, kaya ginamit ko ’yung dahilan para ibahin ang usapan.
Tumayo na kami.
Habang kumakain, nakahinga ako ng maluwag dahil wala nang nagtanong tungkol kay Derrick. Pagkatapos ng breakfast, kinausap ko si Migz.
"Migz, pwede mo bang tawagan si Derrick?" Kumunot ang noo niya, mukhang nagulat.
"Bakit?"
"Naiwan ko kasi ’yung phone ko sa The Elite Vanguard Club. I think nasa kanya."
Ngumiti siya. "Sure." Dinial niya ang number. Sasagot na sana si Derrick pero biglang tinawag ni Margaux si Migz.
"Migz, tinatawag ka ng anak mo. Gusto raw mag-swimming sa pool."
"Okay, coming, my queen," sagot ni Migz sabay abot sa akin ng phone. "Talk to him. He's on the line." Nanlaki ang mga mata ko.
"Pero—" Bago pa ako makaprotesta, tinapik na niya ang balikat ko at umalis na. Wala na akong choice.
"Hello?! Kung hindi ka sasagot, ibababa ko na ’to," inis na boses ni Derrick ang narinig ko.
"H-Hello. Si Kheyien ’to." Narinig ko ang pag-singhap niya.
"Mahal? Bakit nasa’yo ang phone ng jerk na ’yun?"
"Wala kang pakialam, okay? Anyway, kailangan ko ang phone ko. Nasa’yo ba?"
"Yes. I have it here."
"Iwan mo na lang sa The Elite Vanguard Club. Kukunin ko mamaya," utos ko.
"Sorry, mahal, pero wala na ako sa club. Dala ko ang phone mo. Kung gusto mong makuha ’to, umuwi ka."
"Home? Are you crazy?! Anong pinagsasabi mo?!" asik ko.
"You heard me, mahal. Come home if you want your phone back." At bago pa ako makasagot, pinatayan na niya ako ng tawad.
"Jerk!" I hissed. Hindi ako makapaniwalang ginawa niya ’to sa akin!
"Home, huh?" I muttered, bago isang mapait at malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ko.