KHEYIEN’S POV
Nakatitig lang ako sa nagtataasang gusali ng Makati mula sa aking opisina. Kahit ilang beses ko nang nasilayan ang view na ito, hindi ito nakakasawang panoorin. Ito ang nagsisilbing pahinga ko mula sa nakaka-stress na ingay ng corporate world.
Nag-stretch ako ng mga braso para matanggal ang ngalay sa aking likod. Ilang minuto na lang at makakauwi na rin ako sa wakas. Niyaya ako ng mga kaibigan ko na lumabas ngayong gabi pero tinanggihan ko sila. Mas pipiliin ko pang mag-relax sa bahay kaysa makipag-party.
Napangiti ako sa sarili ko. Kung ako siguro ang Kheyien ilang taon na ang nakalipas, baka ako pa ang unang nakarating sa bar. Pero nagbago na ang lahat. Siguro ito na ang tinatawag nilang adulting. Imbis na ingay ng tugtugan, katahimikan na ang hinahanap-hanap ko pagkatapos ng trabaho.
Sinilip ko ang wristwatch ko at akmang aayusin na ang mga gamit ko nang may kumatok sa pinto. Akala ko ay ang Executive Assistant ko, pero laking gulat ko nang bumukas ito.
"Hi, darling," bati ni Mommy.
Siya ang asawa ng CEO ng aming kumpanya, isang higanteng supermarket chain na may mga sangay na maging sa ibang bansa.
Ako naman ang kasalukuyang nagmamanage. Matapos ang lahat ng sakripisyo at pagpupuyat, sa wakas ay nakuha ko rin ang posisyong ito. Isang taon na ang nakalipas at masasabi kong mas naging progresibo ang kumpanya sa ilalim ng pamumuno ko.
"Oh, hi, Mommy! Bakit po kayo napadpad dito? Pauwi na sana ako," sabi ko sabay beso sa kanya.
Ngunit agad akong natigilan. Walang ngiti sa kanyang labi. Mukha siyang tumanda ng ilang taon dahil sa sobrang seryoso ng kanyang ekspresyon.
"Anong nangyari? May problema ba, Mommy?" tanong ko na kinakabahan.
Nagbuntong hininga siya at naupo sa tapat ng table ko. Mukha siyang pagod na pagod.
"Kailangan nating umuwi," sagot niya na lalong nagpalito sa akin.
Tatlong taon na ang nakalipas nang sumama ako sa kanila rito sa Maynila para asikasuhin ang negosyo. Ang kapatid kong si Margaux ay nagpakasal na at naninirahan na sa Canada. Dahil mag-isa lang ako noon, sinabihan ako nina Mommy na rito na lang tumira para hindi rin ako malayo sa opisina.
Pero noong nakaraang anim na buwan, nagdesisyon si Daddy na bumalik sa aming probinsya sa Cebu. Ayaw sana namin ni Mommy dahil mag-isa lang siya roon pero wala kaming nagawa. Sabi niya, masyado na raw matagal ang pananatili niya sa Maynila at oras na para mag-settle sa Queen City of the South. Inaya niya rin ako pero tumanggi ako dahil masaya na ako rito. Bukod doon, pakiramdam ko ay wala na akong dahilan para bumalik pa sa Cebu.
Talaga ba? O natatakot ka lang? bulong ng isang bahagi ng utak ko.
Ayaw ko nang isipin ang nakaraan.
Nahanap ko na ang saya ko rito at ayaw ko nang guluhin pa ang lahat.
"Uwi? Sige po, sabay na tayo. Bakit hindi muna tayo kumain sa paborito nating restaurant tonight? Treat ko," pag-iiba ko ng usapan, umaasa na hindi Cebu ang tinutukoy niya.
"Darling, alam mo ang ibig kong sabihin."
"W-what do you mean, Mommy?"
"Kailangan nating bumalik ng Cebu as soon as possible. Isinugod ang Daddy mo sa ospital kaninang hapon."
Nanlaki ang mga mata ko. "Diyos ko! Anong nangyari kay Daddy?!"
"Sabi ng doctor, kailangan niyang sumailalim sa heart bypass surgery agad-agad."
Biglang nanghina ang aking mga tuhod at kusang pumatak ang aking mga luha. Hindi ko inaasahan ang balitang ito.
Nakaramdam ako ng matinding guilt dahil masyado akong naging selfish at nagpaka-busy sa trabaho habang ang Daddy ko ay naghihirap pala roon.
Niyakap ako ni Mommy para patahanin.
"Hush, sweetie. He is going to be alright. Kailangan lang nating manalig."
Humagulgol ako sa dibdib niya. Limang buwan ko nang hindi nakikita si Daddy dahil lagi akong busy.
"Gusto ko siyang makita, Mommy," sabi ko matapos ang ilang minuto.
Tiningnan niya ako nang may pag-aalala, tila hindi inaasahan na papayag ako agad na bumalik doon.
"Sigurado ka?"
Tumango ako nang may determinasyon.
"Hindi na ito tungkol sa akin, Mommy. Tungkol na ito kay Daddy. Ayaw kong magtrabaho rito habang alam kong nasa ganoong kalagayan siya."
Tumango si Mommy. "I understand. Mag-ready ka na. Lilipad tayo pauwi ngayong gabi."
Pagkauwi namin para mag-impake, biglang may dumating na bisita.
"Hi, Kheyien. Pasensya na kung biglaan ang pagpunta ko. Gusto lang kitang makita bago ka lumipad pa-Cebu," bungad ni Raze habang may dalang bouquet at isang cute na teddy bear.
Napangiti ako. Limang buwan na siyang nanliligaw sa akin. Sinabi ko na sa kanya ang sitwasyon ko pero hindi siya sumuko. Noong una ay flat no ang sagot ko, pero ang determinasyon niya ay kahanga-hanga. Unti-unti ko nang naa-appreciate ang mga effort niya.
"Salamat, Raze. Paano mo nalaman na uuwi kami?"
"Narinig ko sa secretary ni Mommy."
Pumunta kami sa living room para mag-usap.
"Kheyien, alam kong hindi ito ang tamang oras, pero gusto ko lang magkaroon ng peace of mind."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kinakabahan ako kasi babalik ka doon at baka magkita kayo ulit." Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatitig sa akin.
"Please, tell me na babalik ka rito sa Maynila. At sana sa pagbalik mo, maibigay mo na ang sagot mo sa akin."
Nakaramdam ako ng kurot sa puso.
Masyadong mabuti si Raze. Kabaligtaran niya.
Ngumiti ako at pinisil ang kamay niya.
"Don't worry, Raze. Uuwi ako para kay Daddy, hindi dahil sa kanya. Babalik ako rito kung paano ako umalis. Aayusin ko lang ang lahat doon."
Nagliwanag ang mukha niya at hinalikan ang aking kamay. "Salamat, Kheyien. Hihintayin kita."
Eksaktong alas-singko y medya ng hapon nang lumipad kami ni Mommy. Pagdating sa ospital sa Cebu City, dumiretso agad kami sa ward. Ang sakit makita ni Daddy na nakahiga roon at napapalibutan ng mga tubo.
"Dad, please be strong. Nandito na kami," emosyonal na sabi ko.
Bahagyang ngumiti si Daddy kahit hirap na siyang magsalita. "Salamat at nakauwi ka, baby," mahinang sabi niya. Hinalikan ko siya sa noo.
Habang nasa gitna ng operasyon si Daddy, nagpasya muna akong pumunta sa chapel ng ospital para magdasal. Halos isang oras din akong nanatili roon para makahinga nang malalim.
Tumayo na ako para bumalik sa operating room nang bigla akong may nabangga. Sumubsob pa ang mukha ko sa matigas na dibdib ng taong iyon.
"Sorry," hingi ko ng paumanhin.
Akmang lalakad na ako palayo nang may mapansin ako. Isang pamilyar na amoy ang pumasok sa ilong ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at tila napako ang mga paa ko sa sahig. Dahan-dahan akong tumingala para kumpirmahin kung tama ba ang hinala ko.
Parang gumuho ang mundo ko nang makita ko ang mukha niya. Siya nga.
Bakit ngayon pa? Hindi pa nga ako nagtatagal dito sa Cebu, nagpakita na agad siya! Is this a joke of fate? Ang kulay-abo niyang mga mata ay nakatitig nang malalim sa asul kong mga mata. Hindi ako makagalaw.
Plano ko naman talagang makipagkita sa kanya para tapusin na ang lahat, pero hindi ko inaasahan na ganito kabilis. Hindi ako handa.
"Mahal ko," mahina pero paos niyang sabi.
Doon biglang nagliyab ang galit sa loob ko. Ang tawag niyang iyon, parang binuhay lahat ng sakit at galit na itinago ko sa loob ng mahabang panahon.
"And what is the great Derrick Marasigan doing in a place like this?" sarkastikong tanong ko habang nakataas ang noo. Salamat na lang at hindi ako nabulol.
"What else do you think, mahal?"
"Don't call me that!" hindi ko na napigilang sumabog.
Pero imbis na magulat, ngumisi lang siya at ibinulsa ang kanyang mga kamay.
"You haven't changed, Khey. Wild pa rin." Pinasadahan niya ako ng tingin na tila ba binabasa ang buong pagkatao ko.
Napangitngit ako sa galit. Hindi talaga siya nagbago!
"Sabi nang huwag mo akong tatawagin niyan," mariin kong sabi. "Now, if you will excuse me, kailangan ko nang bumalik sa OR. Wala akong oras para sa iyo."
Nilagpasan ko siya, pero bago pa ako makalabas ng chapel, narinig ko uli ang boses niya.
"Kheyien, come back here."
Natigil ang paghakbang ko. Ang tagal ko nang hindi naririnig ang tawag na iyon.
Stop it, Kheyien! Imbis na sumagot, naglakad ako nang mabilis palayo na parang may multong humahabol sa akin.
Hindi ko akalain na makikita ko siya agad.
Akala ko handa na ako, pero mas madali palang sabihin kaysa gawin. Hawak ko ang dibdib ko habang naglalakad sa hallway ng ospital. Ang bigat sa loob.
"Are you okay, darling?" tanong ni Mommy nang makita niya ako. Agad akong yumakap sa kanya.
Kahit bumalik lahat ng sakit nung makita ko si Derrick, walang luhang pumatak sa mga mata ko. Siguro dahil naubos na lahat ng luha ko para sa kanya noon. Napangiti ako nang mapait. Nasaan na ang matapang na Kheyien?
Nagtagal ako ng ilang taon para makamove-on, hindi ako pwedeng bumalik sa dati.
Huminga ako nang malalim at humiwalay kay Mommy. "I am fine, Mommy. Nag-aalala lang talaga ako kay Daddy."
"Magiging maayos din siya. Strong man ang Daddy mo."
"Yes, Mommy."
Pinilit kong huwag nang isipin si Derrick. Pero alam ko sa sarili ko, magtatagpo at magtatagpo uli ang landas namin dito sa Cebu.
At sa pagkakataong iyon, sisiguraduhin kong puputulin ko na ang anumang koneksyong natitira sa aming dalawa.