Chapter 22(I need to hide)

1993 Words
(a/n:"throw your sticks and stones,throw your bounty clothes but you not gonna get my soul..this is the part of me that you never gonna ever take away from me no!!"-part of me by; katy perry) TROY'S POV:     Early in the morning tinawagan agad ako ni Papa. Nasa office na sya and ako nasa higaan pa since wala naman pasok at ang practice ay mamaya pa. "We need to talk when I get home" Then he end the call. Kinakabahan ako sa mga gestures ni Papa na ganun. Sobrang seryoso nya then binabaan nya ko ng phone. It's like there is something really important na sasabihin nya.       I tried to contact Haven pero out of coverage pa din yung phone nya. Lahat ng social media account nya ay naka block na ko even mga mutual friends namin ay hindi ko na ma contact pero I am not giving up.      Nag attempt akong pumunta sa bahay nila pero sa gate pa lang ng subdivision nila ay pinigilan na ko ng guard kasi nag notify na pala si Haven na hwag akong papasukin. Nagpumilit pa ko pero si Haven mismo yung kausap ko sa phone mula sa guard house na ayaw nya talaga kong makita at maka usap or else sa police station ang hantong namin at mag file daw sya ng harrassment.  -------------------------- HAVEN'S POV:      Medyo nakakainis ang pangungulit ni Troy and sana matakot sya sa threat ko at tigilan na nya ko and on the other hand ay magkasama naman kami ni Tristan. Nag thank you ako at nakapag usap na rin kami sa mga nangyari kaya naintindihan ko na yung mga pangyayari. "Kung gusto mo mag stay pa ko ng matagal okay lang sa kin" Insist ni Tristan pero sabi ko: "Hwag na at umuwi ka na" Pero deep inside nagpapapilit lang ako pero gusto ko syang mag stay dito sa amin. Kanina ko pa napapansin na vibrate ng vibrate yung cellphone nya. "Sagutin mo na yung message sa'yo baka importante yan" Saka nya lang inopen yung phone at nag check ng messages. Since komportable kami sa isa't isa ay okay lang sa amin na mabasa yung mga message sa kanya at ganun din sa akin. Si Chloe yung nag text at hindi sya magandang balita.     Biglang nagbago ang mood ni Tristan na mukhang seryoso si Chloe sa sinasabi nyang papakamatay sya? Sabi ko lang kay Tristan: " Arte nya lang yan for sure." "What if hindi?" "Kilala ko yang si Chloe, hindi naman nya yan gagawin. Sira ba sya?"      But then again, I know Tristan and hindi sya mapapakali kapag may iba syang naiisip. So, I let him go. "Sige, puntahan mo na sya" "Sure ka ba? Text mo ko huh" "Yep. I will update you na lang Bye!" Hinatid ko sya hanggang gate namin then I went back inside and check all the notifs sa phone. Puro Tristan at Troy ang nag pop agad sa notifs ko. Yung mga message ni Troy dinelete ko lang and yung number nya.  -------------------------- TRISTAN'S POV:      I rushed to the hospital kung saan tinuro ni Mama, I received a text kasi na nag-tangkang mag suicide nga si Chloe. Tumawag ako kay Mama to confirm yung room. I really don't have an idea kung anong gagawin ko dito kay Chloe. Pagpasok ko ng room gising na si Chloe at ako agad ang gusto nyang makita base kay Mama and kay Kuya. Gusto ko man magalit pero hindi ko magawa dahil sa kalagayan nya ngayon. "Dumating ka na! I knew it Tristan hindi mo ako matitiis" Nanghihinang pagbati sa kin ni Chloe. "Bunso, iwan ko muna kayo" Sabi naman ni Mama kaya tumango lang ako then lumabas na sila ng kwarto. Pagkalabas nila ay naglabas na rin ako ng saloobin ko. Wala syang bukambibig kundi sabihing mahal nya ko. Naiirita akong lalo kapag hinahawakan nya ko.  "Masama bang magmahal Tristan. Kasalanan bang tumibok ang puso ko sa'yo?" Wala akong masabi sa mga siniwalat nya parang nahiya ako na naawa sa katayuan ni Chloe na sobrang hagulgol na namumutla sa sakit. Iyak lang sya ng iyak kahit pinapatahan ko na sya. Sinuntok suntok nya pa ulo nya habang nasigaw ng "Ang tanga tanga ko talaga" Pinipigilan ko sya pero ayaw nyang magpaawat kaya tinawag ko na yung nurse at mabilis naman silang umaksyon at tinurukan ng pampatulog. "Nurse, may Doctor na po bang tumingin sa kanya?" Tanong ko dun sa nag assist sa amin. "Yes po Sir. bukas po ulit sya pupuntahan dito" "Salamat! May findings na ba?" "Base sa record, Anxiety and depression po" -------------------------- ROGER'S POV:      Pagkauwi ko sa bahay ay tinawag ko agad si Troy. Paalis na sana sya papunta sa practice ng basketball. Agad naman syang tumugon sa utos ko at pinapasok ko sya sa kwarto ko para i-konpronta. Nagtataka lang ako na hindi agad sinabi ni Troy sa kin ang tungkol sa pagkatao ni Haven. Pumasok sya at nagtataka kung bakit pinata wag ko sya. "Bakit Papa?" Nilapitan ko sya at sinuntok kaya nagulat kung bakit ko iyon ginawa. Hawak hawak ang parte ng sinuntok ko ay wala syang masabi. "Alam mo na ba dati pa?" Humarap lang sya sa kin at walang sinasabi.  "PA? Anong sinasabi mo? Bakit mo ko sinuntok?" kaya nag taas na ko ng boses ko. "ALAM MO NA PALA NA SI HAVEN ANG HINAHANAP NATIN DATI PA" Garalgal kong siwalat sa kanya ng dahil sa inis ko sa kanya. Dati ko pa sana naisagawa ang mga plano ko at alam kong mala-hito ang batang ito at madulas sa mga kamay ko. Hinintay kong magsalita si Troy. "Yes, Papa alam ko na pero naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon para sabihin sa'yo. " "KAILAN MO PA BALAK SABIHIN?" Natahimik lang sya bigla at ako na mismo ang nagtapos ng usapan namin. "Nasaan si Haven?" "Papa, itigil mo na ito" Dali dali ay lumabas sya ng kwarto at kahit ilang beses ko sya tawagin ay hindi ko sya mapigilan kaya tinawagan ko ang mga guard ng bahay at yung private investigator na kinuha kong magmasid sa kanila. Na hulihin si Troy at inutusan kong ikulong muna sya hangga't hindi sumasang ayon sa gusto ko. Nagpupumiglas si Troy at sa lakas nito ay kinagat nya yung tenga ng nagtatali sa kanya then sabay head bang dun sa isa kaya yung mga guard napa baluktot sa sakit then nakatakas si Troy. "HABULIN NYO!!!!"      Hindi na naabutan ng mga guard si Troy pero alam kong hindi magtatagal ay babalik din yan sa kin. -------------------------- HAVEN'S POV:      Natira akong mag isa ulit sa bahay. Never pa akong nag share kila Yaya Luisa dahil ayoko din silang mag isip masyado. Maya maya pa ay natawag na naman si Troy pero hindi ko si nasagot. Napansin na rin yun ni Ate Cha Cha pero sabi ko lang: "Hayaan mo sya, hindi naman yan importante" then tuloy kami sa pagkain ng dinner.  Sa wakas ay nagawa na sya kaka tawag at palobat na phone ko then nag flood sya ng messages saying: from:troy "Haven,alam ko malaki ang kasalanan ko sa'yo pero sana maniwala ka sa'kin ngayon..tumakas ka na nanganganib ang buhay mo"     Multiple times nya yatang sinend ito sa akin, nakakarindi kaya pinatay ko ulit ang phone ko. Ayoko muna makatanggap ng kahit ano galing sa kanya. Pagka tapos ko kumain ay, inusisa ako ni Ate ChaCha. "Mam, okay lang po ba kayo?" Tumango lang ako then I told them na gusto ko ng privacy. Then umalis na sila. Afterwards, may nag ddoorbell. Akala ko naman si Tristan ay bumalik na agad. In utusan ko si Kuya Tupe na buksan yung Gate pero silipin muna kung sino yun.       Medyo matagal bumalik si Kuya Tupe kaya sinilip ko na on my own kung sino yun and on my suprise si Troy yun.    "Troy, hindi mo ba talaga ko titigilan? At paano ka nakapasok?" "Haven, please! I know na madami pa kong kailangan explain sa'yo. I'm really sorry pero nanganganib ang buhay mo. Please maniwala ka" Nag smile ako ng sarcastic at sinabihan syang: "Maniwala sa'yo?" Joke ba yun? At hindi pa ko nahihibang para maniwala ulit sa'yo. "Please Haven!! Totoo nakipagpustahan ako sa mga barkada ko pero lahat ng effort at pag a alala ko sa'yo. Totoo lahat yun dahil minahal na rin kita" mention a user "Umalis ka na. Bago pa dumating ang mga pulis" "Please Haven!! Don't do this to me. Nasa panganib ka. Maniwala ka" "Ayoko ng maniwala Troy,   Maya maya ay meron tumapat na black na van, lumabas yung mga tao sa loob at sabay sabay nagpaputok ng b***l kaya napa takbo kami sa loob ng bahay at cover cover ako ni Troy habang nakayuko kaming pumasok sa loob. Nilabas naman nila Kuya Tupe at Ate ChaCha ang mga b***l namin at nagpaputok din sila habang si Nanay Luisa ay tumawag na ng back up sa mga guard at pulis. Ilang segundo kaming tulala at ito na yung kinatatakutan ko. Nagtago lang kami sa basement at naghintay na maka alis yung mga taong yun.  TRISTAN'S POV:        Kumalma at naka tulog din si Chloe. Naiwan sila Mama sa hospital at ang Powerpuff sisters na kaibigan nya. Nagpaalam lang ako saglit para mabalikan ko si Haven sa kanila. "PULIS TO! NAPAPALIBUTAN NA NAMIN KAYO. IBABA NYO ANG b***l NYO AT SUMUKO" Naaninag kong may mga sasakyan ng pulis ang mega phone. Ang mga tao sa lugar nila Haven ay kanya kanyang tago sa bahay nila. Tinanong ko yung isang guard na nandoon din at sabi nya may isang van na may armadong kalalakihan ang pinagbabaril ang Chen's Residence. Una kong naisip si Haven. Sumingit pa ko sa mga taong nakiki isyoso sa eksena. May 3 ng nakabulagta pero may ilan pang nakikipag barilan sa pulis at ganun din galing sa bahay nila Haven.      Nag ma out of number yung mga kalalakihan ay bigla silang pumasok sa loob ng van at humarurot ng takbo. Bigla naman itong hinabol ng mga pulis. Sinigurado ko munang wala na yung mga taong yun at sabay akong sumalisi sa mga pulis at pumuslit na makapasok sa bahay nila Haven. "Haven?" Nagulat ako dahil tinutukan ako ng b***l ni Kuya Tupe. "Kuya Tupe, ako ito si Tristan po" May nasaktan po ba sa inyo?" "Ay,Sir ikaw pala. Tara po sa loob" Then sinigurado ni Kuya Tupe na clear ang kaliwa't kanan ng labas ng bahay at kasunod ko na rin yung mga pulis. Pagpasok ko ay niyakap ko agad si Haven at nakita kong nandoon din si Troy. Susugod na sana ko ng suntok sa kanya pero pinigilan ako ni Haven. "Tristan, not now please! May mas importante kong kailangan gawin ngayon" Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko para kay Haven. Dumating yung mga pulis at humingi ng pahayag kay Haven at sa mga kasama nito sa bahay. Ako naman ay nagmamasid lang sa kinikilos ni Troy na panay ang dikit kay Haven.      Pag alis ng mga pulis ay sabay pa kaming nag comfort kay Haven. Nasa gitna sya namin pero sa likod ni Haven ay binabali ko na yung daliri ni Troy at kinukurot naman nya ko. Pasimple lang kaming nag aaway sa likruan nya. Nakatungo lang si Haven na tila na sstress. Bilang umeksena si Yaya Luisa at bigla itong pumaling kay Yaya Luisa at niyakap nya ito.      Nagkatinginan na lang kami ng masama sa isa't isa ni Troy na halata mong naiinis talaga kami isa't isa. Gusto kong bangasan na mukha nitong si Troy pero ayokong maging insensitive sa sitwasyon ni Haven ngayon. Madami na syang naiisip.        Ilang minutong katahimikan sa loob ng bahay nila Haven then pumasok na sya sa loob ng kwarto kami naman ni Troy at pinauwi na ni Yaya Luisa. Nagpumilit pa si Troy na mag stay pero pinigilan ito ni Kuya Tupe at sinabihan na: "Sir Troy, pagod na po si Mam hayaan na muna natin sya. kami na pong bahala. Ako naman nag paalam na: "Sige po, balitaan nyo na lang po ako" sabi ko kay Yaya Luisa then hindi ko na hinintay lumabas si Troy at umuwi na rin ako. Pero nangako ako sa sarili kong ba balikan ko si Haven at itatago ko sya. continue reading.. And don't be shy to vote or comment if you have suggestion thank you!! :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD