Chapter 16(Chloe's failed plan)

2132 Words
~//~and I will always love you deep inside this heart of mine I do and I will... ~//~ CHLOE'S POV: Natuwa ako sa lakad ko ngayon at nakuha ko na rin ang loob ng pamilya  ni Tristan. May isa na lang na hadlang at si Haven yun. Sisiguraduhin kong sa mga gagawin ko sa kanya ay hindi na sya magtatangkang lumapit pa kay Tristan. "Ghorl, ano na?" Sabat ni Blossom sa moment kong yun. Isa sya sa triplets dito sa campus. Madalas ko silang kasama. Tinignan ko lang kasi hindi ko naman kailangan magpaliwanag sa kanya. Alam na nya yung tingin kong yun kaya tumahimik na lang din sya. "Sige,tahimik na ko" Huling litanya ni Blossom bago dumating yung dalawa pa nyang kambal. "Hi, Chloe! Mukhang masaya ka ah. Anong meron?" Bungad naman ni Bubbles sa kin na sabik na sinalubong yung mga kambal nya na tila mo ang tagal nagkahiwalay. "Kasi malapit ng mapasa akin ang dream hubby ko" Confident kong sagot sa kanila. "Sino naman yung dream hubby mo?" Singit naman ni buttercup na kasalukuyang naglalaro ng games sa phone nya pero may pagka chismosa din kaya gustong malaman kung sino yung binabanggit ko. Konting ma suspense then sinabi ko din na si Tristan yung binabanggit ko. Pagkabanggit ko sa kanila hindi ko gets pero tinawanan lang nila ko kaya kumunot ang noo ko at sasagot na sana pero sige lang pagbigya ko itong mga ito ngayon. Matagal na rin kaming magakakasama and turing ko silang personal assistant ko since madali silang mautusan. "Bubbles, nauuhaw ako paki bili mo nga ako ng juice yung dalandan flavor, Dapat malamig at buo pa ang yelo" Unang utos ko sa kanya at syempre takot lang nyan sa kin kaya alam kong susunod agad yan sa kin. "Sige, Chloe, ibibili kita now na" Sagot naman agad ni Bubbles. "Ay,teka.parang may kulang pa yata?" Pahabol ko sa kanya. "Ano yun pretty Chloe?" Natutuwa talaga ko kapag nauutusan ko itong mga ito atleast nabawasan na ang gawain ko at nakaka tulog pa ko. "Sige" Response nya dun pinag uutos ko. Pabalik na rin sila sa classroom namin at magsisimula na yung next class namin. "Wait lang. Nakikita mo yung basurahan na yun?" Tinuro ko kay Buttercup yung gusto kong icheck nila "oo naman..sus!!ang laki kaya para hindi ko makita" Confident na sagot ni Buttercup sa akin. "Alam ko pero ang gusto ko yung laman ng basurang yan ilagay mo sa locker ni Haven at hwag mong sabihin na ako ang nag-utos sa'yo maliwanag ba?dapat walang makakita sa'yo Malinaw Buttercup? My first evil plan at simula pa lang yan. Medyo umatras si Buttercup at hesitant na gawin ang pinapagawa ko sa kanya. "HUH?? Bakit ko naman gagawin yun?" Sagot ni Buttercup ng may pag aalinlangan na gawin. "Kasi inutos ko. Kanino ba ang loyaylty mo?  Sa akin o kay Haven?" Rebutt ko sa kanya then pinush ko na sya palapit sa trash can. "Sa'yo syempre" Nakatungong sagot nya habang unti unting lumalapit sa trash can. "Gawin mo na kasi habang wala pang tao" Sulsol pa ni Blossom na halatang ayaw mapagalitan ko. "HAYST! Sige na nga" Pagsunod ni Buttercup na parang napilitan. "Good! Oh ayan na si Bubbles magtulong tulong na kayong ilipat ang basurahan na yan sa locker ni Haven" Utos ko sa kanila. "Tara na" Pag aaya ni Buttercup ------------------------------------------------ (@ hallway going to Haven's locker) BUTTERCUP'S POV: "HAYST!! Kailangan ba talaga natin gawin to?" Pa reklamo kong tanong sa mga kapatid ko. "Oo naman. Baka nakakalimutan mo pinapa-aral tayo ng pamilya nya" Sagot ni Blossom "Hanggang kailan tayo ganito?" Sabat naman ni Bubbles na agree sa akin "Hanggang kailangan natin.  Susundin natin sya"-Sabi naman ni Blossom, bilang panganay sa mga kambal sya ang sinusunod namin. Tumahimik na lang ako at nag tiis sa mga pinapagawa nya sa amin. Nakayuko lang ako at talagang ayokong gawin ito kasi parang sobra na yung pinapagawa nya pero yung dalawa kong kambal pusigidong tapusin yung utos sa amin. Biglang napatigil sa pagbubuhat si Bubbles. "Bakit ka tumigil? Bilisan mo na para magawa na natin to" Sabi ko sa kanya. "Tingin ko hindi na natin to magagawa ayan na yung prof natin" Sagot nya sa kin sabay turo sa direksyon ng prof namin. "Patay hindi dapat tayo ma-late. Iwan mo na yan tara na sa room" Pag aya ko sa kanila at dali dali naman silang sumunod sa akin. Ito kasi yung prof namin na masungit ayaw sa late at nang babagsak. Tahimik lang all the time si Blossom hindi ko alam kung bakit. ----------------------------------- ------------- HAVEN'S POV: Just walking by sa hallway papunta sa room. Ito na siguro yung pinaka exciting na araw na babalik na ko sa same school. Parang himala ang makabalik sa same school at hindi na muna ko lilipat baka mag taka si Troy kung aalis ako di ba. All of a sudden may nakabunggo ako. Hindi ko alam kung sinadya o masikip lang ba talaga ang daan? "Sorry miss" Nag sorry na lang ako then tumalikod sa kanya. "What? How dare you to ruin my bag?" Sabi ni ate girl. "Luh. Sorry nga di ba. Ang lawak ng daan oh. Ikaw yata yung naka bunggo sa kin saka kilala ba kita?" Pagtataray kong sagot kay ate girl. "OMG!! How dare you not to recognize me?" Ang arte ng pagkakasabi nyang yun kaya patalikod na ko para alisan sya pero hindi ko mapigilang sagutin sya. trigger nya ko ih. "Wait! Do I need to recognize every people I met in this campus?" Sagot ko with conviction at trigger nya talaga ko. "Let me introduce myself I'm Chloe Mendez junior high, Actually classmate tayo sa isang subject and most important to know is that I am the future wife of Tristan Mendoza.Copy??" Estupadang sagot ni ate girl. Unbelievable na meron talagang mga girls na hibang kay Tristan and of course, hindi ko naman sila masisi at mabait naman talaga si Tristan. While hearing that, pinalagpas ko na lang at ayoko ng patulan pa ang kahibangan ng babaeng ito. "So, if you don't mind, paki iwasan si Tristan ko" Pagbabanta ni ate girl. "You know what, wala akong time makisali sa fancy dream mo okay? Best friend ko si Tristan and I don't care about his personal life okay?"  ------------------------------------------------ CHLOE'S POV: Pinipilit kong hindi ipakita sa kanya ang inis ko dahil ayokong mag mukhan kontrabida kapag nalaman ito ni Tristan. Dapat ako yung lumabas na kawawa dito kahit gigil na gigil na ko. Pagbalik ko ng classroom ay sinalubong agad ako ni Blossom. "Anong problema?" Tanong ni Blossom "Naiinis ako kay Haven"  "Bakit anong nangyari?" Pag uusisa pa ni Blossom sa akin. "Sinong kaaway mo dyan?" Biglang singit ni Bubbles "Ayun sya oh. Di ba presensya pa lang nya nakaka gigil na" Tinuro ko yung pwesto ni Haven para kilala na nila. "HUH? Yung teacher mo sa math? Bakit biangsak ka ba?" Maling singit naman ni Buttercup "Hindi sya!! Ayun ooh*turo ulit sa malayo" Ang hirap talaga kausap kapag mga slow. tagal maka pick up. "Whaat?? Pati ba naman janitor kaaway mo?" Confident na sagot ni Blossom na akala mo nakuha na nya yung tamang tinuro ko. "Arrgghh! Hwag na nga wala na rin naman sya. Si Haven yung binabanggit ko" "Sya lang pala"Sabay sabay nilang sagot. "Nagawa nyo na ba yung pinapagawa ko?"- Follow up ko sa kanila since mag end na yung klase at lahat kami magpuntahan na sa locker. "HUH? Hindi pa" Unang sumagot si Bubbles "Ano kasi papunta na kami tapos..." Singit naman ni Buttercup "Ang simple lang ng utos ko hindi nyo pa magawa? Kastress kayo huh"  "Sorry" Plead nilang tatlo sa akin. "Sorry is not enough, Dahil dyan may ipapagawa ulit ako sa inyo pero sana this time magawa nyo ng tama huh" Pag uutos ko sa kanila. Face of a regret lang yung nakita ko sa kanila pero alam ko naman na hindi sila tatanggi sa kin. Takot lang nila sa kin.  "This is what your going to do..Dahil magkakasama naman tayo next subject so ito yung gawin nyo okay" Pinulong ko sila sa sunod kong plano. "Okay" Matamlay nilang sagot "Hanapin nyo yung bag ni Haven tapos ilagay nyo itong cellphone ko sa bag nya para lumabas syang magnanakaw sa school at para mapahiya sya" Then nilabas ko yung phone ko at inabot sa kanila. "Whaat?? Ayokong gawin yan" Pagtanggi ni Buttercup sa akin. "Sinusuway mo na ko? Gusto mong mag-sumbong ako kay Mama at alisin ang scholarship sa inyo?" Pagbabanta ko sa kanila. "Wait! Nagbibiro lang si Buttercup syempre gagawin namin yan" Sagot naman ni Blossom at si Bubbles naman ay nanahimik na lang sa isang tabi. Inabot ko yung phone ko kay Blossom at naghahanda na kong mag pretend na nawawala sya mamaya. Pinalakad ko na sila at nag galit galitan ako para matakot. ------------------------------------------------ (@ classroom) BLOSSOM'S POV: Kinakabahan ako deep inside pero inutusan ko pa ring gawin namin ito. Si Bubbles bilang lookout at si Buttercup ang naghanap ng bag at ako naman ang maglalagay nc cp ni Chloe sa loob ng bag. "Sige, Let's do this ng mabilisan habang walang tao" Tumango lang sila sa akin kahit napipilitan lang. *krrrrrriinng--kkrrinng* "Hala! Nag-bell na ilagay mu na" Nataranta kaming tatlo kaya nagmadali kami. "Eto na" Sa kaba ko ay nadulas ako at nahulog yung cellphone sa aquarium. Kukunin ko sana pero nagpasukan na yung mga classmate namin kaya umupo na lang kami at tumahimik na parang walang nangyari kunwari. "Patay na tayo" Yan na lang ang nasabi ko at nagkatinginan na lang kami sa isa't isa habang pabalik sa mga upuan namin. "Nataranta ko" Sagot ko sa kanila na parang kulang na lang sisihin ako ng matindi sa nangyari. "TSK!TSK!" Napapailing na lang si Buttercup at si Bubbles. Dahil nakokonsensya ako sa nangyari ay hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko. "Hayaan mo na dyan. The damage has been done hayaan nyo na lang hanapin ni Chloe yan mamaya..gusto nya yan di ba" Sagot naman ni Buttercup. Napayuko na lang ako sa hiya sa mga kapatid ko. "It's my fault. Hayaan nyo ako na lang mag-eexplain kay Chloe" Sagot ko sa kanila at dahil ayokong madamay sila sa pagkakamali ko. "Upo na tayo ayan na sila, Mamaya natin yun isipin" Sabi ni Buttercup CHLOE'S POV: Tumingin ako sa gawi ng kambal na powerpuff at sumenyas kung nagawa nila pero hindi sila  namamansin kaya dedma lang muna ko. "Okay class sit down.Our lesson for today is about..." Mag uumpisa na yung klase kaya gagawa na ko ng eksena dito. Bigla akong nag taas ng kamay to get his attention. "Yes,Miss Mendez?" Tanong ni Sir sa kin. "Sir nawawala po yung phone ko. Nandito lang po yun kanina tapos nawala na" Paawa voice pa ko para convining. "Miss Mendez, Baka na misplace mo lang. You should be responsible with your personal belongins" Sagot ni sir. "Hindi po Sir. Yes, I am responsible po sa mga gamit ko kaya nga feeling ko kinuha yun. Hindi ko naman po yun nilabas dito" Sagot ko kay sir habang kunwari naghahanap pa din sa bag ko. "Mahirap magbintang Ms. Mendez. Hanapin mong mabuti para makapag proceed tayo sa class" "I am positive po na hindi sya na misplaced kundi may kumuha nun. Pwede po bang pakicheck ng bawat bag? To make sure lang po. Importante lang po yung laman ng cellphone ko please po Sir" Inisa isa ko yung bag ng classmates ko pero ni isa sa kanila walang nakuhanan ng cellphone ko lalo na kay Haven kahit pang limang kalughog ko na ng bag nya.  Kaya tumingin ako sa powerpuff girls na may paghihinala pero hindi sila natingin ng direkta sa kin. "Wala sa kanila Ms. Mendez, Try mong tawagan ang number mo?" Suggest ni Sir na dinial ko sa phone nya. Nag riring pa then hinihintay kong mag ring banda kay Haven pero wala doon. Nagtaas ng kamay si Bubbles at tinuro yung phone ko na nag riring sa loob ng aquaruim na punong puno ng tubig habang pinalilibutan ng mga gold fish. "Ayun po yung cellphone ni Ms. Mendez,ako po ang may kasalanan bakit napunta doon" Sagot ni Bubbles. Na shock ako sa nangyari dahil wala naman sa plano yun. "Hindi po. Ako po talaga may gawa nun" Sabat naman ni Blossom "Blossom and Bubbles, follow me to the guidance office" Sabi ni Sir then tumayo nga sila then ako naman dinukot sa aquarium yung cellphone kong basang basa pero nagana pa naman ng konti. "Isama nyo na rin po ako. Kasama rin naman po ako sa ginawa nila" Pag sunod ni Buttercup sa mga kakambal nya. Napapa iling na lang ako hindi sa pagkaka hulog ng phone ko sa aquarium kundi sa kapalpakan nila. Bigla naman lumapit si Haven sa akin. "Okay ka lang Chloe? Sayang naman yang phone na yan" Pang aasar ni Haven sa kin. "HINDI !! I can buy thousands of phones. It's your fault" Inis kong sagot sa kanya then hinarap ko yung phone kong basang basa. "Fault ko?? Anong kinalaman ko sa phone mong nag-dive sa aquarium" Rebutt nya sa kin. "Ah, Ganun sumasagot ka na" Pagmamataas ko sa kanya then nag chant na yung mga classmates ko.  "FIGHT!!FIGHT!!FIGHT!!FIGHT!!" Chant ng mga classmates namin since wala nga yung prof namin that time. (a/n: Halaaa !! Abangan ang susunod na laban) If you like it then show it by clicking the star. Salamat   :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD