CHAPTER 7 (May enemy triangle?)

1701 Words
TROY'S POV: (@D.O.G. tambayan) Pagkatapos ng intrams ay muling nagtipontipon ang mga DOG o Department of Gwapo members in short mga barkada ni Troy sa kanilang tambayan. Doon ako naghimutok ng aking pagka inis kay Tristan. Sobra ang pagka dismaya ko ng dahil sa lalaking yun kaya pati itong nananahimik na lata ng softdrinks ay napag diskitahan kong sipain ng malakas, muntik pang tamaan si Kyle ng bigla syang dumating sa direksyon ng pinagsipaan ko ng lata. "WOOOOH! muntikan na ko dun ah. Mukhang mainit ang ulo natin ah." Sabi ni Kyle  "Oo nga pre, Bakit ang init ng ulo natin ngayon?" Gatong pa ni Mark Hindipa din ako nagsasalita, patuloy lang ako sa pagparito at pagparoon kaya sinita na rin ako ni Charles.  "Ano ba yan pre? Nahihilo  na kami sa'yo. "May naiisip akong plano" Sabi ko sa kanila habang nagpapatunog ako ng aking mga daliri. "Ano na naman ba yan Troy?." Sabi naman ni Christian na wala naman sa usapan ang atensyon. "Ano naman balak mo?" Tanong ni Kyle "Basta, makikita nyo na lang."  Hinugot ko yung panyo ko sa bulsa ko at doon nahulog yung lumang picture ng isang bata. Napulot naman yun ni Mark kaya nagtanong ito sa akin. "Pre,Sino naman to?." Tanong ni Mark then binalik nya sa kin yung picture. Hindi ko sya sinagot ng direkta bagkus nagsinungaling ako na kapatid ko yun at matagal ko na syang hinahanap. "WOW! May kapatid ka pala. Bakit hindi mo na kwento sa min yan pre?" Sambit ni Charles. Umismid lang ako at sabi ko na lang na matagal na kasi yun at wala naman relevance kung out of nowhere ikwento ko sya di ba. Alam kong nagtataka pa rin sila pero ayoko munang malaman nila yung history namin, Hindi dahil baka mapahiya ako kundi dahil may malaking lihim ang batang ito. "Ito lang picture ng ate ko kaya nasanay na kong palagi ko syang dala sa kung anumang damit ang isuot ko". "Maganda sya. Sayang naman sana jinowa ko na yang ate mo". Pagbibiro pa ni Mark Nagtawanan lang ang lahat ng asarin nila si Mark na mahilig talaga ito sa mga mas matanda pa sa kanya. FLASHBACK> Isa ang pamilya ko sa nagmamay ari ng isang kompanya kung saan ako lang ang nag iisang tagapag mana nito pero ang Tatay ko ay may kondisyon para ipamana nya ang kumpanya sa akin.  Isang araw ay nagkaroon kami ng pag uusap ni Papa kung saan ay pinipilit ko na syang ipasa ang kumpanya sa akin pero sa isang kondisyon na babago ng buhay ko.  Ang sabi ni Papa, willing syang ibigay ang lahat ng pinahirapan nyang kumpanya sa isang kundisyon lang. Nagulat ako sa kondisyon na yun dahil alam kong tutparin ni Papa na hindi ibigay ang kumpanya kapag hindi nasunod ang gusto nya. "HAHAHA!! Anak, You think I will just leave it with you so easy. Hindi mo ata alam na madami akong sakripisyo at hard work bago maging ganyan ang kondisyon ng negosyo natin." Litanya ni Papa.  Ganyan si Papa pagdating sa negosyo napaka competitivve lahat gagawin nya to win it kaya mahirap banggain si Papa kahit akong anak nya ay hindi nya pinapatawad pero yan din yung natutunan ko sa kanya that is why I am like this ngayon. "Sino at ano pa bang kinakatakutan mo sa negosyo mo? Lahat naman ay na beat mo na" Sagot ko sa kanya. "Except for one. At ito ang tatandaan mo anak, Sa negosyo laging may kalaban kaya hwag kang magtitiwala agad at laruin mo lang sila hanggang sa makuha mo ang gusto mo". Ayan ang turo sa kin ni Papa na tumatak sa isip ko hanggang sa paglaki ko. May pinakita si Papa na picture ng pamilya at sabi ni Papa sila yung biggest threat at kalaban namin pero sabi din nya sa kin na nalinis na nila yun except sa anak nito. Isang batang babae. "Ano pong meron sa kanila at anong pangalan nya?" "Hindi mo kailangan malaman anak pero ito lang ang gusto kong tandaan mo na hindi sila mapapagkatiwalaan. Isa sila sa dahilan kung bakit muntikan ng mawala ang lahat ng pinaghirapan kong negosyo" Kwento ni Papa sa akin na para lang nag kkwento ng fairy tale para patulugin ako. He seems so serious kaya I also take it seriously as well. "I will do everything para lang sa kumpanya, sa pamilya natin at sa pera. Kung meron ka ng mga yan then consider yourself successful bonus na lang ang mga babae madaling lang naman sila makuha." I learned a lot from my father, ito yung pinamulat nya sa akin at ito yung bumuhay sa akin at sa amin and I don't question my father about it. "Kung gusto mong maging CEO ng kumpanya then gawin m angB lahat ng pinagagaw ko sa'yo"  "Yes po. Papa"  "That's my boy" kantsaw sa kin ni Papa sabay akbay sa kin. May inabot sya sa kin na picture. Solo picture ng isang bata. Nagtaka ko kung sino ito. Sabi lang ni Papa anak ito ng kalaban namin sa negosyo at ang gusto nyang ipagawa sa kin ay ang hanapin ang batang ito at dalhin sa kanya death or alive. But I am still young that time, Anong alam ko sa paghahanap ng isang taong hindi ko naman talaga kilala. Sa isip ko, imposibleng mahahanap ko ang babaeng ito pero everytime na nag ffollow up si Papa sa akin no choice ako kundi sundin sya. "Kamusta ang paghahanap?" Ayan palagi ang litanya ni Papa sa akin which sometimes nakakasawa na pero ang motivation ko ay ang CEO position. I really wanted it that is why I will do anything to get it. I always have the assurance naman once magawa ko yun ay ibibigay nya sa kin yung company which  I really longed to have it and of course it will make me more famous at pagkakaguluhan if at my age ay CEO na ko ng isang company. "If you need help. Nandyan ang mga tauhan ko." Alok ni Papa sa kin. I started a plot which took me so long but hoping it will work. HAVEN'S POV: I literally can't believe Tristan was my first kiss. Oh my gulay!! Siomai !!! Pwede bang maging invisible na lang ? Yung tipong bigla ka na lang mawawala. Pwede ba kong matunaw sa hiya o mag-belo o kya naman mag-change ako ng identity ko, Gayahin ko kaya si Micheal Jackson. I dunno what to do! Pusang gala kasi bakit pa nangyari yun. Nakakahiya talaga. Mixed emotion, hindi ko alam paano pa ako haharap sa kanya. Ano na kayang iniisip nya? Ano kayang ginagawa nya ngayon? Bakit ko ba iniisip? Nakuu! ang hirap namaaaan. I ended up my day thinking about him.  TRISTAN'S POV: After that event I would say na wala akong pinagsisishan kung pwedeng ma kiss ko ya ulit okay lang pero ang tanong ganun din kaya yung nararamdaman nya? Papasok pa kaya si Haven? After what happened to us?? Nakakahiya ako hindi kasi ko nag-iingat .I need to deal with it. Whatever happened walang magbabago sa min.  Ayokong mawala yung friendship namin at ayokong mawala ulit sya sa akin kasi importante sya sa buhay ko. Sana sa mga susunod na araw maging okay lang ang lahat at sana mawala na yun. Limutin na lang na kunwari walang nangyaring ganun. HAVEN'S POV:  I need to hide somewhere..sige dito na lang sa isang sulok. Ayoko ng magpakita kahit kanino. Grabe! sobrang hiyang hiya ako. Hindi ko alam kung bakit sobra na kong nagtatago pero nakikita pa rin nila ko. Ayun nga nakita ko ni Troy na pagilid gilid sa tabi at binati nya ko. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti ng bahagya para hindi halata. "Uy, ikaw pala, nagmamadali na ko so, bye!!." "Wait don't leave me. Gusto ko lang ng may ka kwentuhan" Pagpigil nya sa akin. Seeing his face like that. Naku! ang isip ko na naman ay gumagana ng ano ba itong temptation na ito ang hirap pakawalan kaya I stayed with him. "Thank you for staying." Ngumiti lang ako ng konti at nakinig sa mga kwento nya, actually it really bores me na pero nahihiya din naman akong iwan sya o kaya hindi ko alam kung anong idadahilan ko. "So,tell about yourself your likes,dislikes? Anything, I want to know you more.  "Wala naman masyadong interesting sa akin kaya nga nagtataka ko bakit pinansin mo ako"  "Luh, Bakit naman hindi di ba" Sabi nya sa akin kaya I share some of my story pero hindi lahat. Hindi ko na din napansin na tumatagal na yung pag uusap namin. Nagcheck ako ng cellphone para tignan kung anong oras na then I saw na may missed call from Tristan at text.  Rereplyan ko na sana sya pero nakita ko nandito na rin sya sa school. Not seeing this happened na magtagpo ulit sila Tristan at Troy at syempre ayokong mag isip si Tristan na may something sa min ni Troy at ayoko din isipin ni Troy na binabasted ko sya(clarify lang pala, walang ligawan dito). "Hi Tristan! Nandyan ka pala" Banat na bati ni Troy kay Tristan. "Hi! Tristan, Akala ko unuwi ka na"  "Nagtext ako sa'yo but I guess your busy with this guy kaya pala hindi ka nag reply." "Hwag kang mainggit Pre, you have your chance but for now kami muna ni Haven" Pang aasar na sagot ni Troy kay Tristan. Alam kong mag susuper saiyan na itong si Tristana and I don't want to witness it. Alam kong mainit ang dugo nitong si Tristan kay Troy kaya this time aawatin ko na sila. I can imagine that if they are anime nakikita ko ng nag aaway sila at nag hahame hame wave at yung isa ay nag kagebunshin technique na. "Pre, ayoko ng away dito okay. Hindi yan maganda lalo na sa harap ng dilag na ito."  "Talaga ba? Pwes,layuan mo si Haven. Alam ko yang mga galawan mo kaya hwag mo ng idamay si Haven sa kalokohan mo."  May Clash of Cuties dito, ang gwapo naman nila mag away nakaka enjoy manood. Pero sobra na, kaya inawat ko na silang pareho. Sinabihan ko silang para fair wala akong sasamahan sa kanilang dalawa until magbati sila sa harapan ko.  "SORRY HAVEN!!" sagot agad ni Tristan.  Nag walk out ako at this time sinabihan ko silang hwag susunod sa kin at ayusin nila yung sarili nila. I am not the typical girl na dapat nilang pag awayan ng ganito. Sa teleserye lang yun w*****d kaya ito. DUH!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD