TRISTAN'S POV:
"Grabe!! Another year na? This is it birthday na ni Haven bukas meaning pwede ko na syang ligawan pero naalala pa kaya nya yung promise namin sa isa't isa? Natotorpe ako sa kanya baka ma busted ako?Paano ko malalaman ang nararamdaman nya para sa'kin,liligawan ko ba sya o hahayaan ko na lang??
HAVEN'S POV:
(@Chen's house)
Aiszt!! Debut ko na bukas sobrang tagal kong hinintay ang panahon na to pero hindi na ako masaya hindi na ko excited kundi lungkot at sakit ang nararamdaman ko everytime na magbbirthday ako lalo na ngayon na debut ko na.My birthday won't be the same without them. No more dream debut,wala naman si Mama para magsabi sa'kin na maganda ako at si Papa na lagi kong kalaro.Wala na! Wala na talaga kaya hahanapin ko ang pumatay sa magulang ko kahit saan at kahit anong paraan. huhuhuhuhu!
~//~just close your eyes the sun is going down you'll be alright,no one can hurt you now come morming light you and I are safe and sound(safe and sound by:taylor swift)~//~
(The next day)*tiktilaok....tiktilaok..heypii bertdei*
YAYA LUISA'S POV:
"Dalaga na ang alaga ko*teary eyes* Yoli"
"Oh bakit ka naiyak.may namatay ba?"-ate yoli
"Dalaga na kasi yung alaga ko baka mag asawa na yun tapos magka anak tapos iwan na tong bahay na to tapos paalisin na tayo kasi hindi na tayo kailangan tapos."
"Tama na!Ayan ka na naman nanay luisa sa pagiging paranoid mo keribels lang yan hindi tayo chuchurvahin ni mam haven" Singit ni cha-cha sa usapan namin.
"Oo nga naman!anong almusal gutom na ko" Biglang dating na rin ni Kuya Karding galing sa paghahardin nya sa labas.
Kagaya ng nakaugalian ay palagi kaming sabay kumain sa almusal nila Mam Haven pero sa araw na ito hindi namin sya nakitang lumabas ng kwarto kaya pinatawag ko sya kay Cha-Cha pero tumanggi itong kumain at busog pa daw sya. Nag aalala naman ako sa alaga kong yan. alam kong nalulungkot sya sa araw na ito dahil wala na ang mga magulang nya kaya nandito lang kami para samahan sya.
TRISTAN'S POV:
Kanina pa ko dito sa school at hinahanap ko kung nasaan si Haven.Mukhang hindi sya pumasok. Bakit kaya hindi sya pumasok? Dahil ba birthday nya? Exclusive talaga sya.parang holiday ang birthday nya. Sayang naman may sasabihin pa man din ako sa kanya at may ibibigay ako sa kanya pero sige lang para mas prepared ako hintayin ko na lang syang pumasok ulit.
HAVEN'S POV:
(@Chen's house)
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU,WE BELONG TO THE ZOO,I'M THE MONKEY,HE'S THE DONKEY,THE GORILLA IS NANAY LUISA!!!Mam happy birthday po" Bungad sa kin ni Kuya Joey, palagi talaga nila kong naaalala kahit alam nilang hindi ako mahilig sa mga ganito.
"Kung ako gorilla ikaw anak ni kingkong !!haha!!" Sagot naman ni Yaya Luisa sa biro ni Kuya Joey.
"Wahaaahahahahaha!! Ang lakas ng tawanan nila kaya natuwa na rin ako sa effort nila at ayoko naman sayangin ito.
"Nakakatuwa naman po kayo nag-abala pa talaga kayo wala rin naman po akong balak mag-celebrate ng birthday ko.Para saan pa wala na rin naman sila Mama at Papa"
"Bakit naman po mam? Andito naman po kami.Para po sa inyo itong lahat ng ito at sana maging masaya ka mam" sabi ni ate Cha Cha sa akin kaya lalo akong na-touch sa pag aalaaga nila sa akin. Napaka loyal nila talaga at maswerte ako doon.
"Hala! okay" Yun lang nasabi ko kasi hindi talaga ko showy sa feelings ko lalo na sa kanila.
"YEEEEEEY!" They all cheered up kasi napasaya nila ko at ganito nabubuo ang araw araw ko kahit deep inside I am in pain pero nakakalimot paminsan minsan kapag kasama ko sila sa journey ko.
"Thank you po" Natouch talaga ko sa effort nila.
"Welcome po Miss Haven" Sagot nila sa akin na may ngiti sa kanilang mga labi kaya nabubuhayan ako ng loob kapag nakikita ko silang masaya and I guess hind na rin masama na mag celebrate ng birthday ko today. Ganito din naman siguro ang gusto talaga nila Mama at Papa. Now that I am 18. Hindi na ko ang dating batang naulila..Ako na ang batang maghahanap ng hustisya sa mga magulang ko. 11 years na ang nakaraan wala pa ring resulta sa imbestigasyon kaya ako na lang ang gagawa ng paghahanap. Pagbabayarin nila ang ginawa nila sa pamilya ko. Hindi sila makakapag tago sa akin at titiyakin kong sila mismo ang magmamakaawa sa buhay nila.
"Mam,ano pong iniisip mo? Tara kain na tayo ng niluto namin para sa'yo" Bigla akong nilapitan ni Yaya Luisa.
"Huh? Mga plano sa buhay Yaya. Dahil ngayon nasa right age na ako". Sagot ko sa kanya
"Alam ko na po yan. Kasama ba dyan ang paghahanap sa pumatay sa parent mo?" Kilala na talaga nya ko. Ngumiti lang ako at hindi na sinagot pa si Yaya Luisa. Nagpunta na kami sa dining area at kumuha ng pagkain.
"Mam,ipaubaya na lang natin yan sa mga may otoridad at sa Diyos na sya naman ang nakaka alam ng lahat" Hindi talaga ko pala sagot pero pagdating sa parents ko defensive ako.
"Batas?Yaya? Simpleng holdaper nga ang tagal nilang mahuli eto pa kayang bigating tao na pumatay sa magulang ko.Ilang years na ba ang dumaan?Wala pa ring lead kung nasaan sila. Sa palagay ko nga nasulpalpalan na sila ng pera kaya tumahimik na".
"Ipagdasal na lang natin sila Mam Haven" Sagot ni Yaya Luisa.
"Tapos na ako sa panahong yan at ngayon ako naman ang bbwelta. Hwag kang mag alala Yaya alam ko naman ang ginagawa ko".
"Nandito lang kami para sa'yo Mam Haven".
"Salamat po" Sabay yakap sa kin ni Yaya Luisa at tila naluluha na rin sya. Si Yaya Luisa na talaga ang second nanay ko ever since kaya ang swerte ko sa kanya. My day went by at lahat kami nabusog, lahat nag enjoy at lahat kami tahimik ng nagbalikan sa kanya kanya naming kwarto. Habang nagliligpit si Yaya Luisa ay niyakap ko din sya , hindi nagsalita ng ilang segundo. Nanginginig at hindi ko na maitago bigla na lang akong umiyak sa kanya.
"I miss them so much Yaya" without any words. Her warm hug embraces me without a single word on that moment I felt a warm love from a mother to her children which makes me cry more. Alam kong hindi ko na maibabalik ang dati pero alam ko ding may magagawa pa ko para baguhin ang future. I am still holding on the grudges ng pagkawala ng parents ko and at this moment. "HAPPY BIRTHDAY TO ME" this is the new beginning of a lifetime.