CHAPTER 1 (Welcome to Junior High)

1445 Words
CHAPTER 1 (Welcome to Junior High) Prologue: "Love?? Ano nga ba yun?? para sa'yo ano nga ba ito? Kinalimutan ko na yan simula ng mawala ang mga taong mahal ko. Pero paano kung may makilala akong isang tao na magpapabago sa tunay na kahulugan nito. Ano bang mas nangingibabaw maghiganti o magmahal?" gagawin ang lahat makamit lang ang inaasam na paghihiganti. bakit nga ba ako nagkaganito?  CHAPTER 1 (Welcome to junior high !!!) Haven's POV: ~//~" I can feel the pressure it's getting closer now..~//~ (Pressure by: Paramore) Ala siete na ng umaga, ang bigat ng katawan ko,ayokong kumilos dahil unang araw ko na naman sa bagong school minsan nakakapagod pero kailangan para kila Mama at Papa at para na rin sa buhay ko. Pang pitong school ko na ito para maitago ang identity ko, nasanay na rin ako s ganitong buhay kasama ang yaya ko. Pagbukas ko ng closet naka handa na yung bago kong uniform at bagong plansta na rin. konting unat at hikap at mag aayos na ko. Sa araw araw, ang kanta ng Paramore ang kasama ko. Araw araw nabibingi din si yaya sa lakas ng patugtog ko. Rakistang maituturing ang peg ko. Nag iisang anak pero hindi masabing spoiled kasi wala naman nang sspoil sakin, tahimik at may sariling mundo sa ganyan ako nag eexist, walang permanenteng kaibigan at lalong walang barkada. School at bahay lang ang pinupuntahan ko. Oo, sabihin nyo ng boring ang buhay ko, buhay ko naman to di ba. "mam!! Mam...mam !!! mam Haven !!!" sumisigaw na naman si  Yaya Luisa. "huh?? May natawag ba sa'kin??" "mam...mam..mam Haven"  napatingin ako sa may pintuan at napansin kong may nakatok pala. Si yaya luisa, kanina pa pala nakatok. sa lakas kaasi ng tugtog ko hindi ko sya marinig. Pagbukas ko ng pinto, bumungad nga sa kin si Yaya Luisa na hingal at namamaos. "oh yaya kanina ka pa?" Parang mapuputulan ng ugat sa lalamunan si Yaya Luisa. Hindi ko alam kung matatawa ko o maaawa pero kinausap ko lang sya saglit. Si Yaya Luisa, parang nanay ko na yan. Kasama na namin sya sa bahay eversince hindi pa nga ako buo nandito na sya. "aiy!! Hindi po mam ngayon lang ako dito. hindi pa naman namuo ang ugat ko sa lalaugan ko at hindi pa ko paos kakasigaw dito sa labas ng kwarto mo para sabihin na tirik na ang araw at kailangan nyo ng mag-enroll at pumasok sa bagong school nyo at mameet ang mga tachers nyo a..." Pagsisiwalat nya sa akin pero pinigilan ko na. Alam ko na sasabihin nya kasi. "at ano pa yaya??.. ang daming sinabi, pwede namang iksian na lang. dyan ka na nga" kilala ko na kasi yang si Yaya Luisa, paulit ulit lang ang sermon nyan sa kin kaya minsan to make it simple piniputol ko na. Yaya Luisa's POV: Napakamot na lang ako sa ulo ko at tumalikod na. Sa isip isip ko na lang, ito talagang batang to hindi pa din nagbabago. hindi ko naman sya masisisi at alam kong hanggang ngayon nangungulila pa din sya sa magulang nya. "hindi pa ko tapos magsalita ..Si mam talaga medyo weird pero mabait na bata yan. Ang laki ng pinagbago pero isa lang ang hindi nagbago sa kanya ang pagiging matatag nya kagaya ng magulang nya". Simula pagkabata inalagaan ko na ang batang ito at hinabilin na rin sa kin sya ng magulang nya sa kin. kilalang-kilala ko yang bata na yan mula ulo hanggang ingrown nyan kilala ko yan.. sa 17 years kong pagiging yaya sa Chen family at siguro mga 20 years kong pagiging maid ng family nila nakita ko na ang paglaki nya". Tristan's POV: 7:15am @ Mendoza's residence Pasipol sipol at nagagalak sa pagsisimula ng bagong school year. bagong school din to para sa akin since na kick out ako sa dati kong school. malalaman nyo din kung bakit. "woohoo !!! junior high na ako excited na kong pumasok sa school". "baby !! ingat sa school huh.  Tukso ni Mama sa akin ganyan yan mag lambing at pang aasar na rin nya kasi kami na lang ang magkasama sa bahay since si Kuya ay nag asawa na. " Ma !!! hwag mo na akong tawaging baby hindi na ako baby" Sinimangutan ko na lang si mama at binuhat ang bag ko paalis. "okay, in one condition" " anu naman po yung condition?" Naka ismid lang sa kin si Mama ko at alam kong may balak to kapag ganyan ang pinapakita nya sa kin. "hindi na kita tatawaging baby kung may GF ka na.. ahihihihi!!! "GF??" "yup, GF.. girlfriend ba ahahahahahaha. tignan mo yung kuya Prince mo may Cath na sya". hagalpak ng tawa ni Mama na sobrang nakaka inis.  "Haizt..mama !! okay alis na po ako I love you"  Napa face palm na lang ako at buntong hininga sa mga sinasabi ng nanay ko. Go with the flow na lang. "okay take care I love you too bring it on baby"  Lakas pa ng tawa. Palagi talagang nang aasar tong si Mama ko pero lab ko yan and happy ako. "GGGGGGRRRRRR!!!!!! nakasimangot akong umalis ng bahay na hopeful na sobrang maganda ang start nito. nagpahatid na ko kay Kuya Prince para mabilis.      At Perpetual School Haven's POV: Nagpalingon lingon ako para magmasid ng mga tao, gawain ko na talaga to since nagtatago talaga ko mahirap na at baka may makakilala sa kin, Si Yaya Luisa naman ay nandun lang sya sa kotse para wala din makakilala sa kanya. sa isip isip ko, infairness mas malaki to kaysa sa huling school na pinasukan ko. Hanap ako ng Hanap kung saan ba magpapaenroll? Naisip Kong magtanong na nga lang.(bright idea) Oh my gulay!! I'm talking to myself,syempre wala akong kilala dito eh".  Until...someone bumps me…. Napakunot noo ko tapos napasalita ako ng "Luh". Nagkatitigan lang ng mga ilang segundo kasi parang pamilyar sya na hindi ko mawari pero syempre ayoko magpakilala sa kanya. ngiti naman sya ng ngiti sa kin akala mo kung sinong gwapong nilalang pero infairness naman gwapo talaga sya. Nagliliwanag yung mukha nya. Pero I compose myself and nagseryoso at medyo nagsungit. "grabe!! Ang laki pa ng ngiti mo nabunggo mo na nga ako"  Sa inis ko, hindi ko na napigilan na mainis sa taong ito. "s-sorry !! sobrang excited lang ako" lapad ng ngiti ng lalaking nakasalamuha ko ngayon. "okay.whatever!! Tabi dadaan ako" "wait!! Sabay na tayo, papaenroll ka di ba"tumabi sya sa akin at pakuya kuyakoy pa syang naglalakad kasabay ako. "obvious ba!! kaya nga andito ako eh..ang kulit" "huh?? Anu yun??" "wala sabi ko may kamukha ka pero hindi hamak naman na mas gwapo yun kesa naman sa'yo" "talaga? May mas gwapo pa kesa sa akin?" (sigh) Sa isip ko, Paano ba ako makakalusot sa mokong na to? Gosh. Yoko na talaga sa earth. "hey,joke lang by the way I'm Tristan and you?" "H-haven C-chen" "HAVEN CHEN??weeeh? hindi ngaaa. SHOOKT talaga ko" ang lakas ng boses nya kaya kulang na lang magtaklob ako ng mukha dahil nakaka agaw atensyon na rin sya.  "huh??" Anong sinasabi ng nilalang na to. "I'm Tristan Mendoza yung childhood friend mo remember? Dun sa dati nating school hahahaha!!" "pusang gala!! Ikaw pala yan.. sabi na nga ba ikaw yung...." medyo nag process yung mga information sa utak ko since sa inaraw araw ba naman sila Yaya Luisa lang palagi kong kasama at to be honest pilit ko ng binubura yung mga alaala ko nung bata ako at pinapalitan ko ng pagkamuhi at galit ang puso ko. Ayokong maging marupok. "yung gwapo na kilala mo?sabi ko na nga ba ako yun eh" "YABANG!!!" "ikaw na ba yan? Grabe it's been a long time since lumipat ka ng school kamusta na kayo? Sila Tito Luis at Tita Margaret?" "Yes,it is me. hwag mo ng tanungin. ayos na sila." "Hmmmm.. okay mabuti naman kung ganun". "Are we good? I have to go na and finish this kasi uuwi na ko" "teka...teka...sabay na tayo". Pagpipilit nya pa na ayaw nya talaga kong lubayan. Hours and hours ng paghihintay ay hinayaan ko na  lang syang magpa sunod sunod sa kin and like the old times puro kami throwback at hindi ko na lang namalayan nakukuha na nya ang loob ko. Napapangiti na nya ko at nakalimutan ko panandalian na nagtatago pala ko. All of a sudden I put my walls down which is matagal ko ng hindi ginagawa. Hindi ko alam pero itong pagkikita namin ni Tristan? I am not sure if it is a good sign or not pero sa ngayon isa lang ang alam ko, ayoko ng maulit ang nakaraan. Biglang bumalik yung loob ko na magtago ulit at sungitan sya.  Malapit na kami sa pila and since magkasunod lang kami na nag enroll asual nakuha namin yung parehong slot which means most of our class magkasama kami. Kamot ulo na lang sabay buntong hininga. Sometimes, nakakapagod din yung palipat lipat ka pero nandito na ito so wala ng atrasan to. Let's just see what will happen. Ayokong masira ang plano dahil lang kay Tristan. Sana hanggang dito na lang ito. Hangga't maaari set limitation like I am always doing ganun na lang.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD