ConSol 8

1353 Words
"You should try smiling sometimes." Napataas ang kilay ko nang umupo sa tabi ko si Doc Philip. He has coffee styro cup on his hand. Kakabalik lang namin sa station mula sa pagresponde sa minor traffic accident. It's the first call of the night. Medyo mabagal ang gabi, but it's a good thing. Kapag walang tawag ibig sabihin walang napapahamak na tao sa area namin. "Para kang pinagsukluban ng langit at lupa palagi." Ayaw talaga akong tantanan ng antipatiko na 'to. He's been leeching on me since our first day. Mahilig pang isali ako sa usapan eh ayaw ko ngang makipag-usap. "I'll appreciate it if you stop bothering me." He's so unprofessional. Balita ko ay pansamanta siyang inalis sa hospital and itong trabaho niya bilang aid responder ang consequence ng kung anong ginawa niya. Whatever it is hindi naman ako interesado, nagkataon lang na narinig ko minsan sa usapan ni Therese at Gwen. "Ang sungit mo talaga. I saw you kanina, you step out sa unit ng kapitbahay ko. Is he your boyfriend?" Tinignan ko siya ng masama. Kung pwede ko lang isaksak ang kinakain kong polvoron sa lalamunan niya para manahimik na siya gagawin ko na. "Nasa trabaho tayo. Kung buhay ko ang gusto mong pag-usapan pasensya na ayaw ko." Tumayo ako at iniwan siya. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa, nambibwisit talaga. Kung may listahan ako ng mga taong bwisit ako nasa number two siya, unang una si Desmond. Napapikit ako nang maalala ko siya. Simula nang nag-iba ako ng trabaho ay lalo siyang naging pasakit sa ulo ko. He calls me randomly because he's so f**k up drunk at kung saan-saang lupalop ng Manila nagpapasundo. Napapaisip nga ako sa kung paano pa niya nagagawa ang trabaho niya kahit wala siyang ibang ginagawa kundi uminom. Nagsasalin ako ng tubig sa flask ko mula sa despenser nang tumunog ang alarm ng station. Napalingon ako kay Doc Philip nang marinig ko sa speaker na sinasabi ng dispancher na tension purple. Mabilis akong gumalaw at tumakbo pasunod kay Doc Philip sa ambulance. It's a domestic violence report. Pinakaayaw ko na kaso na nirerespondihan namin, lagi kasing may sangkot na bata. Worst case scenario, rape victim. It's hard dealing with them, it's depressing na wala kang magawa kundi aluin sila at minsan kailangan pang e sedate para lang kumalma. Unlike traffic accidents na pwede mong linisan ang sugat, kabitan ng swero o kahit anong first aid, sa mga ganitong kaso na nirerespondihan namin halos wala naman kaming magawa. Pagdating sa scenario napasinghap ako. May police mobile na umaresto sa suspect habang ang biktima ay nasa loob pa ng bahay. Nakasunod ako kay Doc Philip, inalalayan ko siya sa pagbigay ng first aid sa asawa ng suspect na walang awa niyang sinaktan. "A..ang anak ko," halos walang boses na bigkas ng biktima habang hinahaplos ang tiyan niya. "Everything will be fine, Ma'am," pagpapagaan ni Doc Philip sa nararamdaman ng biktima. Kasama ang isa pang responder ay nilagay nila siya sa stretcher para madala sa hospital. Niligpit ko na ang med kit tsaka sumunod sa kanila. Bago ko maisara ang pinto ay inikot ko ang tingin sa loob ng bahay. They have plenty of wedding photo on the wall. I smile bitterly, they look so happy and.. inlove. Hindi mo talaga akalain minsan. Iyon na ang huling tawag hanggang matapos ang shift ko. Pagdating ko sa bahay ay naligo lang ako at natulog na rin. "You bloom. May progress na kayo ng ka-s*x mo?" Nasamid ako sa walang pakundangan na tanong ni Ate Clara. Day off naming dalawa at naglilinis kami ng bahay dahil sa day off din ng katulong. "Marinig ka ni Papa." Umirap siya sabay kuha ng baso na sinalinan ko ng malamig na tubig. Pawisan din siya gaya ko. Inipit niya ang walis sa kili-kili tsaka niya inubos ang tubig at nagsalin ulit para ibigay sa akin. "Ano siya may super hearing?" tukoy niya kay Papa na nasa taas at nagpapahinga. "So, ano na nga? Any progress?" Pangungulit niya. Simula nang humingi ako sa kanya ng prescription naging feeling close na siya sa akin, hindi ko alam kung matutuwa ako o kung hihilingin ko nalang na maging maldita siya gaya noon. "Wala, hindi ko nga gusto 'yon." Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi mo gusto pero sinuko mo ang Bataan? Tapos nagpapaaraw-araw ka na nga yata." Sa dami niya minsan alam ang sarap ng itumba. "He's good in bed." Impit siyang tumili. Hinampas pa ako sa balikat ng walis. "Ang landi mo na." "Ikaw ba hindi?" balik ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin. "Bastos ka ah." "Nagtatanong lang naman," natatawa kong sabi. Pikonin pa rin. Maldita talaga. "Iniisip ko na ngang itigil na ang kalokohan ko kasama siya. He's overlapping with our supposed relationship. Ginagawa niya akong errand girl." Sinimulan kong ayusin ang magazine sa ilalim ng center table. Umupo naman si ate sa harap ko at tumulong. "Errand girl? What do you mean?" Inalala ko ang mga nakalipas na araw. Desmond became very possessive, gusto niya lahat ng ginagawa ko naka-report sa kanya. Pinapapunta niya ako sa condo niya to accompany him sa paglalasing. He calls me kahit anong oras para magpasundo dahil hindi na niya kaya ang magmaneho sa sobrang kalasingan. Pakiramdam ko binibigyan niya ako ng responsibilidad sa buhay niya. "Basta ang hirap mag-explain." Napalintak siya. "Explain, dami nating time." Napabuntong hinga ako sabay kwento sa kanya ng lahat. Attentive siyang nakikinig at nagbibigay ng opinyon paminsan-minsan. I will gonna say that I am now finding a friend sa kapatid ko. We both mature, dati kasi parang kalaban ang tingin niya sa akin. "Lately kasi ewan ko para siyang linta. He wants me to be around him always. Tapos lagi pang tawag ng tawag kapag nasa trouble. Ginagawa niya akong one call away responder." Ate sneered. "At ikaw si gaga mabilis ding pumupunta sa kanya?" Nahihiya akong tumango. Ewan ko nga rin kung bakit. Sabi ko naman noon maliban sa s*x walang mamamagitan sa amin. Pero ano na ngayon? Edi nilamon ko lahat ng pinagsasabi ko. "You know what sis..." Pinagpagan niya ang alikabok na napunta sa shorts niya. "Kapag s*x, s*x lang. Delekado ka diyan sa ginagawa mo. You might develop a feeling." "Hindi naman siguro." Another lie. It sounds so pathetic pero nagugustohan ko si Desmond. Ewan ko baka hindi ko namalayan nabagok ako at naging attractive sa akin ang hindi natutunawan ng alak. "Hay nako. I can't give you good advice, wala rin kasi akong experience sa ganyan." Nagkatinginan kami sabay tawa. Magkapatid nga siguro talaga kaming dalawa dahil sa totoo lang kung hindi dumating si Desmond sa buhay ko baka pareho kami ni Ate Clara ang babahayan ng gagamba ang p********e. Umalis si Papa kinagabihan, pumunta siya sa retirement party ng kaibigan niya na sundalo rin. Si ate nag-aya na pumunta sa bar, wala rin naman kaming gagawin sa bahay kaya pumayag ako. I texted Desmond na hindi na muna ako pupunta sa kanya and binalaan ko na siya na huwag akong tawagan kapag magpapasundo siya dahil sa kalasingan kasi iinom din ako. "Kanina ka pa diyan sa phone mo. Mag-enjoy muna tayo. Bukas na 'yang s*x toy mo!" sigaw ni ate sa gitna ng ingay sa loob ng club. Sumenyas siya sa bartender na bigyan kami ng alak na mabilis naman nitong tinugonan. Unang lagok palang napangiwi na ako, umiinom din naman ako masakit lang talaga sa lalamunan ang napiling alak ni ate. Isang shot.. dalawa... Hanggang sa hindi na mabilang. Umiikot na ang paningin ko nang hilahin ako ni ate sa gitna ng dance floor. Umakyat siya sa parang mini-stage na may pole at sumayaw doon. Hinila ko siya pababa pero hinila niya rin ako paakyat. Pinilit-pilit niya akong sabayan siya hanggang sa bumigay na rin ako. Matinding hiyawan ang nangyayari sa paligid namin. Maya-maya pa ay naramdaman ko na dumami na ang tao sa mini-stage, sumikip at nanlagkit na ako. But that's the fun of it. Hindi ko na alam kung sinong tao ang nasa likuran ko at hinihipuan ako. I was laughing and grinding, teasing who the f**k he is.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD