ConSol 12

1344 Words
Napatigil ang hakbang ko nang pagbukas ko ng pinto ng unit ni Desmond ay siya ring paglabas ni Doc Philip sa tapat. Tumaas ang mga kilay niya na parang nagulat din siya sa biglang pagsulpot ko. It's Sunday, day off namin parehas. "Nandito ka na naman." "Ye.." Hindi natapos ang sasabihin ko nang biglang sumilip si Desmond. Napunta sa kanya ang tingin ni Doc Philip bago muling napatingin sa akin at binigyan ako ng makahulogan na tingin. "Who are you?" malamig na tanong ni Desmond. Tinulak niya lalo ang pinto dahilan para magkaharap kaming tatlo ng maayos. Ni-lock ni Doc Philip ang pinto niya tsaka niya pinunas ang palad sa t-shirt niya bago ilahad ang kamay sa harap ni Desmond. "Philip, your neighbor." Desmond reached for it. I can visibly see how firm his grasp is. "Desmond." I nudge him to let go. Bumitaw naman siya kaagad sabay akbay sa akin. Tumikhim ako para mawala ang tinginan nilang dalawa. I tried pushing Desmond's hand away from my shoulder pero ang loko nagmamatigas. "Sige, mauna na ako. See you at work tomorrow, Clez." Doc Philip wink at me. Anong eksena n'on? "Ano mo 'yong Philip na 'yon?" Nasa grocery na kami at tinutulongan ko siyang bumili ng stocks niya pero mukhang hindi siya matahimik tungkol kay Philip. "Katrabaho. Doctor namin." Panay ang lagay niya ng ready to heat na pagkain sa cart at ganoon din ang balik ko n'on. He's alcoholic tapos ang mga kinakain niya basura. Gusto ba niyang mamatay kaagad? "May gusto siya sa 'yo." It wasn't even a question. "Mahilig lang siyang mang-asar." He snorted. "Talaga lang ha," ani niya. Umirap nalang ako kahit hindi niya nakikita. Kung makapagsalita akala mo nagseselos. "How's that Philip treating you?" Ayaw niya talagang tigilan ang topic nakabalik na kami sa condo niya, nakakain na at may nangyari na nga. Aalis sana ako sa tabi niya nang hilahin niya ako pabalik. Napasalampak tuloy ako sa dibdib niya. "Ano nga? How is he? Close kayo?" Inirapan ko siya. "Interested ka ba sa kanya? Sa kabilang unit lang siya. Puntahan mo." Umirap din siya. Hindi niya ako binitawan ng inangat niya ang katawan pasandal sa headboard kaya napaupo ako sa binti niya. "Concern lang ako sa 'yo." Natawa ako ng sarkastiko. "Baka takot ka lang na may nangyayari rin sa amin." He tsked. "Pilayan ko siya gusto mo?" Umismid ako. Seryoso ba siya? "Bakit mo naman gagawin sa kanya 'yon?" Tiim niya akong tinignan. "I don't share, Clez." "Matatapos na rin naman oras mo," I reminded him. Humigpit lalo ang hawak niya sa akin. Lalong sumeryoso ang mga mata niya. "But for the mean time, you're mine. No men on the side. Akin ka, kahit sandali lang." Dumagundon ang dibdib ko. Napaiwas ako ng tingin. Lumuwag na ang hawak niya sa akin kaya mas madali na ang umalis sa higaan at makapagbihis. I don't like what I feel. Walang mangyayaring maganda kapag pinagpatuloy ko pa ito. We have limited time. He isn't mine. "Aalis ka na? Wala ka namang trabaho ah." Nagbihis na rin siya. Nakasunod siya sa paglabas ko sa kwarto. "May buhay ako maliban sa ginagawa natin." "Teka nga!" Hinawi niya ako paharap sa kanya bago ko pa man mabuksan ang pinto. "What's going on? Did I say something you don't like? Fine!" Tinaas niya ang dalawang kamay. "If you want to be with that Philip also, sige sure. I'll share you to him." Sa mga sinabi niya ay lalo akong nabwisit sa kanya. Tinulak ko siya pero nagmatigas pa talaga. "Uuwi na ako. Gusto ko ng umuwi." "Tell me first why?!" Tumaas ang boses niya kaya napaatras ako. Huminga siya ng malalim sabay pikit ng mariin. Sa muling pagbukas ng mga mata niya ay mukha na siyang mas kalmado na. "You can't leave me with no reason, Clezl. I won't let you." "Ano ba kita, ha?" Hindi ko na napigil na itanong. "I'm y..your.. I'm..." Natawa ako nang wala siyang masabi. This is it. Sign na ito na tama na. "f**k buddy," pagpapaalala ko. "Kung ayaw ko na hindi ko kailangan ng rason para ayawan ka." "But why so sudden?" tila nasasaktan niyang tanong. "Nag-usap na tayo ah. May oras pa akong natitira." "Ayaw ko na nga!" singhal ko. "Then f*****g tell me why!" bulyaw niya rin. Napatalikod siya sabay suntok sa pinto. Tinignan ko lang siya hanggang sa matigil siya at muling bumaling sa akin. "Am I that easy to throw away? We spent months together tapos walang rason? You just want yourself out? This is f*****g unfair with me!" His fist clenched. I can feel fury from his eyes. I was scared for a second na baka anong gawin niya, he has alcohol in his system, hindi naman siya nawawalan n'on. I was worried na baka bigla niya akong saktan. I had trainings pero hindi sapat 'yon, he is too big and strong for me. Napaatras ako pero mabilis niyang nahuli ang balikat ko. His grip is tightening na napangiwi ako. "Give me a f*****g reason! Tell it to my face! Don't just f*****g run!" "Ano ba, nasasaktan ako." I push his hand away pero napapahigpit lang ang hawak niya. "Tell me first! Ano bang nagawa ko?!" Nagbaga ang mga mata niya. Sinalubong ko iyon. Inipon ko lahat ng lakas ng loob na meron ako at sinabi ang bagay na talagang makakapagpatigil ng lahat ng kabaliwan naming ito. "I like you. Ano, masaya ka na?" "What?" kunot-noong tanong niya. Sa muling pagtulak ko ng kamay niya ay napabitaw na siya. Ang kaninang galit ay napalitan na ng takot at pag-aalala. Napangiti ako ng mapait. He must be thinking I am so pathetic of liking him na sa umpisa malinaw na lahat na hanggang f**k buddies lang kaming dalawa. "Gusto na kita Desmond. Nilalagyan ko na ng malisya lahat ng ginagawa mo. Nahihirapan na ako. I don't want to hurt myself further kapag nahulog ako lalo sa 'yo." "Clez..." "Kaya tama na. Hayaan mo na ako." Palagpas na ako nang muli niyang hulihin ang braso ko. Pagod niya akong tinignan. "You're just tired. Magpahinga ka muna. I'll order something for us. You're not yourself when you're tired." Napatingala ako. Pinapainit niya ang ulo ko sa mga sinasabi niya. "Oo, pagod nga ako. Pagod na ako sa 'tin. Desmond, ano ba? Wala ka bang pakiramdam? Lasing ka ba talaga palagi? Ilang buwan na tayong pinapakilig ang isa't isa, we slept with each other multiple times, you even told me you love me." I can see shock on his face. Ofcourse he couldn't remember, lasing na naman kasi siya that time. Kahit ako noong sinabi niya 'yon ay natigilan. But I didn't make a big deal out of it. I never confronted him. I just let it go but now, sobra na. "Sinabi mo Desmond! You told me you love me. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit umaakto ka ng parang wala lang. It's fine with me kung wala lang, alam ko naman ginagawa ko nang pasukin ko ang sitwasyon. But ikaw ang nagpakita ng motibo, you take care of me the way you shouldn't. You made me like you." "You're f*****g bluffing right now." He did a fake laugh. Masyadong halata, hindi ba naman umabot sa mata niya. "Tama na Desmond. Ayaw ko na talaga. Please let's not see each other again." Sumeryoso siya. Napahilamos ng palad sa mukha niya. "Gusto mo na talagang itigil?" "Yes, Desmond. Nakakapagod na talaga. I have work to attend tapos ikaw pa." Napatango siya ng ilang beses. "How about friends? I don't want to lose you." Umiling ako. Selfish. "Sorry Desmond. You're not the friend I want. Masyado kang makasarili." Kahit gusto kong umiyak at maglupasay ay hindi ko ginawa. I've had far more worst heartbreak. But what Desmond did to me para akong ginamit na parang laruan. I feel so dirty kahit na ilang beses akong naligo at kinuskusan ang sarili. Panalangin ko na sana hindi na muling magkrus ang landas naming dalawa. I hate him for making me feel special and not putting label in it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD