2020 (after a year) IPINIKIT ko ang mga mata. Nananagip lang ako. This isn't real! Posible 'yon! Minsan nga, I was dreaming that I am James Reid, sometimes, Brad Pitt or even Jerome Ponce! Posible! Napakaposible! Mariin kong pinikit ito hanggang sa hinay-hinay kong ibinuka ang mga mata ko. One... two... three! Naku! Hayop! Hayop pa rin ako! "Arrrrggggh!" I growled. Aso pa rin ang hitsura ko! Uf! This isn't real! No way. No! Tama! Matutulog ako ulit. Agad akong tumungo sa higaan at isinubsub ang ulo sa ilalim ng unan. "Tulog na, Nathan! Tulog! Tulog!" I really tried. Baka kailangan lang na matulog ako ulit at magising, tapos pagmulat ko sa mga mata ay si Nathan na ako ulit. Ang gwapo at matipuno--- slight, na si Jonathan Montefalco. "Na, na, na, na," paghehele ko sa s

